CHAPTER 5

0 0 0
                                    

Anne jane Gomez POV

Habang palabas kami sa campus namin ay may mga sumugod na zombie samin Kaya lumaban sila kuya at kyle sa kanila. Diko napansin na may zombie na pala na susugod sakin kung hindi lang ako tinulak ni grace(isa sa classmate ko) palayo at natumba

"Grace"sigaw ko

Kita naming lahat na kinakagat na siya sa leeg ng zombie na gustong kumagat sakin

Bigla na lang binaril ni kuya ace ang zombie na kumakagat kay grace

"Grace, ayos ka lang diba"taranta kong tanong ng bigla itong bumagsak

"Tumakbo na kayo habang hindi pako nagiging zombie"sabi ni grace

"Hindi ayos ka lang grace hindi malalim yang kagat sayo"sabi ko

"Best tumakbo na kayo. Wag kang mag alala sakin basta maging ligtas lang kayo"sabi niya

"Tara na anne"sabi ni kyle at hinatak ako palayo kay grace dahil nag iiba na ang kulay ng mata niya

"Grace"mangiyak ngiyak kong tawag sa pangalan ni grace habang palayo

"Hindi kita kakalimutan kaibigan"huling sigaw ni grace na narinig ko habang tumatakbo kami

Nang makalabas kami sa campus ay pumasok kami sa isang bus. Nakita ko ang kapatid ko dun at isang studyante pati babae

"Kailangan na nating umalis dito masyado na silang marami"sabi nung babae

Nang pasakay na kami ay papunta na ang mga zombie sa bus kaya nagmadali nang pumasok ang lahat

Sinubukan akong yakapin ni aireen pero iniwasan ko lang siya at pumunta sa pinaka likurang upuan ng bus. At pina takbo na ito ni kuya

Habang bumibyahe ang bus ay nakikita ko na magulo na ang siyudad at ang dami na rin ang mga nakagat na tao dun

Umiiyak lang ako dito sa may likuran ng bus habang inaalala si grace. Dati kaming magkaibigan ni grace pero dahil sa isang bagay na hindi namin napagkasunduan ay nag away kami hindi nagtagal ay hindi na kami nagpapansinan

1Nang kapain ko ang bulsa ng palda ko ay nakita ko ang keychain na bigay sakin ni grace pero sinauli ko din sa kaniya ito nung nag away kami. Pero bakit nasa bulsa ko ito ngayon

"Nilagay yan ni grace kanina habang naguusap kayo"sabi ni ashley "Bakit ba kayo nag away ni grace dati?"

"Ayoko muna pag usapan yan ash, bakit pa kasi ginawa yun ni grace. Bakit niya pa ako tinulak dapat hindi na siya nakagat ng zombie na yun"sabi ko habang umiiyak

Niyakap na lang ako ni ashley habang umiiyak. Nang tumagal ang pag iyak ko ay diko namalayan na nakatulog nan pala ako sa yakap ni ashley

Nang magising ako ay nakasandal ako kay kyle kaya kaagad ako lumayo sa kaniya. Buti na lang at hindi ito nagising sa paggalaw ko

Pagkakita ko sa labas ay gabi na pala kaya sinubukan kong tumayo ng hindi naaabala si kyle

Pagtayo ko ay natutulog silang lahat pati si kuya. Pagkakita ko sa pinto ay sarado ito

"Grace I'm sorry"mahina kong sabi

Nang balak ko nang tumungo sa may pinto ay biglang hinawakan ni kyle ang kamay ko

"What do you think your going?"sabi niya sakin pagkatingin ko sa kaniya ay nakapikit pa rin ito

"Hayaan mo na ko kyle wala na si grace"sabi ko habang umiiyak

"Kaibigan mo lang naman siya. Marami pang buhay na mahalaga sayo"sabi niya

"Hindi ko lang siya kaibigan"sabi ko"hayaan mo nakong sumunod sa kaniya"

THE ZOMBIE VIRUS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon