WAKAS

14 0 0
                                    




***



After 5 years...




"Maam, this way po"



"Thank you..."



Sa limang taon na lumipas maraming pwedeng magbago. Maraming pagbabago at walang pinagbago. Sa nakalipas na taon ay marami ang nagawa at 'di nagawa. Pero, sa nakalipas na limang taon, ang dalagang si Alyssa ay isa sa mga taong nabago ang pamumuhay. Isa na siyang ganap na journalism o manunulat sa pahayagan, kinilala siyang Most Outstanding Writer in Asia at nanalo sa Golden Dove awardees ng kanyang sinulat na Liwanag ng Puso na kung saan ay ipinapalabas na ngayon sa ibang bansa.


Kinuha siya ng pamilyang Dizon patungo sa US para doon mag-aral at manirahan ng limang taon. Doon, wala naman siya pinoblema dahil mababait naman ang mag-anak at tinuring siyang isang pamilya na rin. Namimiss man ang totoong pamilya ay tiniis niya ang limang taon na mawalay rito para lamang mabigyan ang mga ito ng magandang buhay.


Kakababa niya pa lang ng eroplano galing pa sa New York na dinaluhan niyang awardee night, ay tumungo na agad siya rito sa Pilipinas para makasama at makita na muli ang kanyang pamilya.



***


Sa bahay ng mga Salvador....



"Nay, namimiss ko na po si Ate Isang, gusto ko na ho siyang makita at mayakap. Nasasabik na ko Nay, sa Tv pa nga lang na nakikita ko siya, naiiyak na 'ko e' sana bumalik na si Ate Isang"


"Hayaan mo Andrea, natitiyak kong magkikita rin kayo ng Ate mo"


"Sana nga Nay, Diba kambal?" napatango naman si Althea dahil 'di pa din siya nakakapagsalita.


Sa nakalipas na limang taon ay maraming nagbago sa pamilyang Salvador. Kahit pa na nasa ibang bansa na si Alyssa at pinapadalhan sila nito ng pera at ng kung ano-ano pa mang bagay, 'di sila nagpapatinag na ipaasa lang ang lahat kay Alyssa bagkus ay kumukilos pa rin sila para may pandagdag kita sa pamilya. Nag-aaral ang kambal sa isang Special School na para lamang sa mga may diperensya o may kapansanan na katulad nila Andrea at Althea.


"Sana... dumating na talaga ang Anak natin, Leo" sambit ni Amanda at napayakap sa asawa. Hindi nila alam na kanina pa sila pinapanuod at pinapakinggan ni Alyssa, nagtatago lamang sa isang gilid ng pinto na nakangiti.


"Nnadito na ho ako Nay, Tay at kambal" napabitaw naman sa yakap si Amanda sa yakap ng asawa at dali-daling lumingon sa kanilang likuran nakung saan ay naroon ang taong gusto nilang makita, wlang iba kundi si Alyssa. "ANAK!"


"Ate!" napatakbo sila papunta kay Alyssa at dinambanan ng napakahigpit na yakap. Natuloy naman ang namumuong yakap na labis na pinipigilan ni Alyssa ng makita muli ang kanyang pamilya na labis niyang tiniis na 'di makita sa loob ng limang taon. "Nandito ka na ba talaga, Isang anak? Hindi ba 'ko nanaginip?"


"Hahaha si Inay naman! Opo nandito na 'ko! Nakayakap nga kayo sa'kin e hahaha"


"Huhuhu ikaw nga talaga anak! Ang laki ng pinagbago ng mukha mo, lalo kang gumanda anak!"


"Oo nga Ate! Ang kinis mo at ang puti!"


"Hahaha. Ikaw naman ang laki mo na Ayang at Ayeng!"


"Hehehe opo, Ate!"


"Hindi ka na ba aalis, Anak"


Napangiti si Alyssa sa pamilya niya. "Hindi na ho Nay, umalis ako para tupadin ang pinapangarap ko at nandito ako para bumalik sa mga taong naging inspirasyon ko sa mga pangarap ko sa buhay. Hinding-hindi na ako aalis sa piling niyo, dahil nandito lang naman ang tanging kaligayahan ko sa buhay. Ang nagturo sa'kin na maging maliwanag ang aking puso para sa lahat ng bagay... " pagkatapos nito ay niyakap niya ang pamilya at pinagsaluhan nila ang araw na matagal nilang pinangarap na makamtan na magkakasama at mabuo muli.


"Ehem! Alyssa Welcome back?" napabitaw sila sa yakapan ng bawat isa at nilingon ang dumating. Napangiti si Alyssa ng makilala ang lalaking iyon kahit pa na marami pa itong pagbabago, nakikilala niya ang taong 'yon, isa sa mga lalaking naging parte na ng buhay niya, si Edward na isa ng ganap na Civil Engineer. "Halika, Iho... nandito na si Isang at dito ka na din kumain"


"Ate palagi ka niyan hinahanap at tinatanong kung kailan ka uuwi"


"Hahaha"



***


Bambie wp (J.Grado)

PLEASE! VOTE and COMMENT

A/N: katulad po ng sinabi ko :) this is a short story :) nawa'y nagustuhan niyo po. At! aayusin ko po para may chapter one. Pasensya talaga dahil nabura ko. Don't worry gagawan ko ng paraan. Salamat!

Liwanag ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon