Chapter 1

125 4 1
                                    

CHAPTER 1

HALLIE'S P.O.V

5 years ago from the present...

"Hallie, male-late na tayo! 'Wag ka na magpa-late please! Sawang-sawa na ako sa sermon ni Kuya Saxon!" naiinis na wika ni Salem.

Si Salem Kim, best friend ko siya, simula pa nung bata kami kaibigan ko na siya. Hindi niya kasi gusto ang ugali ni Kuya Saxon Park, ang sekretarya slash heartthrob slash crush ko sa RK University.

Tumawa si Jameson. "Baliw 'yan si Hallie eh, kung kailan nag-second year college at saka gusto lagi magpa-late para matanaw si Kuya Saxon."

Si Jameson Yang, best friend ko rin siya at simula pa lang nung mga bata kami ay magkakasama na kaming tatlo. One of the boys ako pero lalaki pa rin naman ang hinahanap ko.

Ipinagdikit ko ang mga palad ko at tumingin kay Salem. "Last na 'to, promise. Patanaw lang ulit kay Kuya Saxon."

Bumuntong hininga si Salem. "Ilang beses ko na naririnig 'yan."

"Eh hayaan mo na ako, Salem, bakit kasi gusto niyo pa sumabay sa'kin?" nagtatakang tanong ko. "The last time I checked sabi ko sa inyo mauna na kayo eh."

"Tanong mo si Kuya Heelton baka alam niya," aniya Jameson.

Napa-irap ako sa hangin. "Napaka naman ni Kuya. Ayaw niya nga ako isabay pumasok tapos uutusan niya kayong ihatid ako? Sa meeting na kasama rin naman kayo?"

Nagkibit-balikat si Salem. "Beats me. Ayaw namin sirain ang relasyon mo kay Kuya Heelton, Hallie pero paano kung ikinakahiya ka niya?"

"Alam ko 'yon, presidente nga siya eh, hindi man lang tayo tulungan makalusot kapag late tayo sa mga meeting at event proper," nakangusong sambit ko.

Marahang hinaplos ni Salem ang pisngi ko at saka ito kinurot. "Hindi naman kasi dapat tayo nale-late. Malakas lang talaga ang trip mo."

Hinampas ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. "Aray! Bitaw na! Masakit!"

Binitawan niya lang ako ng alisin ni Jameson ang kamay nito sa pisngi ko. Hinimas ko ang pisngi ko at saka kunot-noong tumingin sa relong pambisig ko.

"Huy! Tara na five minutes late na tayo!" natutuwang sambit ko at saka nauna nang naglakad papasok ng multipurpose hall.

Kaagad kong nakita si Kuya Saxon nang matanaw ko ang pintuan papasok ng multipurpose hall. May event kasi ngayon at laging si Kuya Saxon ang che-check kung sino ang mga officers o representatives na maaga at late dumadating at ipinapasa iyon sa chairman ng student council ng University.

"Parang baliw 'to si Hallie. Hindi pa tayo nakakalapit namumula ka na sa kilig," aniya Salem.

Niyakap ko ang braso ni Salem at saka sinabayan siya sa paglalakad. "Nagseselos ka lang eh."

Tumaas ang isang kilay ni Salem. "Kapal naman, Hallie. Hindi ba pwedeng naiinis lang ako kasi three meetings na akong nare-record as late?"

Ngumiti ako. "Thank you, Salem."

Humalukipkip ito at saka bumuntong hininga. "Whatever, Hallie."

"Good morning... Late na naman kayo," nakangiting bungad ni Kuya Saxon habang tinatapik ang papel na nakalagay sa harapan niya gamit ang ballpen. "Name, time, and signature."

Naunang nagsulat si Jameson habang ako, ito nakatitig kay Kuya Saxon na binabantayan ang isinusulat ni Jameson.

"Mabibigyan na kayo ng warning ni Ma'am kapag nagpa-late pa ulit kayo next time," seryosong sambit ni Kuya Saxson. "Bakit pala kayo laging late?"

It's Better than Never (S1)Where stories live. Discover now