ACE GOMEZ P.O.V [kuya ni anne at aireen]
"ma, bakit po kayo napatawag?"tanong ko kay mama dahil bigla itong tumawag sa number ko
"anak,ace, iligtas mo ang mga kapatid mo. panatilihin mong ligtas kayong magkakapatid"sabi niya kaya naman ay nagtaka ako
"ano pong sinasabi niyo ma?"taka kong sabi"saka bakit parang ang gulo dyan, teka nasan ba kayo ma?"
"nakagat ako basta yung bilin ko sayo wag mong papabayaan ang mga kapatid mo"sabi niya at bigla na lang naputol ang tawag
"ma"sabi ko at tinignan yung phone ko
"oh tol bakit ka sumisigaw dyan?"sabi ni jake, kaibigan kong pulis
"si mama kasi nakakapagtaka yung sinabi"sabi ko
"ano ba sabi at ganyan yung mukha mo"
"kasi sabi niya nakagat daw siya at ingatan ko daw yung mga kapatid ko"sabi ko
pagkasabi ko nun ay biglang tumawag ang kapatid kong si anne
"hello kuya ace"sabi niya
"anne bakit napatawag ka?"tanong ko
"tulungan mo kami kuya, madaming nagkalat na parang zombie sa school namin"sabi niya kaya naman tumawa ako
"prank ba ito anne, kung pinaprank mo lang ako wag ngayon nasa duty ako"sabi ko sa kaniya
"kuya seryoso ako"sabi niya kaya naman ay nagtaka ako
"sandali lang anne. may nagkakagulo dito"sabi ko at pinatay ang tawag at pumunta kung saan may mga sumisigaw
pagkakita ko ay may kumakagat na sa leeg nung babae
"what the f*ck, ano yan tol?"sabi ni jake habang gulat na gulat na nakatingin dun sa may kumakagat
nang may tangkang susugod sakin ay bigla na lang binaril ito ng isang babae
kaya naman ay napaupo ako sa sahig
"ayos ka lang"tanong niya ng makalapit siya at inilahad ang kamay niya para tulungan ako
"okay lang ako salamat"sabi ko
"kailangan na natin maka alis dito masyado na silang dumadami"sabi niya at naunang maglakad
sumunod naman kami ni jake sa kaniya. nagulat kami ng tumalon ito sa may bintana ng office namin
"bilisan niyo na dyan bago pa kayo makagat dyan"sigaw niya
kaya naman ay tumalon na kami ni jake. pumasok kami sa isang kotse at pinaandar ito
at tinawagan ko naman ulit si anne
"anne makinig ka,kailangan mong pumunta sa ligtas na lugar at wag kang mag papakagat sa mga zombie na yan"sabi ko"pupunta ako dyan kahit anong mangyari ililigtas ko kayo aireen basta maging ligtas lang kayo"
"kuya hindi ko alam kung nasaan si aireen hindi ko pa siya nakikita, natrap pa kami dito sa classroom namin"sabi niya
"ilan kayo dyan?"tanong ko sa kaniya
"marami kami more than 15 kuya"sabi niya
"mag antay lang kayo dyan ililigtas namin kayo"sabi ko at pinatay ang tawag
at itinago ko na ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko
"may kapatid ka?"tanong bigla nung babae"btw I'm Sarah Martin"
at inilahad niya ang kamay niya sakin
"I'm ace, oo may kapatid ako junior high at senior high"sabi ko
BINABASA MO ANG
THE ZOMBIE VIRUS
Science FictionPROLOGUE Ang lugar ng EL FALIAN CITY na makikitaan ng magagandang tanawin,masaganang lungsod, at masasayang mga tao na akala mo'y dina magkakaraoon ng problema. Ngunit isang araw ay bigla na lang itong napalitan ng di kaaya-ayang lugar gawa ng pasab...