Dedicated to RanCiz03
JK POV
"Ara, mahal kita. Hintayin mo ako ha? Kahit ilang taon pa ang magdaan, ikaw pa rin ang laman nitong puso ko." sabi ko sa babaeng kaharap ko ngayon.
"Dave, mahal na mahal din kita Maghihintay ako." sagot niya sa akin. Niyakap ko siya. Umaarteng umiiyak. Mahigpit ang pagkakayakap naman ng babae sa akin. Tsss. Napaka tsansing talaga ng babaeng ito. Tagal namang mag CUT ni Direk.
"Ok! Cut!" sigaw ni Direk Cathy. Umalis agad ako sa pagkakayakap ko sa kanya. " Sophia wala pa ring feelings yong pag arte mo ngayon iha. JK ikaw naman, walang luha, dapat talaga may luha para mas maramdaman ng mga manonood. Siguro pagod lang kayo. Nakaka sampu na tayo di nyo parin makuha yong gusto kong eksena. Break muna tayo ng 30 mins. Siguro yong susunod nalang na scene yong uunahin natin." sabi ni direk.
"Pasensya na Direk." sabi ko. Lumakad na ako papunta sa tent ko.
"JK!"
Huminto ako at humarap sa taong tumawag sa akin.
"Bakit naman Sophia?Please give me a break. Look 30 mins. lang ang binigay ni direk sa atin." Yes si Sophia ang kausap at kayakap ko kanina. Siya ang leading lady ko sa bago kong movie titled Thinking Out Loud. Di ko na sya hinintay na sumagot, pumasok na agad ako sa tent. Sumalubong sa akin yong Personal Assistant kong si Rhea.
"Sir. Tapos na po ba?" tanong niya. Hindi pa hindi pa. Wala nga ako dito eh. Tssss!
"Rhea, JK. Wag mo akong tawaging Sir. Di pa ako matanda."
"Sorry si-- JK."
"I prepare mo nalang yong damit ko sa susunod na scene. 30 mins. lang kasi ang binigay sa amin ni Direk Cathy. Matutulog muna ako. Alam mo na ang gagawin mo."
"Yes na di ka po namin abalahin pag natutulog kayo."
"Good." humiga agad ako sa aking folding bed. Dala dala ko ito palagi dahil sa tuwing break, natutulog ako. Nagtataka kayo na imbes magpractice ng script ko eh natutulog lang ako.? Di nyo alam, matalino ako at may photographic memory ako. Sa isang basa ko lang, memorize ko na agad. Hindi sa nagmamayabang ako ha? Totoo naman talaga. Teka, matutulog nga pala ako. Tsk. 28 minutes nalang. Ok lang, mahaba din naman yong 28. Iidlip muna ako. O_O o_o -_- Zzzzzzzz
"Sir JK! Ay JK. .JK. ."
"Hmmm."
"Sir. .Aist. .JK. .JK."
-_- o_o O_O Teka kakatulog ko lang ha. Wala pa yong 3 mins. Bumangon ako.
"Ano ba Rhea? Diba sabi ko sayo wag na wag mo akong gigisingin pag di pa tapos breaktime ko ha?" bungad ko sa kanya.
"Pasensya na talaga si--JK pero kanina pa po kasi nagriring yong cellphone nyo."
"Dapat sinagot mo at sabihing natutulog ako. Ano ba naman Rhea.!" napahilamos nalang ako ng mukha.
"Sabi mo kasi di kami mangingialam ng gamit mo at lalong lalo na yong cellphone mo." mataray niyang sabi. Aba't tinatarayan na ako ah.
Ring.Ring.Ring.Ring.
Kinuha ko ang cellphone ko sa may bag ko.
Mang Arthur Calling. . .
Si Mang Arthur. Tiningnan ko si Rhea ng umalis-ka-look. Lumabas din naman siya. Agad kong pinindot yong Answer Button.
"Mang Arthur? Kumusta na ho?"
"JK, iho. May good news ako para sayo."
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Kinakabahan ako sa sasabihin ni Mang Arthur.
BINABASA MO ANG
Magic of Love
AcakSi Jharyl Kurt Lim ay tumupad sa isang kondisyon na maging isang sikat na singer para sa babaeng minamahal. Sa Mt. Makiling ay may nakatagong balon na tinatawag nilang Magic Well. Si Jasmine Alvarez ay humiling na sana makita niya ang kanyang datin...