JASMINE POV
After 33 mins. andito na kami sa pinakatuktok ng Mt. Makiling. Sabi ni kuya Diego 30 mins. lang eh bakit naging 33 mins? Si Kuya Diego, di marunong tumingin ng oras.hehehe.
"Best Smile." lumingon agad ako kay Dianne at pinicturan niya ako. Pag sinabi ni Dianne smile, smile ka agad dahil kung hindi, ipopost niya sa wall mo yong mukha mong tanga. Marami na nga akong tangang picture sa fb ko na siya ang may gawa. Ewan ko sa babaeng ito kung bakit yon ang trip niya.
"Ang cute mo best." lumapit siya sa akin at pinakita niya yong kuha niya. Cute nga ako kaso may asungot na nakasmile sa likod ko sa picture. Paglingon ko sa likod, wala naman siya. E di sino pa? Si Gabrielle.
"Sagutin mo nga si Gabrielle best." sabi ni Dianne habang tumitingin sa iba pa niyang kuha.
"Bakit ko siya sasagutin eh di naman nanligaw." sabi ko na tumitingin sa malayo kung saan makikita ang napakalawak na palayan.
"Ang tanong, sasagutin mo ba siya?" sabay picture sa view na tinitingnan ko. Maganda naman yong mga kuha bakit ba hindi photography ang kinuha niya?
"Hin----"
"Bakit pa ako magtatanong kung alam ko naman yong sagot. Hahaha." sabi niya sabay tingin sa akin at ngumiti ng nakakaasar.
"Anong pinagsasa----"
"Students. Attention. Lumapit muna kayo dito." Naputol yong sasabihin ko kay Dianne dahil pinatawag kami ni Dean. Lumapit kami ni Dianne pero di kami makalapit eh ang rami ng estudyante sa unahan. Nandito kami sa medyo sa hulihan.
"May labingdalawang malalaking tent sa paligid as you can see. May nakapaskil na department every tent. Hanapin nyo lang kung saan kayo. Doon niyo ilagay yong mga gamit niyo. 7:30 pa naman so pwede pa kayong magpicture2. At 8 a.m. magsisimula yong activities natin. By the way, napapansin nyo may mga nakalagay na restricted area kaya bawal kayong pumunta doon. Pag may nahuli kaming estudyante ay magkaka detention sa monday. Heto yong list of activities natin-------"
"Bakit wala?"
Naputol yong pakikinig ko kay Dean dahil kay Dianne at napapansin kong kanina pa siya palinga linga at may hinahanap.
"Best kung hinahanap mo si Marvin. Nandon oh malapit sa tent nila." Tinuro ko si Marvin, yong ISA pa din niyang Crush. HRM student. Ang dami kasing crush ng babaeng ito. Yong nagtitinda ng kwek2 sa labas ng campus, crush din niya. Macho kasi daw.
"Eh? Ano ba yong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.
"Kung may nakapaskil na Magic Well Best, sabi kasi ni kuya Diego kanina malapit lang daw sa tent natin. Kanina ko pa hinahanap pero puro restricted area naman yong nakikita ko. Nawala na yong pag asa kong mapapangasawa ko si JK." sabi niya sabay yuko.
Baliw na talaga tong bestfriend. Paniguradong si JK yong palaging subject sa mga estudyante niya.
"That's it. Pumunta na kayo sa mga tent nyo baka may announcement pa ang department head ninyo." pagtatapos ni Dean. Di ko tuloy narinig yong mga activities.
-_-"Punta na tayo sa tent best." aya ko kay Dianne na hanggang ngayon ay hinahanap pa yong magic well na yon. Tssss!
"Mauna ka na best."
Haist. Bahala ka nga diyan. Pagdating ko sa tent, maliit na estudyante lang nakikita ko siguro yong iba busy sa pag picture2. Tapos ipopost sa FB then hashtag Mt.Makiling.Tssss!!!
Nilagay ko yong mga baon kong pagkain sa malaking mesa. Bale share share kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Magic of Love
RandomSi Jharyl Kurt Lim ay tumupad sa isang kondisyon na maging isang sikat na singer para sa babaeng minamahal. Sa Mt. Makiling ay may nakatagong balon na tinatawag nilang Magic Well. Si Jasmine Alvarez ay humiling na sana makita niya ang kanyang datin...