Chapter 04

30 3 0
                                    


Shai Brigh

ISINAWALANG bahala ko lang selos na nararamdaman ko dahil wala naman 'yon papatutunguhan pa.

Wala rin naman akong karapatan dahil niloloko ko lang siya at higit sa lahat "WALANG KAMI" But I know to myself na hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman kong 'yon.

I still feel insecure. Kasi may mga nakakasama siyang gano'n mukha—na magaganda samantalang ako eto nagtatago sa litrato ng isang magandang kpop idol para lang makausap siya.

The fact na I'm aware with the idea na kaya niya ako tintatry ipurse kasi he wants me because of my looks. And habang tumatagal—I realize na that's actually sad.

Niko:
Apparently I'm going to pampangga tomorrow.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakakatitig sa chat ni Niko. I'm at the cafeteria of our university. Kumakain kami kasi lunch break

"Why? Wala raw pasok?" tanong ni Jas.

"Meron." mabilis na sambit ko at nasa phone ko pa rin ang tuon ko.

"Eh bakit ganyan reaksyon mo?" tanong pa nito.

"Si OA! Chismosa mo talaga!" hindi ko na sila pinansin at agad ng nireplyan si Niko.

Me:
Wait—- really???

Niko:
It's where my work will take place
I'll ask pa where in pampangga exactly
No worries- you sound pressured. I think I'll be busy the whole day.
As much as I want to visit you. Baka hindi ko kayanin haha.

I bit my lower lip. Pero sa totoo lang ha. Kinabahan ako sa sinabi niya. What if maka salubong ko siya nang hindi namamalayan?

Hindi ko naman naisip na possibleng pumunta siya dito sa pampanga ng agaran? There's a lot of what ifs tuloy.

What if magkita kami bigla anong gagawin ko? Oh well I know naman 'di niya ako makikilala pero ako paano ko itatago ang reaksyon ko kung sakali?

Makakaramdam ba ako ng guiltyness?

Or what if umamin na ako? Baka sign na 'to para umamin sakaniya.

Me:
Haha am I? Hindi no. I know you're busy, eh.
You need to rest early tonighttt para you have energy tom.

Niko:
I slept kanina during the afternoon
I want to be free when you want kausap at night :>

Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang ngiti.

"Luh kinikilig siya?" natatawang sambit ni Marianne kaya lahat tuloy sila napatingin saakin.

"Baliw, may binabasa lang ako oh!" agad kong binack ang ig at pinunta sa wattpad but sakto namang biglang nag notif ang chat ni Niko.

"Uy, sino si Niko?" nanlaki ang mga mata kong binawi ang phone ko.

"Kaibigan ko!"

Niko:
I miss you.
Can I see pic of you.

"I miss you tapos can I see you? Kaibigan lang! Okay, Shaire. Okay."

"Kaya pala si anteh hindi sumasali sa discord may iba na pala ka study buddy.."

"Heh!" nagtawanan lang sila at hindi ko na pinansin. Tinuon ko lang ang pansin ko sa phone ko at nag send na ng pucture.

Kagabi kasi naghanap na ako ng mga selca ni Seulgi na pwedeng isend sakaniya 'yung tipong 'di halata na galing lang sa online.

Me:
(Sent a Photo)
(Sent a Photo)

Niko:
TWO?!
I hit jackpot damn!

YELLOWWhere stories live. Discover now