CHAPTER 16

485 12 1
                                    


"Kinakabahan ka?" Mahina kong tanong. Sinusulyapan ko siya, habang mahigpit ang hawak niya sa paper bag ng jollibee. Binili niya ito para kay Sabrina.

Kitang kita ko kung paano mas humigpit ang hawak niya roon at tumingin siya sa akin, gamit ang nahihirapan at kinakabahang mga mata.

"Galit sa akin ang anak natin, Felise." Napatawa siya ng mapakla saka umiiling iling na tinitignan ako. "Babawi ako," mahina niyang bulong at kinuha ang kamay kong nakahawak sa door knob.

Napatingin lang ako sa kan'ya.

"Ramdam na ramdam ko kung gaano ang galit ni Sabrina sa ama niya, sa akin, Felise." Dahan dahan niyang iniligay sa labi niya ang kamay ko at mahina itong hinahalikan. "Titiisin ko ang galit ng anak natin. Hinding hindi ako susuko," mahina niyang saad, habang hinahalikan ang kamay ko. "Susuyuin ko siya, susuyuin ko kayo."

Napaiwas ako ng tingin at hinayaan lang siyang halikan ang kamay ko.

"Bakit hindi ka nagalit? Tinago ko sa'yo si Sabrina, Calvin. Tinago ko siya." Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

Buong akala ko magagalit siya sa akin. Kasi tinago ko si Sabrina, eh. Kahit alam kong may karapatan siya bilang ama ni Sabrina. Tapos nagsinungaling pa ako na hindi siya ang ama.

Napamulat ako nang maramdaman ko ang masuyong paghila sa akin at agad na naamoy ang pamilyar niyang pabango. Damang dama ko ang higpit ng yakap niya sa katawan ko.

"Calvin..." Mahinang sambit ko.

Pero naramdaman ko lang ang paghalik niya sa noo ko at ang marahang paghaplos sa buhok ko.

"Bago mo 'ko iniwan, alam mo na bang buntis ka?" Tanong niya.

Napakurap ako sa tanong niya. Patuloy lang siya sa paghaplos ng buhok ko. Parang ang kaunting paghaplos niya...ang nagpapakalma sa akin.

Mahina akong napabuntong hininga at binaon ang mukha ko sa dibdib niya.

"H-indi. Nalaman ko na lang noong nasa bukid kami," sagot ko.

Napatigil siya sa paghaplos ng buhok ko at ramdam ko ang paghipit ng yakap niya.

"Pinagalitan ka? Nagalit sa'yo sila Tito? Kumusta ka? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Sunod sunod na tanong niya.

Sobrang hina ng boses niya, kabaliktaran sa mahigpit na yakap at nanginginig niyang mga kamay.

Napapikit na lang ako at yumakap sa kan'ya pabalik. Ipinikit ko ang mga mata ko at inamoy ang pabango niya.

"Bakit ba 'yan ang mga tinatanong mo? Hindi ba't dapat magalit ka kasi itinago ko sa'yo si Sabrina?" Mahinang bulong ko, habang nakabaon sa dibdib niya.
Mahina siyang tumawa at parang kumalma. Nawala na kasi ang panginginig ng mga kamay niya.

"Bakit ako magagalit? Hindi mo naman ginusto na itago sa akin si Sabrina. Itinago mo siya, dahil galit ka sa'kin. Higit sa lahat...nasasaktan ka. Naiintindihan kita, Felise. Alam kong galit na galit ka sa'kin no'n at hindi mo rin alam na buntis ka. Alam ko rin na..." Malalim siyang napabuntong hininga at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. "ayaw mo akong makita." Mapait niyang dagdag at mahinang iginalaw ang ulo sa leeg ko.

"Kinamumuhian mo ako, Felise. Pero pangako, ni kailanman ay hindi kita niloko. Kahit ipikit ko man ang mga mata ko, ikaw pa rin ang nakikita ko. Dahil kahit sa dilim nang pagpikit ng aking mga mata, nasisilayan ko pa rin ang liwanag ng babaeng...araw araw kong minamahal. Araw araw at patuloy na mamahalin..." Mahabang bulong niya, habang malalim na humihinga at pinapatakan ng halik ang leeg ko.

"Mahal na mahal kita, Felise. Mula noon at hanggang sa susunod pa nating buhay. Bawat segundo, nararagdagan lang ang nararamdaman ko sa 'yo. Hanggang sa makakaya ko, iintindihin kita. Hanggang sa makakaya ko, susuyuin kita. Hinding hindi kita susukuan, Felise. Hinding hindi." Bawat salita, ramdam ko ang pagdaloy ng init ng puso ko. Hindi nagwawala ang mga sistema ko, kumakalma ito. Parang hinehele ako sa mga salita niya. Ang puso kong puno ng galit sa kan'ya, unti unting natutunaw. Ang isip kong saradong pagkatiwalaan siya, dahan dahang bumubukas. Ang mga tenga kong ayaw makinig sa kan'ya, handang handa ng pakinggan siya.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now