IV. The Capital

7 7 0
                                    

"Do you have any plans on murdering my horse?" His voice immediately stopped me from glaring.

The crown prince heads directly at Van who seems to be in relief now that Prince Castellan comes to his rescue.

I took my time to fix my expression with my head bowed down.

"Sa tingin ko nakapagpahinga na kayo. Nakakalahati na natin ang distansya patungo sa kabisera kaya tuloy-tuloy na tayo." Anunsyo niya sa mga kabalyerong inaasikaso ang kanilang mga kabayo. "Okay ka na?"

"Ah-uhm..." I stuttered and raised my head to answer but he's not even looking at me.

"...Van?" Tuloy niya sa tanong na para bang alam niyang inakala kong ako ang tinatanong niya.

I cleared my throat and continued to raise my head higher as if looking at the blinding sky while scratching my neck.

Saglit niya pang inasikaso si Van bago nagdesisyong pasakayin muli ako. Natakot pa ko ng saglit kanina dahil baka hindi na niya ako pasakayin sa titig ko sa kabayo niya.

He also lent me a black hooded cloak to wear.

The rest of the ride after our stop became smooth. Our situation now is bearable for me.

"Nasa kabisera na tayo!" Sigaw ng isa sa mga kabalyero.

Hindi ko pa mapapansing nasa kabisera na nga kami kung hindi pa sasabihin ng kabalyerong iyon dahil sa hindi ko inaakalang itsura nito.

It looks so dead.

Hindi ko napigilang mapatingin sa suot kong lumang puting bestida at sa suot din nilang mga damit.

The people's clothes look worn out just like ours. Inakala ko pa kaninang magiging kahiya-hiya ang may kalumaan naming damit pero mukhang pare-parehas lang kami ng uri ng telang sinusuot.

Maraming bata ang nakakalat sa daanan suot-suot ang sira na at maruruming mga damit. May mga banig na nakakalat sa daanan kung saan nagkukumpulan ang ibang mga pamilya na agad din nilang tinatabi sa tuwing may dumadaan na mga kabayo at karwahe. Nakakalat rin ang mga karton at kahoy na siguro'y ginagamit nila sa paggawa ng pansilong.

Kung titignan sa taasan ay may makikita ka namang matataas at matatayog na mga mansyon bukod sa tore ng palasyo.

Siguro ang mga may matataas na titulo lang ang namumuhay nang kumportable kumpara sa mga ordinaryong mamayanan.

To be frank, the west looks more decent than this. Siguro na rin dahil wala masyadong maraming tao ang naninirahan doon bukod sa amin.

The hooded cloak protected me from the eyes of many people.

Maingay dahil sa naglalakasang kuwentuhan at buluna  ng karamihan sa paligid.

"Ayon ang prinsipe diba?"

"Nandito ang prinsipe?"

"Hala totoo nga!"

People cleared out the path for us but as soon as we passed all of their places, inayos nilang muli ang maruruming banig na nagsisilbi nilang tahanan.

I tried to look up in the search of Prince Castellan's expression for his poor people but he didn't budge to pay any attention to those who bow down after him. Na para bang wala siyang pakialam sa hirap na dinaranas ng mga tao niya kahit na nasa harap niya na 'to mismo, patuloy lang ang pagmamaneho niya sa kabayo.

Pero naalala ko rin kung bakit ganito na lang ang pagsasawalang bahala niya. The same blood runs in the Emperor's and his veins after all.

He's bound to be a tyrant ruler like his father.

Suppression Of The TamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon