Chapter 1

18 1 0
                                    




***



"Inay! Itay! Kambal! Nandito na po ako!" bungad ni Alyysa pagkagaling niya sa eskwelhan. Medyo ginabi din siya ng uwi dahil sa pagloloko ng bangkang kanilang pinangsasakyan pangtawid sa kabilang ilog. "Oh, anak ginabi ka ng uwi, nag-alala kami sa'yo" sambit ng Ama ni Alyssa, si Leonardo na karga-karga si Andrea. Nagmano naman si Alyssa sa kanyang Ama at hinalikan sa pisngi ang kapatid na si Andrea. "Pasensya po, nasiraan po kasi ang bangkang sinakyan namin kanina kaya po natagalan dahil inayos pa po Itay"

"Haha ayos lang anak! Ang mahalaga ay nakauwi ka rito ng ligtas at walang galos"

"Hmm salamat Itay- ay teka po, nasaan po sina Inay at Althea?"

"Nasa kusina, anak"

Mula sa kusina ay lumabas si Amanda karga ang anak na si Althea.

"Oh! Anak! Nandito ka na pala! Halina kayo at maghapunan"

Katulad ng dati at ng kinagawian ay nagsalo-salo ang mag-anak ng masaya at puno ng pagmamahal. Napuno ng tawanan ang kanilang gabi at nakatulog ng may ngiti sa kanilang labi. Ilang sagli pa, bumagon sa pagkakahiga si Alyssa, tinitigan niya ang mga katabing kapatid na magkayakap. Napangiti siya dahil kahit na may diperensiya ang mga ito ay naiintindihan ang kanilang sitwasyon. Napalingon naman si Alyssa sa katabing kurtina na kanilang pinaghihigaang magkakapatid, ang kurtina na humaharang sa hinihigaan ng kanilang mga magulang. Binuksan niya iyon at napangiti muli ng makitang magkahawak kamay na natutulog ang kanyang magulang. Matagal niyang tinitigan ang mga ito ng may halong kilig. Naiisip niya sana ganito ang kahihinatnan ng pag-ibig niya- pero, napailing siya sa naisip sabay sabing "Aral muna, bago landi" pagkatapos nito ay tumungo na siya sa imahe na kanyang iginagalang na katabi nito ang birhen. Lumuhod siya sa tapat nito, ipinagdikit ang kanyang mga palad na may hawak na rosary at pumikit. Nakangiting binibigkas ang mga salitang kanyang sinasambit sa harap ng Poong Maykapal.

"Una po sa lahat, ako po ay nagpapasalamat sa araw-araw na inyong paggabay at pagsuporta sa bawat isa sa aming miyembro ng pamilya. Nagpapasalamat po ako kahit na marami pong pagsubok na dumating 'di niyo po kami pinapapabayaan. Nagpapasalamat din ako na sila ang pamilyang ipinagkaloob niyo po sa'kin. Nawa'y gabayan niyo pa po kami sa lahat ng unos ng aming buhay, gabayan niyo pa po kami sa mga paparating na pagsubok na aming kakaharapin. Naniniwala po ako na ito ay aming malalagpasan dahil alam ko pong 'di niyo po kami pababayaan. At alam ko din po na nandiyan lang po kayo sa aming tabi na aalalayan kami sa tamang landas ng aming buhay. Panginoon, ako po ay humihingi ng tulong na sana ay magawa ko po ang dapat kong magawa para sa aking pamilya, ang mabigyan sila ng magandang kinabukasan at masuklian ang magandang pagpapalaki sa amin ng aking mga magulang. Mag-aaral po ako ng mabuti para po sa kanila, para po sa aking pamilya... ang mahalaga ay maiahon ko po sila sa kahirapan at balang araw ay matutupad ko 'yan.. pangako po" pagkatapos nito ay nag sign of the cross na ang dalaga at tumabi na sa kambal niyang kapatid.

***

Sabado ng umaga. Tirik na tirik na ang araw. Ang pamilyang Salvador ay naghahanda na sa kaniya-kanyang gagawin sa araw na ito. Ang kambal ay naglalaro lamang ng luma nilang manika na napulot lang din ng kanilang Ate Alyssa, ang mag-asawa na sina Amanda at Leonardo ay maagang umalis para magbanat-buto para sa kakainin nila sa araw na ito.

Si Alyssa ang naiwan para sa gawaing bahay at sa pagbabantay ng kanyang kapatid. Wala naman problema sa kanya iyon dahil responsibilidad niya mga 'yon bilang nakakatandang kapatid at tulong na din sa magulang. Sa ngayon ay naglalaba siya ng mga pinagdamitan nila ng mag-anak sa labas ng kanilang pintuan para masilayan din niya ang kambal na naglalaro malapit sa kanya. Habang nagkukuskos ng mga damit ay kumakanta si Alyssa. Tila damang-dama niya ang kanyang pagkanta. Ang naisin na maabot ang kanyang pangarap sa buhay. Ang maiahon sa kahirapan ang pamilya.

*Patuloy ang Pangarap by Angeline Quinto*

'Di pa rin makapaniwala Sa lahat ng nangyayari
Pangarap parang kailan lang Sa panaginip ko'y nakita
Ngayon ay dumating ng bigla sa aking buhay
Di naubusan ng pagasa ako'y nanalig sa..

Isang Pangarap, ako'y naniniwala
Ako ay lilipad at ang lahat makakakita
Sa isang pangarap ako'y naniniwala
Hindi ako titigil hangga't aking makakaya
Unti-unting mararating, tagumpay ko'y makikita
Patuloy ang pangarap

Sabi nga nila. Mas maganda na 'yung nangangarap kaysa wala. At least ang pinapangarap mo ay may posibilidad na matupad at maging inspirasyon sa kanyang buhay kumpara naman sa wala ka ng pinapangarap, wala ka pang posibilidad na maging matagumpay.

'Di pa makapaniwala sa aking nakikita
Lahat ng panalangin ko, ngayon may kasagutan
Lahat ng pinagdaanan at pinaghirapan
Nagbigay ng kalakasan upang marating ang..

Isang Pangarap, ako'y naniniwala
Ako ay lilipad at ang lahat makakakita
Sa isang pangarap ako'y naniniwala
Hindi ako titigil hangga't aking makakaya
Unti-unting mararating, tagumpay ko'y makikita
Patuloy ang pangarap

Ramdam ng dalaga ang kanta. Tila ay bumabagay iyon sa kanya ang Patuloy ang Pangarap na 'wag hihinto mangarap hangga't may pagkakataon ka pa sa mundong ito, na gawin ang lahat ng gusto mo sa buhay. Madalas, nahihirapan tayo sa mga bagay-bagay o pangyayari na dumarating. Mapapaisip na nga lang tayo kung bakit? Bakit ang daming pagsubok sa buhay? Bakit parang 'di man lang nauubos? Kailan ba 'to matatapos? Iyan ang madalas natin maitanong sa sarili lalo na sa Panginoon, pero, sa kabilang banda, ang lahat ng ito ay mga hakbang lamang para mas lalo ka pa maging metatag sa iyong buhay. Basta't magtiwala ka lamang sa iyong sarili at sa Panginoong Diyos.

"Magaling ka pala kumanta, Isang"

Napawala sa balanse si Alyssa sa kanyang kinauupuang bangko dahil sa gulat. Napatingin siya sa boses lalaking kinagulatan niya mula sa kanyang likuran. Nasilayan niya ang kaklase niyang si Edward, ang lalaking nagpahayag kahapon patungkol sa Love of a Family na kanilang tinalakay, na kanyang dinugtungan. "Hehe, Hindi naman ganoon kagaling Ed, marunong lang?" napangiti na lamang si Edward at patuloy na lumapit sa kinauupuan ni Alyssa. Napatitig na lamang si Alyssa sa kaharap niyang binata na ngayon ay pinaglalaruan ang bula ng kanyang nilalabhan. "Alam mo Isang, katulad ng bulang ito... ang mga taong marunong mangarap at patuloy na nangangarap, kahit ano pa man ang ibigay na pagsubok sa kanila 'di sila papatinag. Kapag pumutok ang bula at nawala ng ito'y ihipan may panibago na namang bula na nagsisilbing tagasalo at ipagpatuloy ang nasimulan na pangarap... katulad mo, 'wag ka papadaig sa hirap ng buhay, patuloy lang ang pangarap basta't manalig ka lang sa itaas" tinugunan ng dalaga si Edward ng pagngiti. Tama ito. Patuloy lang ang pangarap.

***

Bambie wp (J.Grado)
PLEASE! VOTE and COMMENT

A/N: Edit ko na lang po ito ulet. Nabura si Chapter one ko po. Uulitin ko lang. Pero, Kahit wala naman na si Chapter one, wala po pagbabago ng istorya. Pero, gagawin ko pa din para mas maganda.

d siSP

Liwanag ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon