42

373 7 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 42
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


“Saan ka pupunta?”


Napatigil sa paglalakad si baliw ng tanungin ko siya at makitang palabas siya ng bahay. Nandito na kami sa bahay namin sa Manila kakauwi lang namin kahapon after naming gumala. Dito na niya kami inuwi at hindi na roon sa bahay nila.


“M-May pupuntahan lang ako saglit,” sagot nito.


“Saglit? Saan iyang saglit na iyan?” tanong ko at pinagtaasan niya ng kilay.


Natawa naman siya. “Magkikita kami ng mga kaibigan ko.”


“Walang babae? Kayo lang mga lalaki?”


Hinawakan niya ang magkabilang brachial ko at pinisil-pisil iyon ng marahan. Hindi naman masakit dahil mukhang nanlalambing siya para payagan ko. Pakiramdam ko ay asawa niya ako na kailangan suyuin sa tuwing nagkakayayaan silang magkakaibigan mag-bonding.


Bakit kais ngayon pa? Eh, aalis kami mamaya papunta sa probinsya. Tutal ay bakasyon na ng mga bata. Magpapaalam din akoo mamaya sa boss ko na magle-leave muna ako kahit 2 weeks lang para pagbigyan sila Mama sa hiling nila.


Hindi pa nila alam na kasama ko pauwi ang ama ng mga anak ko. Wala rin silang ideya kung sino ito o kung anong ugali meron si baliw. Basta katulad ng tinatawag ko sa kaniya ay baliw din talaga siya. Hindi ko rin kasi talaga siya mabasa at nagugulat na lang ako sa mga ginagawa niya.


“Meron, pero huwag kang magselos, hmm?” hinalikan ako nito sa labi ng palambing. “Hindi naman sila ang tipo ko. Hindi naman sila isang journalist na mataray, masungit, laging nagagalit, at hanggang dibdib ko lang ang taas.”


Sinamaan ko siya ng tingin ng i-tap niya ang ulo ko. Porket matangkad siya sa akin minamaliit na niya ang height ko. Masyado lang kasi siyang matangkad kaya nagmumukha akong maliit.


Hindi ako maliit, matangkad lang talaga siya kaya minamaliit niya ang taas ko. Kapre kasi!


“Eh, ‘di ikaw na matangkad,” inirapan ko siya na ikinatawa na naman niya.


“Ikaw ang gusto ko, pumpkin. Wala ng iba,” malambing niyang sinabi at hinaplos ang pisngi ko.


Kainis, bakit ang bilis kong bumigay?


“Anong oras uwi mo? Huwag mong kakalimutan na uuwi pa tayo sa probinsya ka huwag kang magpapakalasing, ha?” paalala ko rito.


“Opo, ‘tsaka hindi kami mag-iinom. Saglit lang talaga ako,” paninigurado niya kaya tumango ako.


“Sige, mag-iingat ka. Pupunta rin ako sa trabaho ko para makapag paalam na mag-leave.”


Muli niya akong hinalikan pero sa noo. “Sige, mag-iingat ka sa pagmamaneho, hmm?”


“Ikaw din.”


“Tss! Magpapaalam lang inabot na ng siyam-siyam,” pagpaparinig ni Will ng lumabas siya sa kusina namin at may hawak na siyang pagkain ulit.


Hindi namin siya pinansin si baliw dahil panira lang siya sa moment namin. Wala kasi siyang kabebetime kaya nanggugulo na lang kapag nag-uusap kami ng kapatid niya. Hindi niya rin ginugulo ang kapatid koo mukhang hinihintay niya talagang makapagtapos ang kapatid ko.


May usapan kasi sila ni Papa na hangga’t hindi nakakapagtapos ng pag-aaral ang kapatid ko ay bawal sila lumabas na silang dalawa lang. Yes, mahigpit ang magulang namin pero hindi naman kami nasasakal dahil gusto namin ang ganun. Para sa amin din naman ang sinasabi nila kaya pinag-iingat kami. Puro pa naman kaming mga babae na magkakapatid. 


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now