Alay sa Inyo

70 0 0
                                    

shout out to "SK" .... mga tunay na kaibigan

___________________________________________________________

marami na tayong pinagdaanan

at marami pang pagsasamahan

aabutin ating mga pangarap

sasalubungin ang hinaharap

Sa bawat hakbang mo

ako'y aalalay sa iyo

madapa man ay wag mangamba

di kita hahayaang sumayad sa lupa

hayaan lang tumulo ang luha

buhay naman ay di puro tuwa

matuto sa bawat pagkakadapa

nanditolang ako, wag mabahala

kung sa dilim wala kang makita

at tila wa ka nang pag-asa

wag kalimutan na ika'y may kasama

mas makakaya kung magkakasama

Sa ating nabuong  samahan

natagpuan ang tunay na pagkakaibigan

hindi sadya at di pinagplanuhan

ngayon ay  walang iwanan 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dulot ng TungangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon