Paru-Parong Marikit

165 1 1
                                    

Paru-parong marikit

nagbibigay ganda sa paligid

bawat pagaspas ay ngiti

bawat lungkot ay pawi

naglalaro sa hangin

ang harot sa paningin

nakakaaliw panuorin

(sana ako'y iyong yakapin)

ngunit  ang hirap padapuin

Kita sayo'ng mata

sigla na madama

sa bawat habol sa kanila

ligaya aking nadama

hayaang pawiin nila 

ang lungkot na nadarama

kahit saglit

madama sana ang ligaya

sana ika'y napasaya

ng aking munting inihanda

sana'y naging maligaya

(sa ginawang pagpaparaya)

ngumiti na at wag na mahiya

salamat paru-paro

sa tulong ngayong araw na ito

sana'y napasaya ko

ang taong mahal ko ng totoo

Dulot ng TungangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon