Chapter 13

1.4K 27 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

HINDI niya gustong magmulat ng mga mata. She felt so tired and her body was aching. Subalit nararamdaman niya ang banayad na haplos ng palad sa noo niya. Nagmulat ng mga mata si Meredith. Nakangiting mukha ni Andrea ang namulatan niya.
"I'm glad you are awake now. Akala ko ay itutulog mo na rin ang buong magdamag nang hindi kumakain ng hapunan." Niligon nito ang umuusok na tray ng pagkain sa may mesang bilog. "Chicken soup at relyeno..."
Nang malanghap niya ang pagkain ay nakadama siyang bigla ng gutom. Kapagkuwa'y nahihiyang ngumiti. "T-thank you." Sinikap niyang bumangon at tinulungan siya ni Andrea na itaas ang sarili sa headboard.
"I am so sorry if I caused you—"
"Nonsense," Andrea interrupted. Iwinasiwas nito ang kamay. "Ang mahalaga ay ligtas kayong nakauwi ni Tristan kaninang madaling-araw. Kahit si Papa ay nag-alala sa inyo. Hindi iilang tao ang namatay sa hypothermia sa isla kapag ganoong masama ang panahon."
Nanlaki ang mga mata niya. "Si Don Claudio? Nahihiya naman akong—"
Muli ay hindi siya pinatapos magsalita ni Andrea. "Huwag mong alalahanin si Papa, Meredith. Masama ang pakiramdam niya buong maghapon kahapon. Hindi niya alam na kaninang madaling-araw lang kayo nakauwi ni Tristan. I didn't want to worry him. Ang mga kaibigan mo'y natutulog na sa itaas matapos kang silipin kanina pagkaalis ng doktor. Kumain ka na at saka ka matulog uli. Ipakukuha ko na lang sa katulong ang tray." Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama niya at lumakad patungo sa pinto.
Sinundan niya ng tingin ang paglabas ni Andrea sa silid niya hanggang sa banayad nitong kabigin pasara ang pinto. Inabot niya ang wristwatch niya na nasa side table. Alas-ocho pasado na ng gabi. Bumangon siya, then winced. Her body was sore and tender... and yet alive.
Huminga siya nang malalim at inabot ang tray at nagsimulang kumain. Nakakailang subo na siya nang matigilan. Naalala niya ang nangyari sa kanila ni Tristan sa isla.
Ipinagpasalamat niyang hindi ito nagsasalita nang parehong magbalik ang normal nilang paghinga. Hindi niya maintindihan ang sarili sa mga sandaling iyon. Tila may kulang sa nangyari sa kanila. Gayunman, hindi niya gustong isipin kung ano iyon. Mas gusto niyang sumiksik kay Tristan at matulog na lang. Lalo at nararamdaman niya ang pananakit sa ilang bahagi ng katawan niya. Kahit ang mga bato sa ilalim ng trapal ay nagpapangiwi sa kanya.
"Huwag kang matulog, Meredith," babala nito. "Bahagya nang humuhupa ang hangin sa labas subalit hindi kita papayagang matulog."
Isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito. Sa kabila ng matinding lamig sa buong kapaligiran ay basa ang dibdib nito ng pawis. She didn't mind. She liked his scent.
Malakas na nagmura sa Tristan sa ginawa niya at inuga siya.
"Matulog ka hanggang gusto mo kapag nakauwi na tayo sa bahay! Pansamantala ay gusto kong manatili kang gising!" Ang tinig nito ay nakikipagpaligsahan ng lakas sa buhos ng ulan at ihip ng hangin. Somehow, she detected a little fear in his voice.
"I-I am not cold anymore, Tristan."
"Hinihila ka ng antok dahil napagod ka." He shook his head helplessly. "Gusto kong palipasin ang magdamag na ito na gising tayong pareho, Meredith. Inangat siya ni Tristan at iniupo sa ibabaw nito.
Ang antok niya ay unti-unting napawi nang maramdaman niya kung saan siya nito iniupo. She sucked in her breath as the rock-hard maleness throbbed against her thighs. Instantly, an aching need enveloped her. Then he drew her closer and his mouth closed on her earlobe and nipped it. While his hands traced the softness of her body... to her narrow hips... to her stomach... down to her thighs.
"Tristan..." She didn't know if she was protesting or urging him to go on.
"Gusto kitang damhin, Meredith..." he murmured in between kisses.
While his tongue flicked her nipple, his fingertips erotically stroked the portal of her femininity.
Napahugot siya ng hininga. "No, Tristan... don't touch... Oh!" She could hardly breathe. She was confused and thrilled at the same time. Tila may dila ng apoy na naglalandas sa buong pagkatao niya.
She arched her body as he went deeper. Sunud-sunod ang paghugot niya ng hininga na tila siya sinasakal. She looked down and gazed into his burning eyes. At hindi siya mapalagay. Hindi katulad kanina, ngayon ay tila may kung anong bagay siyang nais abutin subalit hindi sapat ang ginagawa nito.
She wanted him. All of him. Not just the teasing fingers.
"Oh, Tristan... please..." She was clutching his shoulders as if they were her lifeline. She wanted more.
"Gawin mo, Meredith," sensuwal nitong utos. His eyes darkened with desire. "Gawin mo ang gusto mong gawin."
"B-but I can't!"
Subalit hindi gumagawa ng ano mang pagkilos si Tristan upang muli siyang angkinin. Sa halip ay patuloy ito sa paghalik at pagdama sa katawan niya. His mouth and hands were robbing her of logical thoughts.
Dizzied, she raised her body a little. Followed her instinct and inch by sweet inch, she enclosed him and sheathed him deeply. And she was rewarded by a loud groan from him. When she moved, he groaned even louder. And she never felt so powerful in all her life.
Tristan's hands were on her hips now. He raised her and then pulled her down. Sensation overrode the discomfort. Sumunod si Meredith sa nais nitong mangyari. She commanded the tempo. Tila siya tumatakbo sa marathon. Moments later, Meredith's scream of unexplainable pleasure was drowned by the wind and rain.
Inabot ni Meredith sa nanginginig na kamay ang baso ng tubig at pinangalahati iyon. Tuyung-tuyo ang lalamunan niyang bigla. She could feel a certain heat flowing down to the pit of her stomach.
Sunud-sunod ang paghingang ginawa niya na tila ba nangyayari sa sandaling iyon ang ginawa nila. Sa nanginginig pa ring mga kamay ay ibinalik niya ang baso sa tray.
Her chest ached with the violent throbbing of her heart. Just as her body wantonly ached with desire.
Pahupa na ang malakas na hangin kaninang madaling-araw ngunit hindi pa humuhupa ang damdamin nilang pareho. Nagpatuloy iyon hanggang sa mamanaag ang langit mula sa bahagyang liwanag ng araw na kasalukuyan pa ring itinatago ng mga ulap sanhi ng nagdaang masamang panahon.
"WHAT is wrong with you?" tanong ni Margie sa kanya. "Mula nang ma-stranded kayo ni Tristan sa isla ay lagi ka na lang tahimik at nakatingin sa malayo."
"Ano naman ang inaasahan mo?" pagta-tanggol ni Alana sa kanya. "Muntik na silang mamatay sa hypothermia kung hindi pa dahil sa trapal na iyon ng yate."
Iyon ang sinabi ni Meredith na nagligtas sa kanila sa matinding lamig, ang makapal na trapal na ibinalabal ni Tristan sa kanila. Pati na rin ang init na nagmumula sa kani-kanilang katawan.
Si Margie ay napabangon mula sa pagka-kahiga sa kama ni Meredith. "Meredith?"
Mula sa pagtanaw sa laot ay nilingon niya ito.
"May... nangyari ba sa inyo ni Tristan sa isla?" she asked without preamble.
"Marge!" saway ni Alana.
"Come on, you guys, we've been friends since time immemorial. Wala tayong lihiman sa isa't isa, 'di ba?"
"Naroon na ako," patuloy ni Alana. "Pero hindi ibig sabihin niyon na wala na tayong karapatang magtago ng ating sariling lihim. If only for the privay of our own thoughts."
Pinuno ni Meredith ng hangin ang mga baga. Umalis sila ni Tristan sa isla nang walang kibuan. Wala ni isa sa kanila ang gustong magsimula ng pag-uusap, kahit na gaano pa kawalang kabuluhang pag-uusap. Ipinagpasalamat niya iyon dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin pagkatapos ng nangyari sa kanila. Subalit hindi niya inaasahang aalis kaagad ito pagkatapos siyang ihatid sa mansiyon.
Ni hindi siya nito nilingon kahit nang anyayahan ni Andrea na mag-almusal muna. Kung wariin pa nga niya ay nagmamadali itong makalayo mula sa kanya.
Kaya lang ito huminto sa paghakbang pababa sa hagdanang bato patungo sa koral ay nang habulin at tawagin ito ni Grace. Naulinigan niyang nagtanong ito kung ano ang nangyari. Nang lingunin siya ni Grace sa naghihinalang mga mata ay nagmadali na siyang pumasok sa loob ng kabahayan. Hindi na rin niya hinintay ang isasagot ni Tristan.
Tatlong araw na mula noon subalit hindi pa rin nagpapakitang muli si Tristan. Kung dati ay kasalo nila ito sa tanghalian ay absent ito sa loob ng tatlong araw. And she was missing him like crazy. Subalit hindi niya magawang magtanong kung nasaan ito. Maliban kay Margie na nagtanong nang ikalawang araw na hindi nila kasalo si Tristan.
"Dalawang araw na yatang hindi dito nanananghalian si Tristan, Tita Andrea?"
"Huwag ninyong intindihin ang lalaking iyon," nakangiting sagot ni Andrea. "Kapag maraming ginagawa sa trabaho ay sa koral iyon kumakain kasama ng mga ranchero. Isa pa ay ako lang naman ang nagpipilit sa taong iyon na kumain at matulog dito paminsan-minsan. Hindi gusto ni Papa na nakikita rito sa loob ng mansiyon si Tristan."
Salubong ang mga kilay na nag-angat ng mukha si Meredith mula sa pagkakatitig sa pagkain. "Bakit ganoon?"
Nagkibit si Andrea. "Naniniwala sa kakayahan ni Tristan si Papa. Walang ibang taong makagagawa ng ginagawa ni Tristan na malasakit sa rancho. But for him, Tristan is an outsider, a paid ranch help. At dapat na ang kasama ay ang mga kapwa tauhan din."
"Pero hindi siya ordinaryong tauhan lamang!" pagtatanggol ni Meredith bago pa niya mapigilan ang sarili. "He manages the whole ranch," she added softly. Hindi niya mapigilan ang paggapang ng init sa mukha niya.
Hindi sumagot si Andrea at basta nagkibit lang at ipinagpatuloy ang pagkain. Kung may nakapansin sa ngiti sa mga labi nito ay walang makapagsabi.
"Earth to Meredith..." untag ni Margie sa daloy ng isip niya kasabay ng pagpitik ng dalawang daliri sa harap ng mukha niya.
Meredith blinked. Niyuko niya ang dalawang kaibigan na ang mga mata'y pawang nakatuon sa kanya. Alana and Margie were her friends. At tama si Margie, wala silang lihiman sa isa't isa. At tama rin naman si Alana, some thoughts must remain private. May mga bagay na may karapatan ang bawat isa na panatilihing pansarili at pribado.
Hindi siya pipilitin ng mga kaibigang magsabi ng totoo subalit magtataka ang mga ito sa mga ikikilos niya. And she was too transparent to hide her feelings. She opted to tell the truth.
"W-what happened between us..." she started in trembling and hesitant voice. Ang mga mata niya'y hindi gustong salubungin ang titig ng mga ito "... had kept us alive. It...it was more of a... means to survival."
Magkasabay na umungol ang dalawang babae. Si Margie ay muling ibinagsak ang sarili sa kama. And Meredith winced at her words inwardly.
A means to survival.
Marahil. Subalit hindi iyon ang nararamdaman niya habang inaangkin siya ni Tristan nang paulit-ulit. Sinunod niya ang lahat ng senswal na pag-uutos ni Tristan tulad sa isang masunuring estudyante sa kanyang guro. She submitted herself to his erotic ministrations and wondered how he taught and brought her body to a level of sensuality she had never known she possessed.
Kung nagkataong ibang lalaki ang naroroon at kasama niya ay nakatitiyak siyang mamamatay na muna siya sa hypothermia bago niya mapayagan ang sariling ipaangkin sa kung sino mang taong iyon. So for her, in her heart of hearts, it didn't really count as a means to survival.
But what about Tristan? Ganoon din ba ang nadarama nito o isa rin lang siyang paraan para sa kaligtasan?
May bahagi ng puso niya ang tumatanggi sa kaisipan niyang iyon. Pero ano ba ang pagkakakilala niya kay Tristan? He was a virtual stranger; isang high school graduate na nabigyan ni Andrea ng pabor. To top it all, he had an affair with Don Claudio's nurse.
Isang hindi mapigilang hikbi ang kumawala sa lalamunan niya.
Bumangon si Margie, tumayo at umiling. "I don't know what to say, Meredith. For all my tactlessness, ayokong magbigay ng komento tungkol sa bagay na iyan. Wala ako sa sitwasyong kinalalagyan mo. I don't want to sympathize nor pity you because that would be the last thing you need from us. But I am your friend. Will always be your friend." Tumalikod ito at lumabas ng silid.
Alana tried to humor Margie's parting speech. "Knowing Margie, tumalikod iyon dahil hindi niyon gusto ng drama. At humihikbi ka na."
Hindi sumagot si Meredith. Sumandal siya sa dingding at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib at isinandig ang ulo at pumikit.
"Can I ask you something very personal?" marahang tanong ni Alana. "You may or you may not answer it."
Hindi siya nagmulat. "Ask away."
Alana pretended to chip her nail polish, then very softly, "Are you attracted to Tristan?"
"S-sort of."
"I am attracted to him, too."
Doon biglang nagmulat ng mga mata si Meredith.
"Tristan can attract any female specie, Meredith. Kahit ang mga babaeng bubuyog pa iyon..." Alana smiled wryly. "But I could think of a thousand reasons to keep us both awake and alive. Lalo na at mayroon namang trapal para maprotektahan kayo sa nagyeyelong hangin." She shrugged. "Oh, well... can't really say. Sobrang lamig kagabi kahit dito sa bahay. So I just can't imagine what it was on the island...
"And giving myself to a very attractive and sensual man like Tristan would be easy. Still that would be my last resort." Nagkibit ito. "Easier said than done, dahil wala ako sa ganoong kalagayan mo."
"What are you driving at?"
Alana met Meredith's eyes intently. "Did he force himself on you?"
Nagsalubong ang mga kilay niya. A little bit surprised by the question. Naalala niya ang pakunwaring pagtatangka ni Tristan na pagsamantalahan siya. Mabilis siyang umiling. "No. Why would you think of that?"
Nagkibit ito. "There was a slight bruise in your lips that Andrea might not have noticed or didn't want to notice. You were sleeping when I crept here the other day. You were tossing and turning. I would have awakened you had it been some nightmarish restlessness, dahil nga sa pagkaka-stranded ninyo sa isla." Alana gave a little malicious smile. "But you were moaning and whimpering as if you were being made love to in your dreams..."
Pinamulahan ng mukha si Meredith sa kahihiyan. Umiwas siya ng tingin nang mag-angat ng mukha si Alana sa kanya.
"Then I saw reddish marks on the upper part of your breasts. I got curious and searched your body for more marks and was horrified to have found more... in intimate places." Binigyang-diin nito ang huling sinabi. At nang-uuring mga mata ang itinuon nito sa kanya.
"Y-you dissected my body?"
Alana rolled her eyes. "What a term. Tinalo mo pa si Edmond. Anyway," she added drily, "I'm sorry about that but I was worried. Ganoon din si Marge."
Mahabang katahimikan ang lumipas bago sumagot si Meredith. Sa isang halos pabulong na tinig ay, "We both wanted it, Alana." Her face turned even redder. "Though I have to admit na tinulungan kami ng sitwasyon." Ipinaliwanag niya rito kung paanong sa una ay nagsimula na siyang maapektuhan ng sobrang lamig at ang naisip ni Tristan na gawin upang huwag siyang makatulog.
Nanlaki ang mga mata ni Alana. "Omigosh! If that was the case, then you've got yourself a tiger for a lover! Considering the love bites and marks all over your body. Or maybe he is a vampire!" Alana laughed out loud.

Kristine Series - Monte Falcon (Island in the sun) by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now