SEAN KYLE MARTIN P.O.V
"buti naman wala gaanong zombie sa dinaanan natin"sabi ni gelo
"dahil panigurado nasa likuran ka na niyan ngayon"biro ni jarred
"hindi ahh kaya ko kaya lumaban"sabi ni gelo
"kaya daw pero nasa likod ng girl kanina"sabi ulit ni jarred
nandito na kami ngayon sa sinasabi ni gelo na bodega. dito daw siya tumatambay dati kapag binubully siya ni james
"kyle"tawag sakin ni anne
"bakit anne? may problema ba?"tanong ko at nilapitan siya
"hindi tayo makakalabas dito just in case na may makapasok ulit na zombie"mahina niyang sabi
"oo nga,gelo bakit hindi mo naisip yun?"sabi ko
"ang alin bro?"tanong ni gelo
"bakit dimo naisip bago pumunta dito, malay mo may makapasok na zombie dito"sabi ko sa kaniya
"bro may underground tong school natin palabas sa campus kaya lang pano yung mga kapatid niyo, narinig ko yung usapan niyo ni anne kanina sa ibang building yung kapatid niyo"sabi ni gelo
"may kapatid ka jane?"tanong ni ashley kay anne
"oo ash kaso nasa junior department siya ang layo sa building natin"sabi ni anne
"dumito muna tayo hanggat wala pa tayong plano"sabi ko
"yuck, sure kaba Kyle? ang dumi-dumi ng lugar dito at isa pa ang baho rin. pano ka nakakatagal dito gelo?"maarteng sabi ni faith
"anong gusto mong gawin natin lumabas dun faith, ipagpasalamat mo na lang na may safe na lugar na tayo"sabi ni ashley
"kung ikaw makakatagal dito ako hindi, dapat kasi dun na lang tayo sa may library kyle"sabi ni faith at lumapit sakin"balik na tayo dun kyle kaysa sa lugar na tayo nakakadiri"
"ang arte mo ring babae ka noh, kung gusto mo bumalik, bumalik ka mag isa wag mo dinadamay si kyle"sabi ni ashley
"ep*l kang babae ka noh, my your own business"sabi ni faith at umirap kasabay ng pag irap niya ay ang paghawak ng kamay niya sa balikat ko
"mag uumpisa na naman kayo ng away"sabi ko at tinanggal yung kamay ni faith"faith, dumito muna tayo. tiisin mo na lang yung amoy kaysa makagat ng mga zombie sa labas"
nang sabihin ko yun ay lumapit ako kay anne pero iniwasan ako nito at lumapit kay ashley
kaya umupo na lang ako sa tabi nila gelo at jarred
"bakit hindi mo katabi si anne ngayon?"tanong ni jarred
"umiwas sakin, dun tumabi sa kaibigan niya"sabi ko
"LQ kayo?"tanong ni gelo
"bakit kami ba?"sarkastikong sabi ko pero tinablan ako sa sinabi ko
"ouch diresto yun ahh,pero panay hawak mo sa kamay niya tuwing tumatakbo tayo diba?"sabi ni gelo
hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni gelo
maya-maya ay narinig ko na lang ang boses ni anne na may kausap sa cellphone niya
"hello aireen?ayos ka lang ba?"tanong niya"nasaan ka?sino kasama mo dyan?"
"jane dahan-dahan lang di makakapagsalita yang kapatid mo"sabi ni ashley
"ayos lang kayo? mabuti naman sino kasama mo dyan?"tanong ulit ni anne"chloe? kayo lang nandyan?"
pagkarinig ko ng pangalan na chloe ay bigla akong napatayo at lumapit kay anne. inutos ko kay anne na iloud speaker ang cellphone niya
"ate nastock kami dito sa cr ng building namin, natatakot nako"sabi ng kapatid ni anne
"wag kang mag alala aireen ililigtas tayo ni kuya,kaya mag stay ka lang dyan at wag kayong magpapakagat ng kasama mo"sabi ni anne
"yes po ate,kaso nagkaroon po ng sugat si chloe"sabi ng kapatid niya
"Chloe martin ba yan?"bigla kong sabi
"oo po teka ate sino yun?"sabi ng kapatid niya
"saan nakuha ni Chloe yung sugat niya?"tanong ko
"sa basag na bote lang ito kuya wag kang mag-alala hindi ako nakagat ng kahit ano"sabi ng kapatid ko
"buti naman basta maging safe lang kayo ahh mag paplano kami kung pano makapunta dyan "sabi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/350621920-288-k781415.jpg)
BINABASA MO ANG
THE ZOMBIE VIRUS
Fiksi IlmiahPROLOGUE Ang lugar ng EL FALIAN CITY na makikitaan ng magagandang tanawin,masaganang lungsod, at masasayang mga tao na akala mo'y dina magkakaraoon ng problema. Ngunit isang araw ay bigla na lang itong napalitan ng di kaaya-ayang lugar gawa ng pasab...