BUMBLE SERIES #1 Shaire used to think that yellow was the color of the rotten and the unbearable. But her perspective change when everything started with yellow. In this yellow, all her happiness and suffering begin.
They call it, yellow app. " Bum...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Yellow
"GIRL! Make sure na samahan po mo 'ko mamaya na imeet 'yung pinagbilhan ko ng pusa. You decide na rin if it's healthy or not! I don't understand 'yung mga nakasulat sa papers baka pala fake lang 'yon or what. Ayoko ng ma scam pa ulit!" She shouted.
Napalayo ako sa phone ko dahil sa pagsigaw niya. Nag f-face time lang kami pero kung makasigaw akala mo malayo kami sa isa't isa. Eh sobrang lapit naman ng phone niya sa bunganga niya.
"Wow, nasaan ang doctors fee ko?" I'm now a Veterinarian.
After ilang years, I graduated rin. My journey is not easy! And I dont recommend to be in a relationship while studying medical course talaga.
Slightly, depressing. Oh, wait. Hindi lang slightly. Depressing talaga siya. Sobrang naapektuhan ang lahat saakin because of that.
Hindi ko naman gine-generalize na possible na lahat ay magkakaroon ng experience just like mine pero a daily reminder lang for me na don't date when you're in the medical course.
And I'm glad na nalagpasan ko rin ang hell na 'yon. I feel like I'm traumatized and ayaw na muling mangyari 'yon.
"Ano ba 'yan! Hindi ka na nga pumunta sa party ko tapos wala pang gift! Then now sisingilin mo 'ko ng doctor's fee?! Sino ang dapat mahiya saatin, Dear?"
I rolled my eyes. "Eh kasi nga—" I'm really busy talaga right now.
Dahil maraming gawain dito sa clinic. And 'yung reason naman kaya hindi ako nakapunta sa birthday party niya ay may 2 schedule ako ng surgery syempre uunahin ko ang patient ko kaya ayun hindi na ako umabot sa party niya.
She sighed. "Shh, Please. Kahit ngayon lang promise hindi na kita guguluhin. Help mo lang ako with this. If naging vet lang ako I'll not ask for your help din naman. Saka ilang beses na ako na scam 'di ba? Besides last hangout natin last 3 months pa. I miss you friend.."
Napakamot ako noo ko. "You know that I'm busy—""
"Lagi nalang busy! Ako rin naman busy lalo na nag tuturo ako! Pero kapag gusto may paraan at kapag ayaw you have many dahilan. It's weekend naman kahit naman mag half day ka nalang muna. Oh kaya wala bang papalit sa'yo?"
I scanned my schedule. More on check ups and vaccine lang naman ang gagawin ngayon. And hindi naman sobrang burden if aalis ako ngayon.
"Fine! I'll call Doc Ja nalang para makipag palit ng shift. Alam mo namang hindi pwede umalis ang doctor sa clinic! I'll wait for her sana pumayag. Mag dasal ka na d'yan."
Kalaunan ay pumayag na rin si Doc Ja—my college friend na makipag palit saakin ng shift for a while.
Kaya eto nandito kami ngayon SM clark. Dito nila napili mag meet up. They are from Madaluyong pa. So imagine the stress of the cat. Poor baby.