Simula

35 3 0
                                    

Simula

***

"Nay! Nay! Nandito na po ako" bungad ni Alyssa pagkadating niya galing eskwelahan. Tumungo agad siya sa isang kalapit na upuan ng kanilang maliit na sala at doon inilapag ang kanyang bag na lumang-luma na ayon din sa kulay nito. "Mabuti naman at nandito ka na Isang, wala kasi magbabantay sa kambal, ako pa'y maglalako ng gulay at prutas" mula sa kusina ay dala-dala ni Aling Amanda, nanay ni Alyssa, ang isang bilao ng bibingka. "Pati itong ginawa kong bibingka, pandagdag kita" napangiti na lang ang dalaga sa kasipagan ng kanyang Nanay. Maya-maya ay nawala na sa harap niya ang Ina at naririnig na lamang niya ang pagsigaw nito ng " Bili-bili kayo diyan! Prutas! Gulay at Bibingka!"

Mahirap lamang sila. Pero, kahit mahirap ay makikita mo ang kasaganahan nila 'di sa pera o ano pa mang bagay, kundi ay pagmamahal at puno ng kaligayahan. Panganay na anak nina Amanda Coleen at Leonardo Jose Salvador, si Alyssa Coreen Salvador o 'Isang' sa palayaw nito. May anak pa silang kambal na may edad na sampung taon ngunit ang mga ito ay ipinanganak na may diperensiya. Si Althea Caitleen na 'di nakakarinig at di makapagsalita at si Andrea Cahleen na 'di nakakapaglakad. Nakatira lamang sila sa maliit na bahay-kubo sa nayon ng Baler, Aurora. Simple lamang ang buhay nila katulad ng kanilang pagkatao. Walang mga bagong gamit at walang sapat na kita para maiahon ang isang araw. Tanging ipinagkakasya na lamang nila 'yon, para makabili ng mga pangunahing pangangailangan nila at makabili ng ulam at bigas.

Sa totoo lang, naawa si Alyssa sa klase ng kanilang pamumuhay. Minsan naisip niya na, bakit may mahirap at mayaman? Bakit 'di pantay-pantay? 'yan palagi ang tanong niya sa isipan at ang tanging nasasagot lang niya ay, Mag-aaral akong mabuti , 'yan ang palaging tumatatak sa kanyang pag-iisp. Ang makapagtapos para matulungan ang pamilya at maiahon sa kahirapan.

Nasa huling yugto na ng sekondarya si Alyssa kaya kahit paano ay may ginagawa siyang paraan na makatulong para kumita din kahit paano. Katulad ng, pagiging Student Assistant niya sa library, kumikita siya roon ng 120 per day sa buong maghapon ibibigay niya ang kalahati sa kanyang Ina at ang kalahati ay iniipon niya para sa pangbaon o 'di kaya'y para sa mga upcoming projects niya at sa isang business na gusto niyang simulan kahit paano.

"Waaaaaaaaaaaaaaaah!" napapitlag si Alyssa mula sa kanyang pagsusulat ng madinig niya ang iyak ng kanyang kapatid, si Andrea. Mabilis siyang tumungo sa pinaglulugarang silid ng mga ito. Nakita niya na nasa lapag si Andrea at mukhang nahulog sa higaan kaya umiyak. "Ayang, 'wag ka na umiyak, nandito na si Ate Isang oh'," pag-aalo nito at dahan-dahan iniangat ang kapatid para itabi sa natutulog na si Althea. "Ate, 'wag ka aalis ah, k-kasi mahal kita" napangiti ang dalaga sa sinambit ng kanyang kapatid. Palagi na lang kasi ito sinasabi sa kanya ni Andrea na 'wag siya aalis pero 'di naman talaga siya aalis. Hindi nga niya alam kung bakit iyon sinasabi ng kapatid. "Haha! Ayang naman! Bakit naman aalis si Ate? E' mahal na mahal ko kayo!" cheer up niyang sinabi at niyakap ang kapatid "Kahit pa na mahirap tayo, Ayang, at may sakit kayo ni Ayeng, hinding-hindi kayo iiwanan ni Ate Isang! Aalagaan ko kayo... kasi? MAHAL NA MAHAL ko kayo " pagkasabi nito ay hinalikan niya sa noo ang kapatid pati na ang natutulog na si Althea. "Lagi mong tatandaan Ayang, lilipas man ang panahon ngunit ang pagmamahal at kaligayahan ng ating pamilya ay 'di magbabago"

***

Bambie wp (J.Grado)

PLEASE! VOTE and COMMENT

Liwanag ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon