III. Van

7 7 0
                                    


We stood still, staring at the full carriage in front of us.

"Dinala niyo ba buong bahay niyo?" The crown prince asked with his eyebrows meeting together.

I became more ashamed every second that pass. Mahalaga ang bawat gamit namin sa bahay kaya naman wala kaming iniwan na kahit isa, hindi naman kami makakabili ng pamalit na gamit sa kabisera.

Si lola ang unang pumasok sa karwahe, sakto na ang loob sa isang tao kasama ang mga gamit namin. Sinubukang itabi ni lola ang ibang gamit pero mas lalo lang sumikip.

She smiled awkwardly at me. "Kandong na lang kita."

"Sasabit na lang po ako." Suhestyon ko.

The people around my grandma and I stared ridiculously at us.

"Tama, buksan na lang ang bintana para makakapit ka nang maayos." Suhestyon pa ng isa sa mga kabalyero habang pilit pinipigilan ang pagtawa.

"Hindi! Kasya pa rito." Pilit ni lola kahit na kitang-kita na kung gaano kasikip ang looban.

Hinawakan ko ang pinto ng karwahe at sinara ito. Habang hinahanap ko kung saan ako tatapak, nagsalita ang prinsipe.

"Sumama ka sa'kin." Utos niya na agad ko namang sinunod.

Akala ko may isa pa silang tinatagong nakahandang karwahe kaya bumuti ang pakiramdam ko pero nang makita ko kung ano ang sasakyan ko, lalo lang itong lumala.

Halos dalawang beses ang laki sa'kin ng hayop na nasa harapan ko pero kung itatapat sa lobo ko ay medyo may lamang ako.

"Hindi ako marunong mangabayo." Amin ko sa prinsipe habang hinihimas niya ang nag-aamong mukha nito.

Marunong akong sumakay ng lobo dahil kauri ko sila pero ang magkontrol ng hayop na hindi ko naman kilala at nakakausap ay ibang usapan na, baka mamaya ayaw sa'kin niyan at itapon na lang ako sa daan.

Tinigil niya saglit ang paghimas dahil sa sinabi ko ngunit pinagpatuloy din agad na parang wala siyang pake kung marunong ako o hindi.

"Sakay."

I mentally sigh to prepare myself for a long ride ahead. Naging madali naman ang pagsakay ko at hindi naman naging magalaw ang kabayo sa pagbuhat sa'kin, mukha naman siyang mabait despite how the horse looks.

Pero ang ikinagulat ko ay ang biglaan ding pagsakay ng prinsipe sa likod ko. Parehas kami ng naging posisyon ng pag-upo, his hands and arms crawled past my waist stealing the lead rope I'm holding making me sit up straight to avoid his chest and arms around me.

"A-Akala ko ba sa'kin 'to?" I cleared my shaking throat.

"Anong sa'yo? Kabayo ko 'to." His low voice seems so loud near my ear that it tickles me when he breathes out a word. "His name's Van."

Van...the horse has a name.

This is my first time riding ever since that night. The hair behind Van's neck reminds me of my mother's fur that I had with me when I clenched my fist while holding her tightly out of rage. Now, I hold Van's hair carefully so that he won't get hurt.

"Let's go!" Sigaw ng prinsipe sa likod kung nasaan ang karwahe at ang mga kabalyerong nakasakay na rin sa kanya-kanya nilang mga kabayo.

Kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang paghigpit niya ng hawak sa lead rope at ang paghataw sa kabayo. The horse rises and screams before galloping causing me to fall back on his chest.

I felt a sharp pierce of electricity from my back so I tried to move from him and hold on to the horse's neck. Buti na lang at sanay ako sa mga ganitong sakay kaya naman naging maayos ang posisyon ko pagkatapos non.

Suppression Of The TamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon