***
Alas singko na ng hapon ng mapagpasyahan ni Alyssa na tumungo sa kabilang baryo. Mabuti na rin naman na iwanan niya ang kambal dahil dumating na rin ang kanyang mga magulang mula sa kanilang trabaho maghapon. Nagsuot siya ng isang simpleng bestida na minsan niya lang maisuot sa buong buhay niya. Ito lang kasi ang damit na matino niyang maisusuot para sa dadaluhan niyang pagsasalo.
" Inay, Itay, may pupuntahan lamang po ako, babalik din po ako kaagad"
"Saan ka ba pupunta anak?"
"Ah.. diyan lang po sa aking kaklase, pangako ho' babalik din ako kaagad"
"Sige anak, basta't 'wag ka lang papagabi masyado ah? Mag-iingat ka"
"Opo, Salamat po Itay, Inay" pagkatapos ay hinalikan niya ang kambal at niyakap ang mga magulang. Labag man sa loob niya ang magsinungaling na kung saan talaga siya pupunta ay nagawa niya. Wala na kasi siya iba maisip pa na dahilan para lamang mapayagan siyang pumunta sa kabilang baryo, ang baryong paggaganapan ng singing contest. Bago pa kasi umalis kanina si Edward ay inalukan siya nito na sumali sa isang pagtatagisan ng galing sa pag-awit. Noong una ay ayaw niya pumayag dahil ang alam niya ay 'di siya ganoong kagaling sa pagdating ng pag-awit. Pero, pinilit siya ng kaklase dahil saying naman daw ang kanyang boses kung hindi ilalabas.
***
"Akala ko 'di ka na darating Isang, malapit na kasi magsimula ang contest, nilista na kaya kita at ikaw ang pang-una"
"Waaaah! Ed naman! Bakit ako ang una?! Alam mo namang 'di pa 'ko ready huhuhu"
"Huwag ka mag-alala, nandito naman ako e' 'di kita iiwanan"
"Talaga?"
"O-oo naman!" sabi ni Edward at napaiwas na lamang ng tingin. "Salamat" nagulat si Edward sa inakto ni Alyssa, niyakap kasi siya nito. "W-welcome"
Ilang oras na lang ay mag-uumpisa na ang gaganaping contest. Naupo sa harapan sina Edward at Alyssa at ang iba ay nasa likudan nila na tila ay kabado rin. Kinakabahan si Alyssa dahil ito ang unang beses niya sa pagsali sa singing contest kumpara sa mga quiz bee na madalas niyang salihan. "Magandang Gabi sa lahat ng narito, ating tunghayan ang mga kandidato sa husay nila sa larangan ng pag-awit, ating bigyan ng pansin ang kanilang talento at kahangaan. Pero, bago ang lahat ipapakilala ko muna ang hahatol sa kanila. Ang apat na karespe-respetong tao na mula sa ating bayan, si Kapitan Crisostomo Tagulog, si Congressman Pierre Salut, si Councilor Wanda Andrade at ang ating panauhin mula pa sa Maynila, isang composer na si Ginoong Quiro Devans. Magsipalakpakan po tayong lahat!- at ngayon ang ating unang kalahok ay si Miss Alyssa Coreen Salvador!"
Tinawag na ang pangalan ni Alyssa. Napatingin siya sa katabing si Edward na nakangiti sa kanya. "Kaya mo 'yan, magtiwala ka lang" sambit ng binata at tinapik ang balikat ni Alyssa. Napahinga siya ng malalim para mabawasan ang kabang iniinda niya. Tumuntong na siya sa mini stage at buong tapang na humarap sa buong madla. Inumpisahan niya na ang pagkanta. Ang kantang Patuloy ang Pangarap.
***
"Okay lang 'yan Isang, alam ko naman na magaling ka! Kita mo dami pumalakpak sa'yo, atsaka maraming humahanga sa'yo, nagtataka nga 'yung iba kung bakit 'di ikaw ang nanalo e!" kakatapos lang ng paligsahan at pauwi na ang dalawa pabalik sa kanilang baryo. Oo, hindi nanalo si Alyssa. Marami rin ang nagtaka kung bakit ganoon ang naging desisyon ng mga hurado. May mga napa-standing ovation pa nga dahil sa birit na pinakawalan niya kanina. "Haha! Okay lang no! siguro talaga mas deserving naman Manalo nung isa... siguro 'di talaga aayon sa'kin ang tadhana na Manalo sa mga ganitong patimpalak, mag-aaral na lang ako"
"Isang! Anak!"
"Ate Isang!"
Napalingon sina Alyssa at Edward sa pamliyar na boses na kanilang narinig. Nagulat pa nga si Alyssa dahil ang mga tumawag sa kanya ay ang kanyang pamilya. "Nay,Tay, kambal...." Mahinang bulong nito at tuluyan nang nakalapit sa kanya ang apat.
"Anak-
"Nay, Tay, patawad po.... Nagsinungaling ako" nakayukong sambit ni Alyssa at may namumuong luha sa kanyang mga mata. Niyakap naman siya ng kanyang Ina sabay sabing "Okay lang 'yun, anak. Bago ka pa pumunta dito ay nalaman na namin ang dadaluhan mo. Sinabi na sa'min ni Edward ang lahat... "
"Ang galing ni Ate!" sambit ni Andrea at nagpabuhat sa kanyang Ate Alyssa. "Ang galing mo, anak. Kahit 'di ikaw ang nanalo, mananatiling ikaw ang champion ng ating pamilya"
"Salamat po Inay, Itay, kambal at Edward...."
"At least! Ikaw ang First runner up!"
"Oo nga, anak!"
***
Bambie wp (J.Grado)
PLEASE! VOTE and COMMENT

BINABASA MO ANG
Liwanag ng Puso
CerpenIsang pamilya na kapos man sa kayamanan ngunit puno naman ng pagmamahalan sa bawat isa. Hindi hadlang ang kahirapan ng buhay para ikaw ay maging malungkot, maduwag o huminto sa iyong ninananis sa buhay. Patuloy lang ang agos ng buhay basta't iyong s...