44

447 12 7
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 44
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

"Papa!"

Suway ko rito ng bigla-bigla na lang sumisigaw at nakakahiya naman sa nakakarinig. Hindi naman kasi soundproof ang kwarto kaya hindi siya pwedeng mag-ingay ng mag-ingay dito. Nagising na lang ako at bumungad sa akin ang Papa ko at nagsisigaw siya. Halatang galit na galit ito dahil sa kalagayan namin.

Hindi ko naman maawat dahil hindi nakikinig sa alin sila Mama at Papa. Idagdag mo pa ang mga bungangang kakasigaw ng mga kapatid ko, sumasabay pa sila kala Mama at Papa.

Hinanap ng mga mata ko si baliw pero wala siya. Pati ang mga bata at si Will na natutulog ay nagising din dahil sa pagsigaw ng Papa ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang buong pamilya ko. Kumpleto sila at walang kulang. As in... Lahat sila ay nandito.

"Oh, ano?! Sige nga, ganong klase ng tao ang pipiliin mong makasama habang buhay? Saan kayo niyan araw-araw pupulutin, ha? Sa hospital? Paano kung sa susunod hindi na kayo makaligtas, ha? Paano kung sa susunod hindi na kayo mabuhay? Paano naman kami?" Si Mama naman ang sumigaw after akong sigawan ni Papa.

Napapikit ako ng mariin. Ano ba namang pamilya kong ito? Napaka-oa nila. Wala namang hawak na microphone pero talo pa nila ang may gamit ng ganon kung makasigaw. Abot na yata hanggang sa entrance ng hospital ang boses nila.

"Ma, Pa, huwag po kayong sumigaw. Baka palabasin kayo," suway ko ulit pero hindi naman sila ito nakinig.

"Ate, tama naman kasi sila Mama at Papa. Paano kung sa susunod hindi na kayo mabuhay?" tanong naman ng kapatid kong pangalawa, si Thea.

Nandito rin ang asawa at anak niya. Paano nila nalaman na na-ospital kami? Wala naman akong nasabi sa kanila na na-ospital kami. Dahil alam kong ganito nga ang mangyayari pero kahit hindi ko pala sabihin ay malalaman at malalaman nila. Napabuntong hininga na lang ako.

Akmang magsasalita sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si baliw. Lahat ng tingin namin ay nasa kaniya ng pumasok siya. Nakagat ko lalo ang labi ko ng pumasok siya. Bakit siya pumasok agad? Mainit pa naman ang dugo sa kaniya ng pamilya ko. At saan ba siya galing?

"At sino naman 'to?" tanong ni Papa sabay turo niya kay baliw. "Sino ka?!"

Gusto ko sanang matawa dahil mukhang kinakabahan at pinagpapawisan ng malagkit si baliw. Mukhang ito yata ang first time niyang haharap sa pamilya ng nagugustuhan niya. Masyado kasi siyang intense.

"Ako po si Edwyn... Edwyn Patterson," pagpapakilala ni baliw.

"Ma, parang pamilyar ang name niya," bulong ni Siena.

Titig na titig silang lahat kay baliw. Ang mga bata ay tahimik lang at hindi nagsasalita. Si Will ay natatawa dahil sa itsura ng Kuya niya. Pati siya magaganito ng Papa ko sa oras na malaman ng Papa ko na may something sila ng kapatid ko.

"Ate, 'di ba Patterson din ang apelyido ng mga pamangkin namin?" tanong ng bunso kong kapatid, si Rory.

Hindi ako umimik, kahit kailan ay hindi ko nasabi kay baliw na ginamit ko ang apelyido niya sa mga anak namin. Tanging pamilya ko lang ang nakakaalam at si Will.

Sabay tingin ulit kay baliw. Halos nakatingala lahat sila kay baliw. Kahit ako kapag titingin sa kanya ay need ko pa na tumingala pero nakakangalay kaya kung minsan ay hindi ko siya tinitignan kapag kinakausap ko.

"Anong pangalan mo ulit na lalaki ka?" tanong ni Papa. "Ano kamo?!"

"I'm Edwyn po," saad naman ni baliw sa magalang na tono ng boses.

Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now