Kyle Martin P.O.V
"Akala ko nakagat kana ng zombie anne?"tanong ko kay anne nang makalayo kami sa mga classmate namin
"Iniwan niyo nga ako sa convenience store na yun"sabi niya
"Hindi ko alam na hindi ka pala nakasama, iniwan niyo ako ng kapatid mo nung kumakain tayo nung gabi"sabi ko
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit
"Pa-para saan yun anne?"tanong ko ng maghiwalay kami sa yakap
"Wala lang miss ko lang yung kaibigan ko"sabi niya
"Kaibigan lang ba talaga yung tingin mo sakin?"tanong ko sa kaniya
"Ahh eh ano kasi-"naputol ang sasabihin niya ng marinig namin ang boses ni ashley
"Bess"sabi ni ashley at niyakap si anne
"Bess sorry kanina ahh"sabi ni anne
"Alam mo magpapanggap ka na lang lahatang halata kapa"sabi ni ashley
"Sorry naman. Hindi ko nahubad yung bracelet natin"sabi ni anne at ngumiti
"Ang tamis naman ng ngiti na yun baka mainlove ako niyan anne ahh"sabi ni gelo at tinignan ko naman siya ng masama
"Oyy mr. Gelo wag mo na tangkaing agawin si anne kay kyle. Baka gawin kang panangga sa mga zombie niyan ni kyle"sabi ni ashley
"Bess"bulong ni anne kay ashley
"Oh anong masama nun diba kayo na?"sabi ni ashley
"Hindi pa ahh"sabi ni anne
"Hindi pa means may pag-asa si kyle?"sabi ni jarred"ohh tol narinig mo yun may pag-asa ka daw"
"Hindi sa ga-"naputol ang sasabihin niya ng sumabat ulit si ashley
"Shh wag mo na kontrahin bess"sabi ni ashley at tinakpan ang bibig ni anne
"Guys kumain muna kayo"sabi ni ethan at inakbayan ako
"bro"sabi ni ethan
"Balak mo pang agawin yung girlfriend ko"sabi ko sa kaniya
"Hahaha hindi sa ganun bro"sabi niya
"Pero thank you sa pag ligtas mo sa kanya ahh"sabi ko sa kaniya at tinapik ang likod niya
At sinundan ko na sila
"Anne what do you want to eat?"sabi ko sa kaniya
"Wala namimiss ko si mama,kuya pwede naba natin makita si mama?"tanong ni anne sa kuya ace niya
Nagulat naman si kuya ace at nalaglag ang kanyang hawak na plato
"Ano kasi anne"nag aalinlangang sasabihin ni kuya ace
"Buhay pa naman diba kuya?"pahinang tanong ni anne
"Hi-"pinutol ko na ang sasabihin ni kuya ace
"Anne baka nasa ligtas na lugar na yung mama mo or nasa safe quarantine na"sabi ko
"Nasan sila faith?"tanong ulit ni anne
"Bakit tinatanong mo pa yung babae na yun?"galit na sabi ni ashley
Tinignan naman ako ni anne
"Umalis sila ng kuya nila ni ashley"sabi ko
"What do you mean na kuya nila ashley?"tanong ni ulit
"Oo magkapatid sila ni ashley, actually kambal sila"sabi ni gelo
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo wala akong kapatid na masama ang ugali"sigaw ni ashley
At umalis siya sa harapan namin. Nang susundan na sana ni anne ay hinawakan ko ang kamay niya
"Wag mo na siyang sundan. Hayaan mo na lang muna siyang mapag isa"sabi ko
"P-pero"sabi niya
"Wala nang pero pero mag stay ka dito sa tabi ko. Pagka umalis ka dyan itatali na talaga kita sa kamay ko"pasweet na sabi ko at bumulong sa kanya"ikikiss kita ng sa harap nila"
Lumayo naman siya ng kaunti at sinamaan ako ng tingin
Maya maya ay nakarinig na lang kami ng sigaw
Nang lumabas kami ay nakita namin na marami nang zombie ang nakapaligid sa ibang bahay at ang iba ay papunta na sa bahay ni ethan
"Sh*t tara na yung van sa likod bahay"sabi ni ethan at pumunta naman kami dun
Nang makasakay na kami sa van lahat ay marami sa mga classmate namin ang nakagat at isa na doon si gelo
" Tol"sabi namin ni jarred
"Umalis na kayo"sigaw ni gelo at sinarado ang pinto ng van
Pinaandar na ito ni ethan at umalis sa bahay na yun. Nang makalayo kami ay hinawakan ni anne ang kamay ko
"Bayani yung kaibigan niyo kyle niligtas niya tayong lahat"sabi ni anne at nang tutulo na ang luha ko ay pinunasan niya ito
Maya maya ay niyakap niya ako at kiniss ang pisngi ko
"Wag kang mag alala kyle magiging maayos din ang lahat. At kapag nangyari yun baka mabigyan kita ng chance na maging bf ko"sabi niya
Habang nakayakap siya ay diko namalayan na nakatulog na pala ako
Nang magising ako ay wala nasa tabi ko si anne
"Panaginip lang ba na nakasama natin si anne?"tanong ko sa mga classmate namin na nandito sa loob ng van
"Bro nasa labas lang sila ni ashley wag kang oa"savi ng kaibigan kong si jarred
"Buti naman akala ko panaginip lang yun"sabi ko
"Si gelo bro wala na siya"sabi niya ulit at naalala ko na naman kung pano makagat ng mga zombie si gelo
"Hoy jarred kailangan pang ipaalala sa kaniya"sabi bigla ni ashley pagkapasok sa van
"Akala ko kasi-"naputol ang sasabihin niya ng biglang sumabat si anne
"Don't worry ako nang bahala sa kaniya"sabi ni Anne at lumapit sa upuan ko
"Ano ayos ka lang ba?"tanong niya sakin pagkalapit
"Medyo"maikling sagot ko at niyakap siya
"Ops bakit bigla-bigla ka na lang nang yayakap"sabi ni anne anne nung matapos ang yakap
"Wala akala ko panaginip lang na nakasama ka namin"sabi ko
"Hindi noh nasa harapan mo na nga ako"sabi niya at tumatawa pa
"Kamusta na kaya si gelo?"sabi ko
"Hindi ko masasabi na ayos lang siya pero matapang at maaasahan yung tropa mo na yun"sabi niya
"Bakit pa kasi siya yung nakagat bakit hindi ako"sabi ko
"Edi ako naman malulungkot kapag mawala ka"sabi niya
Tinignan ko naman siya at niyakap
Maya maya ay tumingin sa amin sila jarred
"Hoyy baka hindi zombie yung dumumog satin dito baka naman yung mga langgam. Sobrang sweet niyo eh"mataray na sabi ni ashley
"Pwede naman ako natin sila gayahin"sabi ni jarred
"Bakit ikaw ba si Yoo Seung-ho para gayahin natin sila?"mataray na sabi ni ashley
"Hindi ako lang naman so jarred na mahal na mahal ka"sabi niya
Tinignan lang siya ni ashley na parang nandidiri
"Hoyy best grabe ka naman kay jarred. Gwapo din naman siya katulad ng mga oppa"sabi ni anne
"Ikaw anne wag mo subukan na magkagusto sa mga Koreano na yun"sabi ko at tinignan siya ng masama"at sa iba dapat sakin lang"
"OMG i need fresh air baka himatayin nako sa sobrang sweet ng nasa likuran natin"sabi ni ashley at lumabas ng van
BINABASA MO ANG
THE ZOMBIE VIRUS
Science FictionPROLOGUE Ang lugar ng EL FALIAN CITY na makikitaan ng magagandang tanawin,masaganang lungsod, at masasayang mga tao na akala mo'y dina magkakaraoon ng problema. Ngunit isang araw ay bigla na lang itong napalitan ng di kaaya-ayang lugar gawa ng pasab...