Chapter 3

72 1 1
                                    

CHAPTER 3

HALLIE'S P.O.V

One year from the present...

"Aalis na talaga kayo? Grumaduate lang tayo iiwan niyo na ako," malungkot na sambit ko.

Mahinang tumawa si Salem. "Hindi ba sabi mo sa amin chase our dreams? Ito na 'yon oh, tatlong steps na lang."

Tumango si Jameson. "Oo nga, tama. Two years training lang naman kami doon and then we'll come back here."

Napanguso ako. "Mamimiss ko kayo."

Salem spread his arms and hugged me. Naramdaman kong ipinatong niya ang baba niya sa ulo ko. "We'll miss you as well, Hallie. Wala kaming aalagaan doon."

Umalis ako sa pagkakayakap ni Salem. "Hala edi maghahanap na kayo ng bago?"

Inakbayan ako ni Jameson kaya napatingin ako sa kaniya. "We won't. Mahirap kayang humanap ng kasing tigas ng ulo mo."

"Galingan niyo ah. Hihintayin ko pagbabalik niyo," malungkot na sabi ko.

Salem and Jameson hugged me tight at saka sila lumayo at hinawakan ang kaniya-kaniyang maleta.

"We'll call you everyday," Salem noted.

Tumango si Jameson. "Yeah, if ever we can't, we'll send you a message. That would suffice, yeah?"

Ngumiti ako. "Yep, that would suffice."

"Calling out all of the passengers from flight 807 to South Korea," anunsiyo sa loob ng airport.

Nagkatinginan si Jameson at Salem.

"That's our flight, Hallie. Aalis na kami, be safe okay?" Aniya Salem.

Mabilis akong tumango at ikinaway ang kamay ko. "Ingat kayo!"

Jameson smiled and waved back. "Ikaw rin, alagaan mo sarili mo."

Sumaludo ako na ikinatawa ng dalawa and they completely turned around and started to walk away.

Napabuntong hininga ako at saka tinitigan ang mga papalayong bulto ni Salem at Jameson. May umakbay sa'kin at alam kong si Jay iyon dahil sa pabango nitong amoy mayaman.

"Two years sila doon, right?" He asked.

Humarap ako sa kaniya at saka niyakap ang braso niya. "Yep, bakit ngayon ka lang? Hindi ka tuloy nakapagpaalam."

Jay smiled. "I already bid my goodbyes yesterday to Salem and kaninang umaga kay Jameson. Gusto ko lang na ma-solo mo sila and that's what my step-brother wanted too."

"Edi mamimiss mo si Salem?" Pagbibiro ko.

Jay nodded. "Yeah, siya lang naman kasama ko sa bahay and despite him being my step-brother, hindi naman niya ako tinrato as ibang tao, so it's normal for me to miss him, right?"

"Naks naman, paganyan-ganyan ka pa, eh kapag nagkikita kayo lagi kayo nagbabangayan," natatawang sambit ko.

Nagsimula na kaming maglakad palayo. "That's our love language. May gusto ka ba puntahan bago kita ihatid pauwi?"

Umiling ako. "May family dinner akong kailangan puntahan. Hindi ko lang alam kung para saan pero sinabihan ako nila Dad na kailangan ko pumunta doon."

Kunot ang noong tumingin si Jay sa relong pambisig niya. "Eleven AM pa lang ah?"

"I know, sinasabi ko lang naman na bawal akong magtagal sa labas. Kumain na lang tayo ng lunch bago tayo umuwi," nakangiti at excited na wika ko.

Jay chuckled and shook his head. "Let's go then."

It's Better than Never (S1)Where stories live. Discover now