The fall of dry leaves touching my skin as it passes, while the wind whispers sweet nothings from time to time, feels like my fleeting memories of the past.
The time when we were at Casa Lupin, the green scenery of the town mixed with the fiery color of the sun. Our people, may they be young or old, are filled with laughter and smiles. When a simple illness can be treated abruptly by the fresh air the Tree of Life gives us.
I tiptoed, stretching my arms and body up high, trying to win against the giant trees surrounding me. Thinking maybe if I pass all these humongous barriers, I will be able to see my homeland again. But every time I do that, I always fail, and to add up, Casa Lupin will never be the same as before. The west part of the Missarati is the only place that reminds me of those times. The only difference is that this place is darker than the old Casa Lupin. I exhaled deeply, lowering my arms and flattening down my heels.
Bakit ang tagal yata ni Niko?
Lumabas ako rito para sana salubungin siya pagbalik sa paghahanap ng hayop na makakain namin sa loob ng isang linggo. Hapon pa lang nang umalis siya kanina kaya alam kong hindi siya magtatagal ngayon pero kahit anino niya ay hindi ko pa nakikita pabalik.
I activated my senses to search for the whole area but there's no sign of him.
Baka naman nalingatan ko lang? Siguro ay nakauwi na siya nang hindi ko napapansin.
Nilingon kong muli ang paligid na nagpapaalala sa akin ng Casa Lupin noon, habang tumatagal ay unti-unti ring bumabangon sa utak ko ang huling alaala sa lugar kaya minabuti kong umuwi na rin, mag-isa pa naman ang Lola.
"Lola?" Pagbukas ng pinto ay kita ko agad ang kabuuan ng munting kubo na nagsilbing bahay namin sa loob ng tatlong taon.
Ang ngiting nakaplaster sa mukha ko pagpasok ay nawala dahil kahit anong gawing pikit at dilat ko, si Lola nga lang ang nasa loob at walang Nicholas sa paligid.
"Oh, nakauwi ka na? Si Niko?" Tayo ni Lola Helene sakanyang upuan.
"Tatanungin ko rin po sana kayo, hindi pa po siya umuuwi?" Tanong ko pabalik.
"Ha? E, akala ko ba sasalubungin mo? Wala pa rin hanggang ngayon?" Tanong niya rin sa akin pabalik. "Ito na nga ba ang sinasabi ko, e. Ilang ulit kong sinasabihan 'yung batang 'yon na mag-ingat pero tignan mo, parang wala lang sa kanya! Hindi naman niya makakayan-kayanan lang iyong dami ng sundalong nakapaligid sa atin. Sa dulo baka matulad pa siya sa mga kapamilya niyang nakuha at pinahirapan hanggang sa..."
"Lola." Pigil ko sa lumalawak at lumalayo niyang pag-iisip. Kahit ako ay natatakot na agad dahil lang sa late na pag-uwi ni Niko.
I kept on burying those memories at the back of my mind but no matter what I do, they are always hunting us.
Tatlong taon na rin naming kasama si Niko simula nang mawala ang pamilya niya. Alam ko kung anong klaseng hirap ang dinanas niya dahil pareho kaming maagang nangulila sa magulang.
"Hay Naku! 'Wag naman sana." Bawi ni Lola sa mga nasabi, she looks at me apologetically. "Huwag mong masyadong isipin ang mga sinabi ko, mabuti pa magpahinga ka na muna dahil pagod ka kakahintay sa labas. Paggising mo baka nandito na 'yon."
"Pero, La..." I'm worried. I tried to check him using my senses again but I can't even find a faint of his smell. "I can't sense him." If something happens to him I will immediately know. Ang sabi niya sa malapit lang siya mangangaso.
"You can't sense him kasi pagod ka at isa pa, you're not on your beast form so your senses will be weak. Magpahinga ka muna ngayon at subukan mo ulit mamaya, mahina na rin ang pandama ko dahil alam mo na, matanda na ko kaya ikaw na lang pag-asa ni Niko. Magpahinga ka na, okay?" Her soothing and persuading voice somehow calms me.
BINABASA MO ANG
Suppression Of The Tamed
Lobisomem"The crown prince...is my mate?" Her voice above her breath, refusing to believe her fate. In a place where people with unusual lust for blood are considered lethal, these creatures were killed and tortured every one of them to death mercilessly for...