40

449 10 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 40
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


“Mama, last na lang tapos tulog na tayo.”


Kanina pa sinasabi ni Lew iyan pero kada matatapos ang pinapanood naming cartoons ay humihirit pa 'to. Kaya inabot na kami ng 11 pm sa kakahirit niyang manood pa raw kami. 


Nakatulog na nga si Will sa may sofa dahil hindi siya pinapaalis ni Lew dahil hindi pa raw tapos ang pinapanood namin. Kawawa na nga at hirap na hirap itong natutulog sa may sofa.


“Tama na, Lew! Tignan mo nga ang Tito mo sa kakapigil mo sa kanyang muna umakyat nakatulog na sa sofa,” suway ko at tinuro si Will na masarap na natutulog sa sofa. Naririnig ko pa kasi ang hilik niya.


“Pero gusto pa namin manood ni Lai—”


“Ikaw na lang may gusto, na aantok na rin ako,” putol ni Lai kay Lew kaya natawa ako.


Idadahilan pa niya si Lai pero hindi yata sumakay ngayon si Lai sa kalokohan ng kapatid niya dahil antok na nga talaga siya. Mapupungay na rin talaga ang mata niya. Pinatay ko na ang tv kahit na nagpoprotesta pa ang anak ko.


“Mama!”


“Lew, bukas na lang ulit. May bukas pa naman,” saad ko at humarap sa kanila.


Nakangusosng humarap si Lew sa Papa niya na walang ibang ginawa kundi ang sundin ang sinasabi ng mga anak niya. Isa pa siya, eh. Sipain ko siya, kung hindi niya pinagbibigyan ang anak namin ay hindi sila mapupuyat ng ganito.


“Papa, buhatin mo 'ko!” masiglang sigaw ni Lew. Mukhang hindi pa siya naantok dahil ang sigla pa niya samantalang si Lai ay ubos na ang energy niya.


“Sure. Come here, bud.” Paglasabi ni baliw ay agad na sumalampak ang anak ko sa kaniya at binuhat niya 'to. Tumingin ito kay Lai. “Ikaw? Gusto mo rin?”


Akmang iiling si Lai ng sumabat naman si Lew. “Papa, gusto niya rin iyan! Nahihiya lang magsabi. Sige na, Lai! Pabuhat ka na rin kay Papa roon ka sa likod niya tapos dito ako sa harap.”


Tumingin sa akin si Lai na para bang nanghihingi ng permiso kaya tumango ako. Ang anak kong 'to mahiyain talaga pero ang lakas ng loob makipag-away.


“Will, gising. Uy! Akyat na tayo,” gising ko kay Will ng makitang gisyo ng umakyat ng mag-aama at nakalimutan yata nilang may kasama pa kaming iba na nakatulog sa sofa.


“Kuya, ako rin gusto ko rin ng buhat,” ungot ni Will kaya tinignan siya ng masama ng kapatid. “Sige, kay Ate na lang ako magpapabuhat.”


Nanlaki ang mata ko ng pumulupot ang braso nito sa balikat ko at umambang magpapabuhat. Ano bang trip nito ni Will? Eh, hindi ko naman siya kayang buhatin. Mas mabigat siya sa akin at matangkad kahit mas matanda ako sa kanya.


“Aalisin mo yang mga braso mo o aalisin mo?” Mapagbantang tanong ni baliw sa kapatid.


Mapang-asar na umiling si Will. “Ayaw ko. Ano ngayon ang gagawin mo?”


Akmang ibaba niya sana ang mga bata ng biglang bumitaw si Will sa akin at tumawa. Siraulo talaga ang lalaking 'to! Ginagalit na naman niya ang kapatid niya. Napailing na lang ako at binatukan si Will na mas lalo niyang ikinatawa.


“Papa, tabi-tabi tayo matulog sa isang kwarto,” suggestion ni Lew.


Nagulat ako ng naging sawa ang braso ni baliw at pumulupot sa baywang ko. Masama pa rin ang tingin niya sa kapatid niya na natatawa pa rin hanggang ngayon.


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now