Chapter 4

71 2 0
                                    

CHAPTER 4

HALLIE'S P.O.V

Present...

"I'm going out with Jay, iinom lang kami," sabi ko nang makababa ako mula sa ikalawang palapag.

Bumungad sa'kin si Saxon na abalang nanonood ng isang palabas. He glanced at me at saka niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago ito nagsalita.

"Sige, may date pala kami ni Eloise," he replied.

Napatingin ako sa kaniya at saka tumango. "Ah, sige. Date well, huwag lang kayo magpapahuli."

Saxon smirked. "kahit naman magpahuli ako, wala naman silang magagawa."

I looked at him, confused. Nagkibit-balikat ako. "We'll never know. Ang alam ng public kasal tayong dalawa at saka na sa rules and regulations mo 'yon. Pwede makipag-date basta huwag magpapahuli. Lumipas lang ang isang taon, nakalimutan mo na."

I saw Saxon rolled his eyes because of irritation. "I don't care anyway."

Napa-iling ako. "Alright."

Isinuot ko ang puti kong rubber shoes at saka tuluyan ng lumabas ng bahay. Napangiti ako nang makita ko ang nakaparadang sasakyan ni Jay. Mabilis pa sa alas-kuwatro na tumakbo ako papalapit doon at saka sumakay sa passenger seat.

"Ang aga mo ah. Ayaw mo talagang pinaghihintay ako," pagbibiro ko.

Jay laughed. "Mahirap kayang ipinaghihintay ang hari, Hallie."

"Tama, hindi dapat pinaghihintay katulad ko," pagsakay ko sa biro niya.

"Where to, King Hallie?" He asked as he turned on the engine of his car.

"Iinom tayo 'di ba?" Tanong ko. "Saan ba maganda?"

"What? Iinom ka na naman? Tatamaan na ako kila Salem niyan," nakasimangot na wika ni Jay.

Napanguso ako. "Ano ba 'yan, akala ko ba naman makakapag chill ako."

"We'll chill alright." Bumuntong hininga siya. "Fine, let's drink pero huli na 'to."

Ngumiti ako ng matamis. "Sinabi mo na 'yan dati eh, you still end up allowing me to drink."

Jay smirked. "Malakas ka sa'kin eh."

"Talaga ba? Lagi mo nga ako sinusumbong kila Jameson," sambit ko.

He laughed and glanced at me. "Baliw, hindi 'no. Lagi ko lang pinopost 'yong mga picture mo kapag nana-knock out ka ng alak tapos nakikita lang nila."

Pabiro akong umirap sa hangin. "Edi ganoon pa rin. You're not messaging them directly, but you post it and let them know about it as well."

"Okay lang 'yon. Kapag tinanong ka nila, panigurado namang sasabihin mo rin 'yong totoo," he retorted.

"Yeah whatever."

"By the way, tutal mag-iinuman din tayo, may ipapatikim ako sa'yong alak," nakangiting sambit nito.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Baka knocked out na naman ako diyan ah."

Jay laughed. "Maybe? Ihahatid naman kita pauwi."

Napasimangot ako at saka humalukipkip. "Pwede bang huwag? Ayoko makita si Saxon."

Jay glanced at me and shook his head. "Hindi pa rin ako makapaniwala na isinusumpa mo na siya ngayon, samantalang dati patay na patay ka sa kaniya."

"People change, Jay."

************

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Jay. Kaagad akong napabalikwas ng higa. Napapikit ako ng mariin dahil sa pagkahilong nararamdaman ko.

It's Better than Never (S1)Where stories live. Discover now