CHAPTER 1

791 13 0
                                    

"Felise! Ayos ka lang ba?!"

Tila bumalik ako sa aking sarili nang marinig ko ang boses ni Jasmine.

Napatingin ako sa kamay ko at nakitang namumula na ito. Ang sahig na kinatatayuan ko ay nagkakalat ang kape at basag na baso.

Tumango ako kay Jasmine at akmang yuyuko na sana para pulitin ang mga malalaking basag ng baso. Pero bigla akong napatigil, dahil sa pagsingit ng lalaking...kinamumuhian ko.

"What the fuck do you think you are doing?"

Napatingin ako sa dalawang pares ng kulay kayumanggi na mga mata na malalim at malamig na nakatitig saakin.

"Oo nga naman, Felise! Wait kalang d'yan, kukuha ako ng walis at dustpan!" Naiinis at mabilis na sabi ni Jasmine at kaagad ding umalis.

Hindi pwede! Hindi ako pwedeng maiwan sa gagong to no!

Susunod na sana ako kay Jasmine at lalagpasan na s'ya. Nang bigla n'yang hinablot ang namumula kong kamay.

"A-h..." Igik ko. Naramdaman kong agad na naging marahan ang paghawak n'ya sa kamay ko. Pero sino ba s'ya para hawakan ako?!

"Ano ba?! Bitawin mo nga ako! Ano bang ginagawa mo rito at sino ba ang nagsabi sa'yo na pwede mo akong hawakan?!" Sigaw ko at saka malakas na binawi ang kamay ko at buong pandidiri at galit s'yang tinignan.

"You burnt your hand," Malamig n'yang sabi at akmang kukunin sana ulit ang kamay ko. Pero agad ko s'yang sinamaan ng tingin.

"Ano bang pakealam mo?!" Sigaw ko ulit. Wala na akong pake kung matanggal man ako sa kompanyang 'to no!

Mas mabuti pang mawalan ako ng trabaho, kesa maging boss ko s'ya at makita araw araw sa kompanyang 'to! Makakahanap pa naman ako ng iba.

"Damn."

Napatingin ako sa kanya at napataas ang kilay sa nakita

Nakahawak lang naman s'ya sa tungki ng ilong n'ya at marahan na minasahe ito. Mariin din na nakapikit ang mga mata n'ya.

Galit s'ya. Iyan ang lagi n'yang ginagawa pag nagagalit, naiinis, at stress sy'a. Pero ngayon ay halata ang galit sa expresyon n'ya at wala akong pakealam do'n!

"Felise."

Tila nanindig ang balahibo ko at kusang nanginig ang katawan ko, kasabay nang malakas na pagtibok ng puso ko. Sobrang tagal na mula nang marinig ko ang pagsambit n'ya sa pangalan ko.

Iba't ibang emosyon ang sumikdo sa puso ko. Pero naninindig ang galit at pait doon.

Akmang bubulyawan ko na sana s'ya. Pero bigla niya akong nilampasan at pumunta sa mini ref na nasa likod ko.

Napalingon ako sakanya at napakunot ang noo na pinagmamasdan s'ya. Nakita kong kinuha niya ang isang ice at dinurog ito sa dalawa at kusang lumaki ang mga mata ko. Dahil mabilis n'yang tinaggal ang business coat n'ya at binalot dito ang ice. Ice na kinuha n'ya sa mini ref.

"Your burn might be worse," Mahinang sabi n'ya.

Humarap siya sa akin at marahan na kinuha ang kaliwang napaso kong kamay. May pag-iingat niyang pinatong ang business coat n'yang may ice.

Tila naumid ang dila ko at hindi makagalaw ang katawan ko. Dinadamam-dam ko lang ang marahan n'yang pagdidikit ng ice sa napaso kong kamay. Nakatingin lang s'ya sa kamay ko habang ginagawa iyon at samantalang ako naman ay tinignan ang kabubuan n'ya. Maraming nagbago. Ang malambot n'yang expresyon ay nawala at mas naging mas matikas at matigas din ang kanyang mukha.

Habang tinitignan ang lahat na nagbago sa kan'ya. Bigla s'yang nag-angat ng tingin, dahilan upang mahuli n'ya akong nakatitig sa kan'ya. Hindi ko alam kung namamalik mata ba ako. Dahil nakita ko ulit na lumambot ang malalim at kulay kayumanggi n'yang mga mata, na palagi kong sinasabing paborito ko sa kanya.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now