CHAPTER 6

0 0 0
                                    

Ace Gomez P.O.V

Nang kinaumagahan ay nakita ko na tulog pa ang mga bata. Kaya tumayo na lang ako at pumunta sa cr ng convenience store na ito. Pagka rating ko sa cr ay naghilamos ako

"Oh gising kana"gulat na sabi ko kay sarah ng bigla itong pumasok sa cr

"Ayy sorry akala ko walang tao bukas kasi yung door"sabi niya at nagtatakip ng mata niya

"Ayos na tanggalin mo na yung kamay mo sa mata mo"sabi ko

"Ang gwapo mo pala kapag bagong gising"sabi ni sarah at daresto siya sa harap ng salamin at naghilamos

"Hindi naman"sabi ko

"May girlfriend kana ba?"tanong niya nang matapos maghilamos

"Wa-wala pa naman"nahihiyang sabi ko"bakit mo natanong?"

"What if tayo na lang"sabi niya habang nakatingin sa reflection ko sa salamin

Sasagot na sana ako nang may biglang sumigaw sa labas. Kaya agad agad kaming lumabas ng cr at nakita namin na kinakagat na yung isang classmate ng kapatid kong si anne

"Takbo sa may likurang pinto"sigaw ni sarah at ginawa naman nila. Nang makarating kami sa labas ay may nakita kaming isang sasakyang puti. Pinuntahan namin ang driver seat nun at nakita namin na naiwan ang susi nito

"Pasok na sa loob nitong sasakyan"sabi ko at pinaandar ang sasakyan. Nang makita ko na nakapasok na lahat ay pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na

"OMG naiwan ko yung chocolate ko dun sa store"sabi nung nasa loob(faith)

"May mga zombie na't lahat yung chocolate pa rin yung iisipin mo"sabi nung isa (ashley)

"Whatever"sabi ulit ng isa(faith)

"Nasan si anne?"tanong ni kyle na kapatid ni sarah

Hininto ko naman ang sasakyan at tinignan isa-isa ang mga nakasakay dito

"Asan yung kapatid ko"sabi ko

"Where my ate"sabi naman ni aireen

"Hindi mo ba siya kasama kyle?"tanong ni sarah sa kapatid niya

"Hindi ko siya kasama simula pa nung pumasok yung mga zombie na yun"sabi ni kyle

"Nasan siya,t*ngina naman bakit kapatid kopa yung naiwan"sabi ko

"Baka naman nakagat na yun ng zombie"sabi nung isa, tinignan ko naman ang nagsabi nun ng masama

Nagulat na lang yung iba nang sampalin siya ng malakas ng kaibigan ni anne

"Ep*l ka talaga kahit kailan noh, pwede ba itigil mo yang bibig mo kung walang magandang sasabihin at baka pasabugin ko pa yang mukha"nagagalit na sabi nung ashley

"Kung totoo na nakagat na yung si anne"(faith)

"Pwede ba faith, baka hindi kita matimpi at mapatulan kita kahit babae kapa. Kung si anne pag uusapan wag mong pag iisipan ng masama or kung makagat ng mga bwes*t na zombie na yun kasi kaya kong patayin kung sino man ang kakagat sa kanya"sabi ni kyle na nagpatigil sa lahat

"Magiging ayos lang ang kapatid mo ace"sabi ni sarah hinawakan ang kamay ko habang nakahawak sa manibela

"Sana nga"sabi ko at nagpokus sa pagmamaneho

Habang nagmamaneho kami ay bigla namang nawalan ng gasoline ang sasakyan namin

"Putchat ang malas naman"sabi ni jake at nagkamot ng ulo"ano nang plano bro?"

"Babalikan ko yung kapatid ko"sabi ko

"Ace mas maraming mapapahamak kung babalik tayo dun"sabi ni jake

"Hindi ko kayo isasama. Ililigtas ko ang kapatid ko nang mag isa"sabi ko ulit

"Mag isip ka nga marami kaming iiwan mo dito para lang sa kapatid mo. Sabihin na nating nandun kana pero maliligtas mo ba siya kung naging zombie na yung kapatid mo"seryosong sabi ni sarah sakin"marami pang ibang estudyante dito na gusto maligtas"

"Nandito rin yung isa mo pang kapatid ace kaya pumunta na tayo sa ligtas na lugar"sabi niya ulit

Sumunod na lang ako at naglakad na kami paalis sa lugar na ito. Wala gaanong zombie ang nakakalat sa daan kaya maluwag kaming nakakapaglakad

"Magiging ligtas si anne, kyle wag kang mag alala sa kaniya"sabi nung isang lalaki (gelo)

"Bro hindi kaya ni anne na mag-isa kailangan niya ako"sabi ni kyle

"Pero bro, nasan ba si anne bago pumasok yung mga zombie?"tanong nung isa pang lalaki (jared)

"Kagabi huli kaming nagkausap nung kumakain kami ng noodles pero umalis siya ng lumapit samin si faith. Simula nun hindi ko na siya nakausap"sabi ni kyle

"Bro kaninang madaling araw nakita ko na lumabas si faith pero hinayaan ko na lang tapos natulog ulit ako"sabi nung gelo

"Lumabas? Saan naman pupunta yun ng ganung kaaga?"tanong ng isa

"Hindi ko alam"sabi ulit ng isa

Hanggang sa may makita kami na bahay na walang tao

"Boys tignan muna natin ang buong bahay"sabi ko at nauna nang pumasok

Pagpasok ko ay walang katao tao at walang bakas ng dugo o kahit na ano pa

"Siguro safe naman tayo dito"sabi nung isang lalaki

"Bro paki tawag na yung mga babae papasukin mo na sila dito"sabi ko

At pinapasok na nga niya yung mga babae pagkapasok nila ay biglang lumabas ang isang babae sa isang pinto na sa tingin ko ay hiding door ito

"Anong ginagawa niyo dito"sabi ng babae

"Magpapalipas po muna ng araw don't aalis din po kami dito kapag nakahanap na kami ng ligtas na lugar"sabi ko

"Okay sige"sabi nung babae"umupo muna kayo at ihahanda ko kayo ng maiinom,wag kayong ganong maingay para hindi pumunta dito ang mga zombie na yun"

"Okay po ma'am"sabi ng mga studyante

At umalis na nga ang babae

"Akala ko ba walang tao, papatayin ako sa nervous ng babae na yun"sabi ni sarah at umupo sa may upuan na malapit lang dito

"Ano tol iniisip mo pa rin si anne?"tanong nung gelo kay kyle

"Lagi naman niyang iniisip si anne kahit nga magkatabi na sila hindi pa rin mawala sa isip niyang isa na yan"sabi nung jared

"Hmm"peke kong samid at lumapit sa kanila"May relasyon ba kayo ng kapatid ko?

"P-po?"gulat na tanong ni kyle

"Yan tinanong kana ng kapatid ni anne"sabi nung gelo

"Meron o wala?"seryosong tanong ko sa kanya

"Wala po"sabi niya

"Hayy mahina pala manok ko"nakangiting sabi ko"akala ko kayo na ng kapatid ko, gusto pa naman kita para sa kapatid ko "

"Yun oh gusto ka pala ng kuya ni anne"sabi nung gelo

"Ano plano mo kuya?"tanong sakin ni kyle

"Babalikan ko si anne dun"sabi ko

"Sasama ako kuya"sabi niya at tinignan ako ng seryoso

(Dagdag ko lang po itong P.O.V)

Someone's P.O.V

Buti nga at nawala na ang babae na yun success pala ang plano ko. Isa na lang ang gusto kong mawala at makukuha kona rin ang taong gusto ko. Thanks to sarah dahil mas tinulungan niya akong mawala yung babae na yun

THE ZOMBIE VIRUS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon