JK POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Ming2. Huwebes ngayon, walang taping at wala din akong ibang appointments. Isang oras na ako dito, pero wala pa akong nakikita ni anino nya. Kahit si Lyn yong kapatid nya o si Nanay Lynda at Tatay Jasper. Sarado yong bahay nila. Mabuti nga tinted yong car ko. Kanina pa ako kinakabahan. Baka naman mali ang binigay na address ni Mang Arthur. Binasa ko ulit yong text.
"Door 143, Lot 15, Block 8, Ceris Subdivision II Acacia Street. Tama naman ah."
Ayaw ko namang lumabas baka may makakilala sa akin at dumugin ako dito. Maghihintay pa ako ng ilang minuto.
Habang tumatagal yong paghihintay ko mas lalo akong kinakabahan. 3 years akong nagtiis. I want to see her and hug her again. Ilang sandali pa ay may huminto na traysikel sa tapat ng kanilang bahay. Magtago ako. O_O Bakit nga pala ako magtatago, tinted naman itong sasakyan ko. JK! Utak mo.
Nang biglang may bumaba na babae. Nakatalikod pa sya. Kinakabahan na talaga ako. Pagharap nya sa may direksyon ko, toinks! Hindi sya. Napa disappoint ako. Babalik nalang siguro ako next time. Baka di pa ito ang tamang panahon na makita ko siya.
Pag start ko ng engine, may isa pang bumaba mula sa traysikel. At biglang nagslow motion ang lahat. Wala akong ibang nakikita ngayon, siya lang. Kahit naka side view lang sya ngayon, alam kong siya na yan. Nang humarap na siya sa direksyon ko. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, na sya lang ang nagpapabilis nito. Medyo tumangkad siya. Ang ganda niya pa rin. Bagay sa kanya yong suot niyang uniform.
Nagpaalam siya sa kanyang kasama at ngumiti. That smile. Her smile na nagpapatunaw sa puso ko. Gustong gusto kong bumaba at yakapin siya pero I think it's not the right time. Di ko pa rin inaalis yong tingin ko sa kanya hanggang sa pumasok na siya sa kanilang bahay.
Ngayon ko lang naramdaman na nanginginig pala ako. God! I really miss her. Kinakalma ko muna yong sarili ko.
"Kalma lang JK. Kalma lang."
Baliw na ako. Kinakausap ko sarili ko.Nang medyo kumalma na ako, umalis na ako. Ming, babalik ako.
JASMINE POV
It's Saturday. Maaga akong nagising ngayon. Tulog mantika pa ang kapatid kong si Lyn na katabi ko ngayon. Dahan dahan akong bumangon baka magising. 6:00 a.m. ang travel time namin. Pag nalate ay iiwan na. Nako si Best, tulog mantika pa naman yon. Tumingin ako sa wall clock namin, alas tres pa naman at ni ready ko na kagabi yong dadalhin ko. Lumabas ako ng kwarto para magluto at nadatnan ko si tatay na nagkakape sa kusina. Napahinto siya sa pag iinom nang makita nya ako.
"O ang aga yata ng gising mo ngayon Ming?" tanong niya sa akin. Lumapit naman agad ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Eh tay, nakalimutan nyo na bang field trip namin ngayon?"
"Oo nga pala noh."
"Si tatay talaga, hwag po kayong magpapahalata na matanda na kayo." biro ko sa kanya.
"Hahaha. Ikaw talaga anak kaya pala maagang umalis ang Nanay mo dahil mamamalengke daw siya. Siguro magluluto yon para ibaon mo mamaya." sabi ni tatay at humigop ng kape.
"O gising ka na pala Ming." si nanay na kararating lang at may bitbit na dalawang bayong. "Tulungan mo akong magluto para may ibaon ka mamaya sa field trip nyo." Dali dali akong tumayo at lumapit kay nanay. Kinuha ko yong isang bayong niya at nilagay ko sa mesa. Isa isa kong nilabas yong mga laman sa bayong.
"Mag aadobo tayo kasi matagal yang mapanis at mag pinakbet din." sabi ni nanay habang nilalabas din yong laman sa bayong niya.
"Nako nay , matutuwa po yon si Dianne sa Pinakbet nyo. Alam nyo po naman na paborito nya yong Pinakbet lalo na po't kayo ang nagluto." tuwa kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Magic of Love
DiversosSi Jharyl Kurt Lim ay tumupad sa isang kondisyon na maging isang sikat na singer para sa babaeng minamahal. Sa Mt. Makiling ay may nakatagong balon na tinatawag nilang Magic Well. Si Jasmine Alvarez ay humiling na sana makita niya ang kanyang datin...