CHAPTER 2

17 5 0
                                    


JASMINE POV

Naglalakad ako ngayon dito sa hallway ng school. Pupunta ako ng library dahil mag re research ako tungkol sa thesis ko. Kailangan ma approve ito para maka graduate ako ngayong marso.

"Best!!!!!!!"

O_O. Ang lakas makasigaw ah. Parang nasa palengke lang sya.

"Best!"

Baka hindi ako ang tinatawag, nakakahiya pag lumingon ako.

"Best!!"

Parang boses iyon ng bestfriend kong si Dianne . Paglingon ko nasa harap ko na siya. Humihingal at nakahawak sa tuhod nya.

"Kanina pa kita tinatawag best grabe ang bingi mo naman." sabi nya na humihingal pa rin.

"Sinong maysabi sayong sumigaw ka? Tss!" Tanong ko sa kanya na naka cross arms.

"Best naman eh. Hehehe. Teka best, nanood ka ba ng ASAP kahapon?"

"Hin----"

"Grabe si JK best noh? Ang galing talaga ng version nya na Thinking Out Loud."

"Ang pa----"

"Naka received sya kahapon ng gold platinum award kasi nag number one yong album nya."

"Wala a----"

"Balita nga raw, magsimula na sila ng shooting this week para sa movie nila ni Sophia na ang title ay Thinking Out Loud pa. Manonood talaga ako."

"Hindi a---"

"Grabe---" Tinakpan ko yong bibig nya dahil di nya ako pinagsasalita.

"Hindi ako nanood kahapon kasi ang pangit ng boses nya at wala akong paki alam kung naka received sya ng maraming awards. Wala akong interesado sa kanya. At kahit kailan hindi ako manonood ng movie nya. Kaya pwede ba best, tigilan mo na yang pagpapantasya mo dyan sa JK Lim na yan. Tsss!" Walang preno kong sabi at tinanggal ko na yong kamay ko sa bibig nya.

"Grabe best di ako makahinga." sapo nya yong dibdib nya.

Naalala ko na pupunta nga pala ako sa library ngayon. Tss! Lumakad na ako at iniwan siya habang naghahabol pa ng hininga niya.

"Teka lang best."

Huminto ako sa paglalakad.

"Best kung tungkol naman yan kay---"

"Hindi best, tungkol ito kay Dodong."

Napalingon agad ako sa kanya. Oo kilala din ni Dianne si Dodong.

"A-anong tungkol kay Do-dong??"

"Pag tungkol talaga kay Dodong, napaka interesado mo."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat nya.

"Best ano!?" sigaw ko at tila nagulat naman sya. "Sorry best." tila nahiya ako sa inasal ko at napayuko.

"Ok lang best. Di ka ba talaga nakapanood ng ASAP kahapon, yong kumanta si JK?"

Tinanggal ko mga kamay ko sa balikat nya at tumalikod.

"Inaamin kong nakapanood ako pero di ko tinapos. Eh ano naman
ang kinalaman ng pagkanta ni JK kay Dodong?" Humarap ako sa kanya.

"Eh kasi best noon ko pa napapansin ang pagkakahawig ni JK at Dodong. Pero imposible naman kasi, si JK ay Lim at si Dodong o Jacob ay Ortega." sabi niya na tila nag iisip.

Magic of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon