Linta sa Utak ko

225 1 0
                                    

Matutulog muna ako

Napagod kasi, sa dami ng ginawa ko

Sa pahiga sa kama ko

Parang pasan ko ang buong mundo

Sa pagpikit ng mga mata

Hulaan mo ang aking nakita

Hindi na nga maalis sa utak ko

Hulaan mo ang bangungot na’to

Sa buong panaginip

Nandoon kasama ko

At kahit anong pilit

Talaga namang ito’y di na biro

Hay… naku! Hanggang ngayon ba?

Siya’y nasa isip ko pa

Pero di ba nga, kami’y tapos na

Hanggang ngayon ba iniisip ko pa s’ya?

Di ko gusto itong nangyayari

Paluin na nga ako ng martilyo para matauhan na

Ano pa ba ang pwedeng mangyari?

Ayoko na! Tama na! Pwede ba?! Sige na…

Dulot ng TungangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon