Chapter 5

1.7K 24 0
                                    

CHAPTER FIVE

PARA silang pumapanhik sa Baguio habang tinatalunton ang daan patungo sa bahay sa itaas ng burol. Ang kaibahan nga lang, sa Baguio ay matatarik na bangin ang nasa gilid. Sa dinadaanan nila'y orchard ang nakikita nila. At sa naaabot ng kanilang tanaw ay may mangilan-ngilang bahay silang nakikita sa ibaba.
At napuna ni Meredith na isa rin iyong grazing ground. Nagkalat ang mga baka at kabayo sa paligid. Sa itaas na bahagi ng burol ay may natanaw pa siyang isang tao na nasa ibabaw ng kabayo at itinataboy ang mga nanginginaing baka. Kung saan patungo ay hindi niya alam.
"Wow, Meredith!" bulalas ni Alana na sadyang inilabas ang ulo sa sasakyan at tinanaw ang ibabang bahagi sa kanan nila. "Dagat! Dagat ang kabila ng bundok na ito."
"It makes sense," ani Margie na nakidungaw na rin. "Saan ba tutungo ang ilog kanina kundi sa dagat."
"An island in the sun!" ani Meredith sa nanggigilalas na tinig. Inikot niya ng tingin ng buong paligid.
Ang burol ay nasa pagitan ng ilog at dagat. Kung tutuusin ay tila isla though she was sure na may bahagi ng burol na mababa at karugtong ng lupa. Kung nasaan man iyon ay natitiyak niyang malalaman at malalaman niya sa durasyon nila rito. Binagalan niya ang pagpapatakbo at tinunghayan ang karagatan sa ibaba. Nagre-reflect ang iba't ibang kulay ng papalubog na araw sa tubig.
"Sunset in this place is marvelous. At kung may dagat sa ibaba ay tiyak na may ibang daan maliban sa hanging bridge."
"You're right," sang-ayon ni Alana. "Sa palagay mo, hindi kaya tayo nagkamali ng pagliko kanina?"
"Possible," she agreed. "And look at those islets, girls!" Itinuro niya ang tatlong isla sa gitna ng laot. Isa roon ay dobleng higit ang laki kaysa sa dalawa.
"May naninirahan kaya diyan sa mga iyan?" tanong ni Alana sa excited na tinig. "Sa palagay mo, Mer, may pag-asang marating natin ang mga islang iyan sa bakasyon nating ito?"
ILANG sandali pa ay nasa itaas na sila ng burol, sa isang malawak na clearing na walang makikita kundi pawang berde at malalaking puno. Sa gitna ng clearing ay ang mansiyon.
Walang gate ang paligid ng bahay. It didn't need one. May matatanda at malalaking puno ng narra na nakapaligid. Nagpahungot sa hininga nila ang disenyo at arkitektura ng tatlong palapag na mansiyon. May portico. Apat na columns ang nasa harapan niyon bago ang entrada.
Puti ang pintura, contrast sa terra-cotta na bubong. Ang mansiyon ay tila ba lumabas galing sa pahina ng Architectural Digest, isang mamahaling magasin ng mga disenyo ng mga bahay sa ibang bansa ng mga kilalang tao.
May mga bulaklak at orkidyas kahit saan mo ibaling ang paningin. Iba't ibang kulay. Ang pagkakaayos at pagkakatanim ay produkto ng isang mahusay na hardinero. Hindi Bermuda grass ang nakikita niyang nakalatag sa hardin kundi well-trimmed carabao grass.
"This Andrea woman must be filthy rich!" bulalas ni Margie.
"A three-storey mansion with real porticos, huh." Mayaman ang mga magulang ni Alana subalit hindi nito maiwasang humanga sa facade ng mansion. Nagbukas ito ng pinto at bumaba ng sasakyan kasunod si Margie. Sa four-car garage ay naroon ang pamilyar na pulang Wrangler Jeep, isang family van, at pickup truck.
Meredith didn't share her friends' enthusiasm. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi siya humahanga sa mga nakikita niya. Pag-aari ng pamilya ni Andrea ang malawak na lupain na kanilang dinaanan kanina at hindi iyon maliparan ng uwak, ganoon din ang burol na ito na tila nakapagitan sa dagat at ilog.
Hindi sinabi ng ama sa kanya na ganito kayaman ang pamilya ni Andrea. At sa hindi mawaring kaba ay nararamdaman niya sa sandaling iyon na may bahagi ng buhay niya ang mag-iiba.
"...isa lang ang totoo sa mga sinabi sa iyo ng mama mo, Meredith. Na mahal ko si Andrea... noon at hanggang ngayon...at mamahalin magpakailanman..."
That was so romantic and sad at the same time. Her father had loved one woman and married another. May bahagi ng dibdib niya ang nagnanais na alamin ang kasaysayan ng ama niya at ni Andrea.
Hindi kailangang aminin ng daddy niya sa kanya ang pag-ibig nito kay Andrea dahil magsisilbi lang iyong justification sa plano nitong ipawalang-bisa ang kasal nito kay Agatha. Subalit pagkatapos ng nalaman niyang mga kasalanan ni Agatha, may bahagi ng puso ni Meredith na naghahangad na sana ay malagyan ng tuldok ang pag-ibig ng daddy niya sa babaeng iniibig.
Ang kayamanan ba ng mga magulang ni Andrea ang dahilan kaya hindi natuloy ang pag-iibigan ng dalawa? Hindi ba itinuring ng mga magulang ni Andrea na karapat-dapat ang ama niya sa anak nila?
Alam niyang galing sa hirap ang ama. Scholarship ang tumulong upang makatapos ng pag-aaral si Danilo. Nang kumuha ng Bar exam ay isa sa mga topnotchers ang daddy niya. At sa pagkakaalam niya, Danilo married Agatha a month after he passed the Bar exam. At hindi naman iglap ang pag-angat ng buhay nila. Unti-unti at mga taon ang binilang bago sila naging maalwan sa buhay.
Bakit pinakasalan ng daddy niya ang mama niya kung kung wala itong pag-ibig kay Agatha?
A million-dollar question. Humugot siya ng hininga at bumaba ng sasakyan. Hanging-dagat na humalo sa eksotikong samyo ng mga bulaklak ang nalanghap niya. She softly filled her lungs with air.
"Meredith!"
Mula sa loob ng mansiyon ay nakatawang lumabas si Andrea. Very pretty in a printed summer dress.
"Bakit hindi ka man lang tumawag na ngayon kayo darating? Iaabiso agad sa akin iyan sa kabisera kung tumawag kayo." Lumipat ang mga mata nito sandali sa mga kaibigan niya at nginitian sina Margie at Alana. Pagkatapos ay ibinalik sa kanya ang paningin. "Nang huli kong makausap ang daddy mo ay bukas pa kayo dapat na narito."
"We decided to come earlier," aniya. "Darating ang mommy ni Alana bukas from the States. Baka biglang i-override ang pagpayag ng daddy niya. I hope we haven't inconvenienced you."
"Oh, no. Not at all. Lamang sana'y napa-salubong ko man lang kayo sa bukana ng rancho." Lumapit ito sa kanya at hinagkan siya sa pisngi.
"It's okay, Tita Andrea." Itinago ng ngiti niya ang panginginig ng tinig nang biglang maisip ang hanging bridge at ang ginawa niyang pagtawid doon. "Natunton namin ang daan sa ibaba..."
"And we made it through the hanging bridge," mahinang sabi ni Alana.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Andrea. "Sa Ilaya kayo nagdaan?"
"M-may ibang daan ba?" Meredith asked stupidly. Nahinuha na niya kaninang may ibang daan. But then she had to ask.
"Of course," sagot ni Andrea na alanganing ngumiti. "Iikot nga lang kayo pabalik. Mula sa Ilaya ay isang oras pa uli ang biyahe patungo sa daan sa ibaba. Nalampasan ninyo ang main road patungo rito. Anyway, ang importante ay narito na kayo."
Nagsalubong ang mga kilay ni Andrea nang mapuna ang bahid ng mga natuyong putik sa mukha at panga ni Meredith. Hinawakan nito ang mukha niya at sinipat. "Ano'ng nangyari? Bakit may putik ka sa mukha at..." Bumaba ang tingin nito sa braso niya, "at pati sa braso?"
"We met this—" Hindi naituloy ni Margie ang sasabihin dahil sa matalim na sulyap na ibinigay ni Meredith dito.
"Oh, it's nothing. Inakala kong malambot ang gulong namin at..." Her voice trailed away. Kaswal na nagkibit. "... you know..."
"It rained last night. Nagpuputik ang mga daan." Nasa tinig nito ang paumanhin. "Halina kayo sa loob," anyaya nito sa tatlo. Ikinawit nito ang braso sa braso ni Meredith at lumakad papasok sa mansiyon.
"You have a lovely place, Tita Andrea. On a hilltop, overlooking the sea," komento ni Meredith at nilingon ang dagat.
"This mansion was my sister's idea. Dating nasa ibaba sa Ilaya ang bahay namin. And I'm glad you like the place," she said, pleased. "Ihahatid ko muna kayo sa silid ninyo, so all of you can freshen up. Pagkatapos ay bumaba kayo at ipakikilala ko kayo kay Papa."
Nilingon nito ang isang matandang lalaking pumapanhik sa isang hagdanan mula sa dulo ng hardin. "Mang Arsenio, pakidala ang mga gamit ng ating mga bisita sa loob." Inakay na siya nito papasok sa kabahayan.
Nahinto sa lalamunan niya ang pagsinghap sa paghanga sa kabahayan. State-of-the-art furniture and fixtures. The chandelier itself was worth a king's ransom. Ang karaniwang measurement ng taas mula sa ground floor at second floor ay eight feet. Subalit hindi ang bahay na pinasok nila. It was even more than ten feet na lalo lamang nagpangyaring tila napakalawak ng pagitan ng bahay at ng second floor.
"Beautiful!" hindi niya naiwasang papuri kasabay ng pag-ikot ng tingin sa buong kabahayan.
Napangiti si Andrea. Napuno ng kasiyahan ang magandang mukha. "I'm glad you like it, Meredith. My sister designed this whole house when she was fourteen. Loob at labas. Just plain sketching, walang measurements. Iginuhit niya ito mula sa alaala ng napanood niyang pelikula. Ang Love Story nina Ali Macgraw at Ryan O'Neal. Or maybe the sequel of that movie. 'Can't remember anymore. Kaya naman kumonsulta ng arkitekto ang aming mga magulang."
"She is a genius," Meredith said sincerely.
"Was," pagtutuwid ni Andrea. Bahagyang nabahiran ng lungkot ang kasiyahan. "She died many years ago. She could have been an architect had she lived."
"I'm sorry."
"Oh, that was a long time ago and let's not talk about it." Muling bumalik ang ngiti sa mukha nito.
Tuluy-tuloy ang hagdan patungo sa third floor na ang pagitan ay malaking landing. Sa ikalawang palapag siya inakay ni Andrea. Isang malaking sitting room ang bumulaga sa kanya. Maliwanag at maaliwalas dahil sa salaming bintana na siyang nagsisilbing pinakadingding sa isang bahagi ng landing at sitting room. May mga wicker chairs and sofas na may malalambot na kutson at throws na ang mga cases ay flowery prints.
Sa gitna ay isang coffee table na yari sa cane materials. Sa ibabaw niyon ay isang flower vase na ang mga bulaklak ay sariwang yellow African daisies with baby's breath flowers. Soft Ming rug ang nasa ilalim ng coffee table.
One French door led to the veranda. Iginiya sila ni Andrea patungo sa malaking pasilyo.
"Ilang silid mayroon ang bahay na ito?" Meredith asked curiously.
"Three guest rooms, isang library-cum-study room, workout room, ang silid ni Papa, at family room sa ibaba. Limang malalaking silid naman dito sa itaas at ang pinaka-third floor ay ang attic at may isang bedroom at isa pang silid na taguan ng kung anu-anong abubot," sagot ni Andrea. Sinulyapan nito sina Margie at Alana na binusog ang mga mata sa kakatingin sa buong paligid. "Do you want to share rooms o gusto ninyong hiwalay?"
Nagkatinginan sina Alana at Margie at saka parehong tumingala sa itaas. "W-would you mind if... if we chose to occupy the attic bedroom?"
Lumapad ang ngiti ni Andrea. "No. Choose the first door to your left. I'll meet you downstairs later." Nang akmang babalik sa pinanggalingan ang dalawa upang gamitin ang malaking hagdan ay inawat sila ni Andrea. "There's a flight of stairs down the hallway. It leads to the attic. And, oh, ang toilet and bath sa attic bedroom ay sa dulo ng pasilyo, sa ilalim ng hagdan at bababa pa kayo. Is it okay with you, girls?"
Margie grinned. "No problem, ma'am." Bahagyang siniko nito si Meredith. "See you."
Napapailing na sinundan ni Meredith ng tingin ang mga kaibigan. "This is a large house."
Ngumiti at tumango lang si Andrea, itinulak ang pinto ng isang silid pabukas. "Ito ang magiging silid mo.
"Oh."
Hindi niya napigilan ang mapahugot ng hininga. Soft yellow ang wallpaper na may maliliit na bulaklak na kung hindi lalapitan ay hindi agad mapapansin. Ang makintab na sahig ay malalapad na tablang narra. May gold rug sa paanan ng double brass bed. Bedsheets and feather-soft pillow cases were in yellow, blue, and green flower prints.
Sa isang maliit na study table ay may nakapatong na malaki at mataas na crystal vase, dilaw na carnations at lily of the valley ang naroroon sa magandang pagkakaayos.
"L-lovely!" she exclaimed softly. "Yellow's one of my favorite colors..."
"I know. Sinabi ng daddy mo sa akin."
"Oh. At... at pinagkaabalahan mong ihanda ang ganitong uri ng kulay? Or I shouldn't be so arrogant about that?" She smiled shyly.
Andrea chuckled. "Nang itawag ng daddy mo sa akin na magbabakasyon kayo rito ay agad-agad kong pinabaklas ang lumang wallpaper at pinapalitan ng bago. At nagmadali akong magpatahi ng dilaw at berdeng bedsheets and pillowcases."
She was puzzled. "But why? Bakit nag-abala kayo ng ganito?"
Nagkibit si Andrea. "You graduated cum laude. Pinakaregalo ko sa iyo ang bakasyon mo rito. Congratulations..."
"Thank you..." she whispered shyly.
"Isa pa ay mga kaibigan ko ang mga magulang mo. Matagal ko nang iniimbitahan silang magbakasyon dito... kasama ka. Pero ayaw ni Agatha at ang daddy mo ay laging abala."
Alam niya kung bakit ayaw ng mama niya. Muli ay parang gusto niyang mainis sa babaeng ito na sa buong panahong pagsasama ng mga magulang niya ay pinagseselosan ng ina. But Andrea was too sweet to entertain even the tiniest animosity. Besides, hindi kailanman binigyan ni Andrea ng dahilan si Agatha na pagselosan ito. Ang insekyuridad ng mama niya ang gumawa niyon dahil na rin marahil sa kaalamang iniibig ito ng daddy niya.
At kaya siya naririto ngayon ay upang kilalanin si Andrea. Magkaroon ng sariling impresyon para dito. Kung tama ngang paniwalaan niya ang ina na ito ang sanhi ng kaguluhan ng pagsasama ng mga magulang. O mas dapat nang maging maligaya ang daddy niya.
Alanganin siyang ngumiti. "S-salamat sa lahat ng abalang ito." She looked around her appreciatively.
"It's nothing. I enjoyed decorating this room. Actually, my sister and I could have been a good pair. She the architect, and I, the interior designer."
Kumislap ang mga mata ni Meredith. "Sinabi ba sa iyo ni Daddy na mahilig akong mag-design?" She paused, bago makasagot si Andrea ay dinugtungan niya ang sinabi. "Hindi nga lang ng mga bahay at building kundi ng mga damit."
"Really?" Nasa mukha ni Andrea ang interest. "Paanong ang tinapos mo ay komersiyo gayong fashion designing ang hilig mo?"
Bahagyang sumimangot si Meredith sa tanong na iyon. Talagang ginusto niyang mag-aral ng fashion designing. But Agatha was against it. "Si Mama ang may gustong iyon ang tapusin ko. And I wanted to please her." Nagkibit siya.
It was out of Agatha's whims kaya hindi siya nito pinayagang kumuha ng fashion designing. Gayunman, para kay Agatha ay wala siyang mabuting ginawa. At hindi niya iyon masasabi kay Andrea. Because it would be an act of betrayal to her mother despite of what Agatha had done.
"What about you, you could have had a career."
Malungkot na ngumiti si Andrea. "Yes. Ginusto kong magkaroon ng sariling pangalan sa daigdig ng interior designing. I am good at it. Pero nang mamatay si Mama'y hindi ko maiwan ang Papa. Hindi niya gustong iwan ko siya kaya tuluyang naisantabi ang pangarap ko." Humakbang na ito patungo sa pinto. "Nariyan ang banyo, mag-shower ka at magpahinga sandali. Ipatatawag na lang kita sa hapunan."
Sa labas ng pinto ay naroon ang mga gamit niya. Ipinasok iyon ni Andrea. Pagkatapos ay kinabig pasara ang pinto ng silid. Nagtuloy na siya sa banyo upang maligo. And she smiled when she saw baby yellow towel on the rack.

Kristine Series - Monte Falcon (Island in the sun) by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now