Chapter 10

1.5K 25 0
                                    

CHAPTER TEN

NANG gabing iyon ay hindi dalawin ng antok si Meredith. Alas-onse ang ibinabadya ng wristwatch niyang nakapatong sa night table. Lumabas siya ng silid at bumaba patungo sa kusina.
Nagbukas siya ng ilaw sa may kusina at kumuha ng carton ng gatas sa refrigerator at binuksan ang cupboard at umabot ng baso. Muling pinatay ang ilaw at pagkatapos ay lumiko sa isang pasilyo patungo sa library. Maghahanap siya roon ng librong mababasa. Sabi ni Andrea ay kompleto ang library. There must be some paperbacks on some of her favorite spy novels.
"Hindi ko naiintindihan kung bakit kailangang magpagawa ng ganito kalaking bahay. It is so scary lalo na kung ganitong gabi na..." kausap niya sa sarili upang alisin ang imahinasyong may kung anong bigla na lang lilitaw sa harap niya.
She almost giggled at the thought. But the shadows were really giving her the creeps. Ang mga katulong naman ay may sariling servants' apartment sa labas at likuran ng mansiyon.
Inaninag niya ang daan patungo sa library mula sa kapirasong liwanag na nanggagaling sa mga poste sa labas. Hindi niya gustong magbukas ng ilaw at baka magising si Don Claudio o si Grace. Ilang sandali pa ay nasa harap na siya ng pinto ng library. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at itinulak iyon. May malamlam na ilaw sa adjacent room. Nalimutang patayin ni Grace o sadyang iniiwang bukas iyon para kay Don Claudio.
Anyway, she moved quietly. Ibinaba niya ang baso at carton ng gatas sa naaaninag na mesa upang tumungo sa malalaking shelves. Pag-ikot niya ay matipunong dibdib ang bumunggo sa mukha niya.
Ang balak niyang pagsigaw ay napigilan ng kamay na tumakip sa bibig niya. Nagpumiglas siya sa takot at nakahanda nang manlaban nang marinig niya ang pamilyar na tinig.
"Tumigil ka!" pabulong nitong babala. "Bibitiwan ko ang bibig mo kung hindi ka sisigaw. Magigising mo ang matanda."
Tumigil siya sa pagpalag at unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak ni Tristan sa bibig niya.
"You sonofabitch!" she hissed.
Inabot ni Tristan ang night lamp at binuksan. Sa malamlam na liwanag na nanggagaling doon ay nakita niya ang kabuoan nito. In white long-sleeved polo shirt. Nakatupi ang mga manggas hanggang sa malapit sa siko. Bukas ang lahat ng butones at muli ay nahantad ang dibdib nito sa kanya.
"Kasindumi ng mga kanal sa Maynila ang bibig mo, Miss Gallego."
"Wala kang pakialam kahit na magmura ako maghapon at magdamag! Muntik mo na akong patayin sa takot!" pabulong niyang angil.
"Ano ang ginagawa mo rito?" kalmanteng tanong ni Tristan.
"Ano ang ginagawa mo rito?" gagad niya sa tanong nito sa naiiritang tinig. "Nakakapagod na iyang paulit-ulit mong sinasabi, huh. Wala ka bang alam na ibang pambungad?"
"At nakakapagod na rin iyang parati mong panunubok sa akin," he countered.
Nanlaki ang mga mata niya. "Panunubok?" again she parroted. "Nasisiraan ka na ba ng isip? Talaga bang sagad sa buto ang kayabangan mo?"
"May ilang bahay na mas malapit sa dagat na pinanggalingan mo. Isa na roon ay ang bahay ni Tata Kardo at ng pamilya niya," he started. "Pero nakapagtatakang naroon ka mismo sa cabin ko gayong halos isang kilometro ang layo niyon sa dagat."
Napakunot-noo si Meredith. Nakatagpo na niya si Tata Kardo. Ayon kay Andrea ay matandang katiwala sa buong rancho subalit nagre-report kay Tristan. And anyway, she didn't see any house along the river banks. Di sana ay doon na siya nagtuloy. Baka sa ibang bahagi ng gubat ang tinutukoy ng lalaking ito. Bago pa niya maisatinig iyon ay muling nagsalita si Tristan.
"Unang araw mo pa lang ay nanubok ka na sa amin ni Don Claudio." He tsked and shook his head that irritated her to no end. "Bad habit. Tama ba ang English ko?" he taunted.
Nagbuka siya ng bibig upang magsalita subalit muli ay inunahan siya nito. "At ano ang ginagawa mo kagabi sa labas ng hardin kung hindi ka na naman nanunubok? Ano ang inaasahan mong makita?"
"Oh," usal niya kasabay ng muling panlalaki ng mga mata. Napahakbang siya paatras at tumama ang likod niya sa gilid ng mesa. Ipinagpapasalamat niya iyon dahil tila biglang nanlambot ang mga tuhod niya. "H-how did you know it... it was me?"
"Inaamin mong naroon ka at nanunubok?"
Sa pandinig ni Meredith, Tristan sounded amused though his facial expression denied it. Tumayo siya nang tuwid at sinalubong ang nang-uuring mga mata nito.
"Hindi ko alam kung bakit ako nagising. Bukas ang French door sa veranda. I was about to close the door when I heard... I heard..."
"Ano ang narinig mo, Meredith?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay binigkas nito ang pangalan niya.
Sa pandinig ni Meredith ay tila napaka-sensuwal naman yata ng pagkakabigkas nito sa pangalan niya at gustong manayo ng mga mumunting balahibo niya sa likod.
Shut up, Meredith!
"Mga ungol ba ng dalawang nagtatalik ang narinig mo na siyang nagpagising sa iyo?" he mocked. "Bakit hindi ka pumasok at nakisama sa amin? Nasubukan mo na ba ang tinatawag na orgy? O ginagawa na ninyong mayayaman iyan sa Maynila?"
Bago pa napigilan ni Meredith ang sarili ay umigkas ang palad niya at tumama iyon sa mukha ni Tristan.
Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan. Napahawak siya sa gilid ng mesa na tila ba naroroon ang kaligtasan niya habang mangha siyang nakatitig kay Tristan. Hindi niya akalaing nagawa niya iyon.
"I-I... am... sorry..."
Tristan's face looked liked a death mask. Ang intensidad ng pagkakatitig nito sa kanya ay tila mga tinik na bumabaon sa katawan niya.
And it terrified her.
She turned to flee subalit nahawakan ni Tristan ang likod ng leeg niya. And there was nothing she could do but to writhe helplessly as he jerked her head back.
"N-no." Halos hindi lumabas sa bibig niya iyon sa takot at sa pag-aakalang babaliin nito ang leeg niya.
Instead his mouth came down on hers. Hard and brutal. Ang mga daliri nito ay tila bakal na humihigpit sa batok niya upang hindi siya makakilos.
She stiffened in surprise and pain. Pakiramdam niya ay nadudurog ang mga labi niya as his mouth ground against her lips. Nalalasahan na niya ang dugo. At walang paraan upang makawala siya. Tristan was so strong.
Ipinikit niya nang mahigpit ang mga mata only to open them again when she heard him groan. Nag-angat ng ulo si Tristan kasabay ng pag-ungol. Sa malamlam na liwanag galing sa night lamp ay natitigan niya ang mga mata nito na tila nagliliyab na baga habang nakatitig sa kanya. Ni hindi niya magawang iiwas ang mga mata. Tila nahihipnotismo siyang tumitig din dito.
Unti-unti ay lumuluwag ang pagkakahawak ng mga daliri nito sa batok ni Meredith. Dinama ng hintuturo nito ang mga labi niya. Bigla ang masarap na kilabot na gumapang sa likod niya. But she couldn't let him know it.
"You bast—" Hindi natapos ni Meredith ang sasabihin, Tristan bent his head again.
He took her lips in a savage movement, sinarhan ng mga labi nito ang anumang ingay na magmumula sa kanya. Kahit ang paghinga niya. At wala siyang mapagpilian kundi ang huminga mula sa ilong nito. Or suffocate.
Naisin man ni Meredith na magpumiglas ay hindi niya magawa dahil ang mga braso nito ay pumulupot na sa katawan niya, drawing her close against him, so tight, na kahit ang paggalaw ay hindi niya magawa.
Bumaba ang kamay ni Tristan sa likod niya, and molded her hips to his. He shaped her mouth with bites and nudges. His tongue sought the silkiness inside. Ang mga kamay ni Meredith ay nakatukod sa dibdib nito. She could feel in her hands the hair-roughened surface of his chest. Tila nagbabaga ang mga palad niya sa pagdama sa dibdib nito. Wala sa loob na humaplos nang marahan ang kamay niya, dinadama ang maninipis na balahibo.
He made a sound in his throat as his one hand moved again to her nape, holding her steady as he thrust his tongue deeply. His body was shaking with desire as it melted against hers. He held her tightly as he reached deeper, ang paraang ng paghalik nito ay tila yaon nang sa aktuwal na pakikipagtalik.
Umigkas ang apoy mula sa pagkatao ni Tristan. Then his one hand moved to cup her breast through her nightdress. Isang malakas na ungol ang hindi mapigilang mapakawalan ni Meredith. Ang kakaibang init ay naglakbay patungo sa ibabang bahagi ng katawan niya na halos panghinaan siya. Kung wala ang mga bisig ni Tristan ay baka dumausdos siya sa sahig.
Then Meredith felt him move down from her lips to her jaw... to her neck... then down to her breast. She sucked in her breath. Hinalinhan ng bibig nito ang kamay. Sa ibabaw ng pantulog niya ay ipinaloob ni Tristan sa bibig nito ang nipple niya. And when he sucked it not so gently, she almost screamed with the sheer pleasure in it.
Ni hindi niya namalayang naitaas na ni Tristan ang pantulog niya hanggang sa maramdaman niya ang kamay nito sa loob ng panties niya, touching her wetness. Nanlaki ang mga mata niya. Napigil sa lalamunan niya ang hininga.
"N-no!" Mas ang shock sa sensasyong nararamdaman kaysa sa pagtutol at embarrass-ment.
Sa kabila ng lahat ay sinisikap ni Meredith na pairalin ang matinong kaisipan. Hindi siya makapaniwalang napahintulutan niyang bumaba ang kamay ni Tristan doon at dinama iyon. Hindi siya maaaring bumigay sa pananalakay nito.
Inubos niya ang lakas niya upang itulak palayo si Tristan. Nang makawala ay mabilis na tumalikod at patakbong lumabas ng library.

TRISTAN shook his head to clear the mist of passion. Ginagap ng kamay ang isang silya at naupo roon. His knees were shaking. He wanted her. He wanted to be inside her. He hadn't wanted anyone as much as he wanted Meredith.
Ikinulong niya ang mukha sa mga palad.
"Hindi na ako nadala..." he murmured to himself. Sinabayan nito iyon ng mahinang ungol.
Kung hindi kumawala si Meredith ay malamang na tuluyan na siyang nakalimot. She was soft, warm, and sweet. Everything about her was so feminine. He could have taken her then and there on the table top. She was all wet and ready for him. Halos sumabog siya nang madama ito. Subalit hindi siya makapaniwalang mas may kontrol sa sarili si Meredith kaysa sa kanya. Ito ang kauna-unahang babaeng tumakbo palayo mula sa mga yakap at halik niya, gayong nararamdaman na niya ang unti-unting pagkakarahuyo nito.
Ano ang ibig nitong sabihin? Playing hard to get o hindi kaya ng budhi at isip nito ang makipagtalik sa isang tulad niya? Hindi nga ba at ang sabi nito ay isa lamang siyang tauhan sa rancho? Tila iyon patalim na humihiwa sa kalamnan niya. Kinaya niya ang sakit ng unang pag-ibig subalit hindi siya nakatitiyak kung kakayanin niya ang ngayon.
He remembered Vivian, his first love. Halos desi-ocho na siya nang makilala niya ito. Mula sa may sinasabing pamilya. Naakit siya rito at tinugon naman nito ang damdamin niya. Iyon ang inakala niya. Nangarap siya. Nais na niyang ituloy ang pag-aaral para kay Vivian. Upang makaagapay kahit paano sa katayuan nito sa buhay.
Hanggang sa araw na iyon na narinig niyang nag-uusap sina Clara at Vivian. Pinaglalaruan lamang siya ng mga ito. Pinagpustahan. Kailangan niyang umalis at iwan ang mga taong kumupkop sa kanya. Hindi niya kakayaning tingnan ang mapanuyang tingin ni Clara at ni Vivian. Hindi niya kayang magkunwaring hindi niya narinig ang mga ito at bale-walain.
Mula noon, may mangilan-ngilang babae na rin ang nagdaan sa mga palad niya. Una ay wala siyang pakialam kung nasisiyahan ang mga ito o hindi. Basta naibibigay ng mga babaeng iyon ang bayolohikong pangangailangan niya ay tapos na.
Subalit sa katagalan ay unti-unti siyang natuto. Nasisiyahan siyang panoorin ang mga babaeng halos mamatay sa ilalim niya sa kasukdulan. It was some kind of self-satisfaction making them reach their climax.
Anim na taon na siya sa Rancho Monte nang dumating si Grace. Taga-San Juan ito subalit sa Maynila nag-aral at nagtrabahong una. Tulad ni Vivian, maganda at ismarte si Grace. Laging nakangiti. Sineryoso niya ito. Beinte-tres na siya at malaki naman ang pasahod ni Andrea sa kanya. Sapat para bumuhay ng pamilya.
Subalit walang ipinagkaiba si Grace kay Vivian. Mas malala pa dahil ambisyosa si Grace at gustong makaahon sa kahirapan sa ano mang paraan. Si Vivian ay dahil ayaw lang ng mga magulang nitong mag-boyfriend ito ng mahirap. Si Grace ay handang gamitin ang katawan makaahon lang sa hirap.
At ngayon ay heto siya at walang kadala-dala. He wanted Meredith. Mula pa sa unang araw na nakita niya ito sa Ilaya kasama ang dalawang kaibigan. Naroon siya dahil nakawala ang isang kalabaw na pagamit sa isang tauhan. Nabighani siya sa magandang mukha nito. Sa pagpipigil nitong mangiti nang malublob siya sa putikan.
Wala siyang intensiyong pahiran ito ng putik. Alam niyang may darating na tatlong bisita si Andrea mula sa Maynila. Kaya nang makita niya ang tatlong babae ay nahulaan na niya na ang mga ito ang hinihintay ni Andrea.
But he was amazed by his own reaction upon seeing her. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa isang simple at pigil na ngiti ni Meredith ay naapektuhan siya. Gusto niyang puksain ang damdamin sa pamamagitan ng pagpukaw ng galit nito. Iyon ang dahilan kung bakit pinahiran niya ito ng putik.
At nang makita niya ito sa kubo na ang suot ay polo shirt na nakabukas lahat ang butones at nakahantad ang buong katawan maliban sa dilaw na bikini, his body went rigid. He trembled with arousal. He'd wanted to take her right then, and there, on the floor. O kahit saang bahagi ng cabin niya. The desire was too strong that he was even shocked by it. Hindi pa niya nararamdaman kailanman ang ganoong damdaming halos hindi niya kayang kontrolin.
At muli ay nagagalit siya rito. Hindi ganoon ang epekto nina Vivian at Grace sa katawan niya... sa isip niya... at sa pagkatao niya.
Ang insultong binibitiwan ni Meredith para sa kanya ay doble ang sakit kaysa sa ginawa nina Vivian at Grace.
At kanina ay nakalimot siya nang husto. Kumawala ang kontrol niya sa sarili. The small and tempting points of her breasts, na maaaninag sa manipis nitong pantulog ay halos magpawala sa katinuan niya. At nang makulong ang mga iyon sa bibig niya ay para siyang gas na initsahan ng posporo.
He uttered a litany of curses and groaned.
Hindi niya naramdaman ang ganoong uri ng damdamin sa mga babaeng nagdaan sa kanya. Tila siya binatilyong walang kontrol sa sarili. Hindi na birong magagandang babae ang nagdaan sa buhay niya. Ang iba'y higit na maganda kaysa kay Meredith. Ano ang mayroon sa babaeng ito at una palang ay lumulukso na ang dugo niya?
Humugot siya ng sunud-sunod na hininga. Si Vivian na anak ng isang may sinasabi sa buhay at dalagita pa lang nang angkinin niya ay hindi na dalaga. Ganoon din si Grace na kung kumilos ay hindi makabasag-pinggan. Di lalo na ang taga-Maynila na ito na lumaki sa layaw.
Pero bakit tila walang muwang ang mga labi ni Meredith? Bakit tulad niya ay nanginginig din ito na tila iyon ang unang nahawakan ito ng lalaki?
Again, he groaned as he imagined those two pointed firm breasts. And Meredith's mouth... he never thought that a mouth could be so sweet. And when he touched her wetness... that almost did him. Kung hindi kumawala si Meredith sa mismong sandaling iyon ay duda siya kung kaya pa niyang kontrolin ang sarili pagkatapos.
And Andrea must be mad for trying to matchmake them. Hindi pa man dumarating sa Rancho Monte si Meredith ay malimit na itong ibida sa kanya ni Andrea. At nang dumating ang mga ito ay hindi lang siya miminsan kinausap ni Andrea upang samahan ang tatlo sa pamamasyal. At tuwina ay mariin siyang tumatanggi. Nagdadahilang marami siyang trabaho sa rancho.
Iniisip marahil ni Andrea na hindi niya alam ang ginagawa nitong pagsisikap na paglapitin sila ni Meredith.
He clenched his fists. Hindi niya hahayaan ang sariling mahulog na muli sa tukso ng mga babae. Lalo na sa isang mayamang tulad ni Meredith.
Iiwasan niya ito sa abot ng kanyang makakaya. Even if doing so would kill him.

Kristine Series - Monte Falcon (Island in the sun) by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now