Chapter 03

99 5 1
                                    

Shaire Brigh

I'M JUST LOOKING at his pictures dahil I followed him na kaya nakapasok na ako sa account niya—ofcourse I made a dummy account.

Parang I'm not ready to reveal myself pa. I'm enjoying his accompany. Habang tumatagal ay medyo nag e-enjoy na akong kausap talaga siya.

I mean I admit it. I'm attracted to his physical looks and I like how soft he is.

Ginamit ko 'yung mga account ko noong 2019 na pang RP pa para hindi halata. Chinange name ko lang. And pinalabas ko na I'm a private person kaya no post. 'Yung mga shares post ko lang ay around 2018-2019 na hindi ko na binura para mas kapani-paniwala.

Well siya rin kasi mukha lang din lowkey. Chineck ko ang facebook niya wala namang ibang post. 'Yung mga tags lang sakaniya ng family niya ang nakikita ko. Dito naman sa IG may 10 pictures siya and then may mga higlights din mostly cats, food, and drawing niya lang.

'Di ko na alam if ilang beses ko na 'to sinabi pero sobrang gwapo niya talaga. Swak na swak talaga siya sa type ko.

Niko:
Ploop-
What's your name again in messenger sorry?

Me:
Kyla Acciel

Niko:
Alright, I added you.
Guess we're here.
What do you feel?

Napasinghap ako. Sa dating app once na binigay mo na ang social media account mo. Meaning makikipag landian ka na sakanila or minsan way 'to para sa sabihan na yes ready akong magkaroon ng katalking stage and it's you.

Me:
Still processing.

Niko:
Yeah, honestly I'm trying to act all chill and cool about it now.
but like inside
it's 🕺💥✨🤙🏻🥰🧈🎃👌⚫️
Weird—but I'm happy.

And since then we started talking na. When he's asking me to send picture naghahanap ako sa pinterest ng sasakto kunwari sa gusto niya. If like morning maghahanap ako ng morning picture ni Seulgi.

Hindi naman gano'n kahirap dahil may pinterest naman. Isang click ko lang ay lalabas na lahat ng picture ni Seulgi.

Well he's not into Kpop or koreans kaya siguro hindi niya kilala si Seulgi. Kasi obvious naman na 'yung mga sinesend kong picture ay korean vibes. What I mean is alam mo naman mga selfie sa ibang bansa fresh. 'Yung lighting ibang-iba.

Kaya hindi ko rin ineexpect na mabubuking niya ako kaagad. Kasi kung may iseya dapat una palang ay binasag niya na ang kalokohan ko.

Hindi ko rin naman namamalayan na na eenjoy ko na rin ang ginagawa kong 'to. Kahit busy kasi ako—or minsan gabi lang kami nag uusap ay siya 'yung tipong lalaki na willing to wait and hindi na b-bored kahit gaano pa ako katagal.

He's not makulit 'yung tipong mag dedemand ng time ko kasi nag uusap na kami. Hindi niya rin akong pinepressure about the meet up so I guess I'm good.

Habang tumatagal medyo nagbabago naman ang first impression ko sakaniya which is 'yung parang ang sungit ng vibe niya na parang you can't reach him. Na ang tipo lang ay maganda at mayaman na kauri niya.

I'm starting to see his soft and clingy side too. I don't know if pinapakita niya 'to dahil ang akala niya ay magkalevel kami.

Niko:
Gyeongseong Creatures is so damn good.
I'm in love with Chae-ok.
But.
I'm more inlove to you—oppps.

YELLOWWhere stories live. Discover now