CHAPTER 4

543 7 0
                                    

Nandito kami ngayon sa bukid. Dahil pagkatapos ng nangyari no'ng araw na iyon, ay agad akong umiyak kina Mama at Papa. Ang sabi ko pa sa kanila ay gusto kong lumayo layo muna. Pero ang sabi nila sa akin, ay sasama raw sila.

Sinundan ako sa bahay ni Calvin no'ng araw na iyon. Pero hindi siya pinapasok at binubugbog ni Papa. Para sa akin, ay napaka sariwa pa rin ng mga nangyari nang araw na iyon. Gabi-gabi akong pa sikretong umiiyak sa kwarto ko.

"Nak, halika na at kumain na tayo."

Tumingin ako sa pintuan at nakitang nandoon si Mama. Nagtatahi ako sa kwarto ko ngayon, dahil ito na ang ginawa kong pampalipas oras sa nagdaan na isang buwan na paninirahan namin sa mapayapang bukid na ito.

Tumango ako at tumigil sa pagtatahi.

Tumayo na ako at saka sumabay sa paglalakad sa kan'ya.

Napatigil ako nang magsalita siya.

"Ayos ka lang na talaga, Felise?" Malumanay niyang tanong.

Bumuntong hininga ako at kinagat ang labi ko nang maramdaman ko na naman ang sakit sa damdamin ko.

"Hindi pa...magiging ayos din naman po ako, Ma," sagot ko sa mababang tono. Ramdam ko ang bigat ng pagbuntong hininga n'ya.

"Aba'y sana, Felise. Miss na miss ko na, ang makulit kong anak." Naramdaman kong maiiyak na naman ako sa sinabi ni mama. Simula kasi no'ng araw na iyon, ay naging mas matahimikin na ako at iwas sa mga nakapaligid sa akin.

"Ma," Malungkot at naiiyak kong sambit.

Napabuntong hininga siyang muli ng malalim. Humarap siya akin at may malungkot na ngiti ito sa labi.

Napapikit ako, nang maramdamang idinampi niya ang palad niya sa pisngi ko.

"Nandito lang ako, Felise. Nandito lang si Mama, ha? Makakaya mo rin iyan, anak ko..." Malambing at nakamgiti niyang hinaplos ang pisngi ko, ngunit malungkot ang mga matang niyang nakatingin sa akin.

Nasasaktan ako...pero mas nasasaktan ako dahil nadadamay ko na sila.

Nang makarating sa kusina, napangiti ako sa mga nakahain. Lahat ay mga paborito kong pagkain, inumin, at prutas.

Pero agad ding napakunot ang noo ko. Humarap agad ako kay Mama, gamit ang nagtatakang mga mata.

"Mahal po ang bilihin ngayon. Sa'n po kayo kumuha ng pambili, Ma?" Nakakunot noo kong tanong.

"Ano kaba, Felise! Nasa bukid tayo at maraming pananim, saka binigay lang iyang mga karne at isda ng kapitbahay natin!" Saad niya at inirapan ako.

Napatango ako. Ganito nga pala kami 'pag nasa bukid. Palagi kaming nagtutulungan at nagbibigayan dito. At dito na rin ako lumaki, pero lumuwas lang kami sa maynila dahil sa pag-aaral ko.

"Tikman mo ang sinigang na 'to! Ay nako! Napakasarap ng isdang iyan!" Sigaw niya at saka kumuha ng kutsara at sinigang sa mesa.

"Hindi ba dapat po, ay hintayin natin si Papa?" Tanong ko ng nakakunot noo.

Umiling naman siya, pero nakangiti pa rin inaabot sa akin ang sinigang, kaya binuka ko nalang ang bibig ko.

"Mamaya pa 'yon uuwi si Pap– Felise!"

Pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko nang malasahan ang sinigang sa bibig ko. Dali dali akong tumakbo sa lababo at do'n sumuka.

Ramdam ko ang paghaplos ni Mama sa likod ko, habang paulit ulit akong sumusuka sa lalabo. Ang mga mata ko ay naluluha na, pero naduduwal pa rin ako.

Nang matapos ay agad kong binuksan ang gripo at nagmugmog do'n.

"Kailan pa?" Biglang tanong ni mama.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now