SOPHIA POV
Oh diba may POV ako kahit ako yong kontrabida. Hahaha. Maganda kasi ako. Anong konek?? Basta maganda ako. Well balik tayo sa present. Nandito na ako sa aking pinky room. Oo, mahilig ako sa pink. Pake nyo?
Kakauwi ko lang galing shooting ng Thinking Out Loud. Humiga ako sa aking pinky bed. Wag na kayong makialam kung lahat ng babanggitin kong gamit ay may pinky. Nang maalala ko yong nangyari kanina. .
"Aaaaaaaah!!!" bigla akong napasigaw. May mahal na siyang iba kaya pala kahit anong gawin ko, di niya pa rin ako magustuhan. He loves her. I want to see that girl kung ano ba ang nagustuhan ni JK sa kanya.
Tok tok tok
"Bakit?" Sigaw ko. Naka lock kasi yong pinto, pagod akong buksan.
"Andyan na po yong daddy nyo Ms. Sophia. Bumaba na raw po kayo at sabay daw kayong kakain ng hapunan." sagot ni Rebecca, isa sa mga katulong namin.
"Magbibihis lang ako."
Agad akong nagpalit ng damit. Ayaw ni Daddy ng mabagal. Naka shorts lang ako at sleeveless na pink. Hahaha. Bumaba agad ako at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko si daddy na paupo na.
"Hi dad." Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Pagkatapos umupo na ako sa may harapan niya.
"Bakit mo na naman pinahiya si Meldred kanina?" tanong ni daddy habang di tumitingin sa akin.
"Nagsumbong naman ang bruhang yon." mahina kong sabi.
"Sophia!!" Sigaw ni daddy. Narinig nya pala. Tiningnan ko siya at galit na galit yong mukha niya. "Pinsan mo si Meldred. Anak siya ng Ante Melba mo na kapatid ko. Mas matanda siya sayo ng limang taon kaya irespeto mo siya."
Tumahimik nalang ako at nagsimulang kumain. Baka ano pang lumabas sa bibig ko. Humanda talaga sa akin yong Meldred na yon.
"May kumuha ng video sa pagsisigaw mo kay Meldred, mabuti nga nakita ni Mang Ramon yong babaeng kumuha ng video mo at binayaran. Pwede ba Sophia, kung magmamaldita ka yong walang nakakita! You disapppointed me again. Kailan ka ba titino? Wag mo naman sirain ang pangalan ng mama mo. Nawalan na ako ng gana." tumayo si Daddy at umakyat sa taas.
Grrrrr!!! Papahirapan talaga kita Meldred. Nawalan na rin ako ng gana. Tumayo na rin ako at lumabas. Pumunta ako sa likod ng bahay kung saan may maliit na garden at dito rin nilibing si mommy. Yes, patay na si mommy two years ago sa sakit na brain cancer. Isa rin siyang sikat na artista noon. Kapatid niya si tito M. Si mommy yong naging manager ko. I really love her. Siya lang yong laging nakakaintindi sa akin. Si Daddy? Napaka strikto mula pa noon. Mula bata pa ako nagpapa impress sa kanya kahit sikat na akong artista ngayon like mom, di parin sya proud sa akin. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako ngayon. Oo maldita ako pero may kahinaan din ako noh? Tumitingin ako sa paligid baka may makakita sa akin dito na umiiyak baka pagtawanan ako.
"Totoo ba talaga ate Rebecca yong magic well?"
Napahinto ako sa narinig ko. Pinunasan ko yong luha ko at sinundan kung saan nanggaling ang boses ng Meldred na yon.
"Oo Rhea, totoo yong magic well."
Nandito sila sa may gilid ng bahay kung saan nagsasampay si Rebecca. At ng makita ko si Meldred, dali dali akong lumapit sa kanila.
"Hoy Meldred! Bakit mo ako sinumbong kay Daddy ha?" nagulat naman siya pati si Rebecca.
"Ms. Sophia, di po ako nagsumbong kay Tito."
"Bakit nya nalaman ha?" nakapameywang kong sabi.
"Si Mang Ramon po. Sinabi kasi niya kay Tito na may nagvivideo po sayo." paiyak niyang sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/43095929-288-k572745.jpg)
BINABASA MO ANG
Magic of Love
RandomSi Jharyl Kurt Lim ay tumupad sa isang kondisyon na maging isang sikat na singer para sa babaeng minamahal. Sa Mt. Makiling ay may nakatagong balon na tinatawag nilang Magic Well. Si Jasmine Alvarez ay humiling na sana makita niya ang kanyang datin...