***
Lumipas ang limang limang buwan na puro bahay,aral lamang ang ginagawa ni Alyssa. Magbantay ng kapatid. Maglinis ng bahay at tumulong paminsan-minsan sa paglalako ng mga binebenta ng kanyang Ina. Ganoon din ang mga ginagawa ng kanyang mga magulang, ang kumita para sa makakain nila sa araw-araw.
"Nay, malapit na po ang aking graduation, gusto ko po sana ay kayong dalawa ni Itay ang tumanggap ng aking medalya bilang Valedictorian"
"Anak, a-ano ulit? Valedictorian?"
"Haha! Opo, Nay!"
"Ikaw ang nangunguna sa buong eskwelahan, anak?"
"Opo!"
Sa sobrang saya ni Amanda ay 'di niya napigilang maging emosyonal. Alam niyang matalino ang kanyang anak, pero 'di niya aakalain na ito ang mangunguna sa buong eskwelahan nila. Hindi kasi ito palakwento sa kanila patungkol sa pag-aaral, alam lang nila na pumapasok ito at nagsisipag. "Napakasaya ko anak, hindi man tayo mayaman sap era o kahit ano mang bagay... masasabi kong mayaman tayo sa pagpupursige para maabot ang mga pangarap sa buhay... Proud na proud ako sa'yo anak, Salamat!" niyakap niya si Alyssa at doon humagulgol ng iyak. Nakita naman sila ni Leonardo na kagagaling lang sa trabaho sa talyer. Narinig niya ang lahat ng pinag-usapan ng mag-ina kaya napangiti siya. "Pwede bang sumali sa yakapan na 'yan?" napatawa na lang ang mag-ina at sabay na nagtawanan.
***
Umalis si Amanda para maglaba sa pamilyang kanyang pinagtatrabahuhan. Kailangan niya kasi kumita ng malaki para sa anak na magtatapos sa susunod na araw. Magkaroon ng konting salo-salo o handaan para sa valedictorian niyang anak.
"Maam, pasensya po, 'di po ako nakapaglaba noong isang araw... pero, nandito na po ako para ipagpatuloy ang trabaho nawa'y sana 'di po ninyo ako pagalitan at tanggalin... kailangan ko po kasi kumita ngayon para sa susunod na araw.."
"Ano ba 'yun Amanda?"
"Graduation po kasi ng panganay kong anak, Maam, at siya ay magtatapos ng valedictorian"
"Wow! Ang talino pala ng anak mo, Amanda... ano daw ba kukunin niya pagdating niya ng kolehiyo?"
"Sa kasamaang palad mo Maam... mukhang 'di po matutuloy ang pagtungtong ni Alyssa sa kolehiyo, sa kadahilanang wala po kaming pambayad lalo na at may binibili pa po kaming gamot para sa kambal"
Napatango na lamang ang Amo ni Amanda. Tila may malalim na iniisip. Maya-maya ay "Gusto kong makausap ang anak mo pagkatapos ng kanyang graduation..." nagtataka man ay napatango na lamang si Amanda at tumuloy sa paglalabada.
***
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang pagtatapos ng kanilang mga anak sa sekondarya. Maaga pa lang ay nakagayak na nag pamilyang Salvador, ayaw kasi nila mahuli lalo na at paparangalan ang kanilang anak.
Mula sa pagrarampa ng mga estudyante patungo sa kanilang mga naka-assigned na upuan ay kasama nila maglakad ang kanilang mga magulang para ihatid sila sa mga upuan nito. Nasa may bandang harapan si Alyssa kasama si Edward na Salutatorian ng paaralan. Mabilis lang naging takbo ng seremonyas ng graduation at ngayon ay magsasalita na ang Valedictorian na si Alyssa.
Siya lang ang namumukod tanging nakatayo sa harapan at ang lahat ay nakatuon sa kanya upang making sa anumang mga sasabihin niya. "Una sa lahat, Magandang Araw po sa inyo mga kamag-aral at mga magulang na naririto. Napakalaking oportunidad po para sa'kin ang makapagtapos ng may ganitong karangalan at ito ay inihahandog ko sa aking pamilya na naririto at walang sawang sumusuporta sa'kin. Para sa lahat ng estudyante na naririto na katulad ko na magtatapos sa sekondarya, tayo ay magpasalamat sa ating mga magulang dahil kung 'di dahil sa kanila 'di natin magagawa ang lahat ng ito. Lalo na sa Panginoong Diyos, magpasalamat tayo sa kanya dahil ginabayan niya tayo patungo sa tamang landas na ating patutunguhan sa buhay. Tayo ay matutong manalig at magtiwala sa kanya na lqgi siyang nandiyan sa ating tabi at hayaan nating papasukin siya sa ating puso. Mga kamag-aral, tayo din ay maniwala sa ating mga kakayahan, tayo'y maging pursigido para maabot ang mga pinapangarap natin sa buhay, 'wag din tayo mawawalan ng pag-asa. Basta't malinis ang ating puso tayo ay pagkakalooban ng malinis na pamumuhay" napuno ng iyakan, palakpakan ang buong quadrangle na pinaggaganapan ng graduation day. Kinamayan ng principal at mga teachers si Alyssa bilang pagbibigay suporta at pagbibigay bati sa kanilang Valedictorian. Pagkatapos nito ay sabay-sabay na nagkantahan ang mga estudyante ng kanilang graduation song.
***
Puno ng tawanan ang bahay-kubo ng pamilyang Salvador. Pinagsasaluhan nila ang pagkain na kanilang hinanda para sa araw na ito. Dalawang kilong pansit, bibingka at tinapay ang kanilang pinagsasaluhan ngayon. Kahit kakaunti lamang ay makikita pa din ang kasiyahan ng pamilya.
"Amanda?"
Napatigil sa tawanan ang mag-anak at napatingin sa kanilang pintuan. Narinig kasi nila na may tumatawag kay Amanda. "Ako na ho ang magbubukas ng pinto, Nay, Kain na ho kayo" tumayo si Alyssa para buksan ang pinto at salubungin ang taong tumatawag sa kanyang Ina. Napangiti siya sa taong nakita niya, ang Amo ng kanyang Ina sa pinagtatrabahuhan nito, si Mrs. Dizon.
"Tuloy ho kayo, Maam"
"Salamat, Alyssa at congratulations nga pala sa'yo"
"Ay! Maam! Nako, upo ho kayo "
"Hindi na ko magtatagal pa, Amanda.. nandito lang ako para mang-alok sa'yong anak na si Alyssa"
"Po? Para saan po?"
Napangiti si Mrs. Dizon at sabing "Tutulungan kitang maabot ang pangarap mo, Alyssa. Matalino kang bata at masipag. Alam kong 'di ako mabibigo sa pagtulong sa'yo, tatanggapin mo ba?" napalaki ng mata si Alyssa, 'di siya makapaniwala. Makakapagkolehiyo siya. "Opo! Tinatanggap ko po Maam! Di po kayo mabibigo sa'kin, mag-aaral po akong mabuti... para sa pamilya ko"
***
Bambie wp (J.Grado)
PLEASE! VOTE and COMMENT

BINABASA MO ANG
Liwanag ng Puso
Short StoryIsang pamilya na kapos man sa kayamanan ngunit puno naman ng pagmamahalan sa bawat isa. Hindi hadlang ang kahirapan ng buhay para ikaw ay maging malungkot, maduwag o huminto sa iyong ninananis sa buhay. Patuloy lang ang agos ng buhay basta't iyong s...