CHAPTER 2

625 6 0
                                    

Flashback

"Felise! Nandyan na iyong manliligaw mo! Ay nako! Mga kabataan nga naman!" Sigaw ni Mama sa labas ng bahay namin. Nagwawalis siya sa bakuran namin ngayon.

Napangiti naman ako at tumingin sa salamin para tignan ang mukha ko. Nakasuot ako ngayon ng kulay pulang dress at may headband sa ulo ko at ang disensyo ay ribbon. Bigay 'to sa akin ng gwapo kong manliligaw.

Oo gwapo! Kasi sobra sobrang sobrang gwapo n'ya!

"Wait lang po, Ma!" Sigaw ko pabalik at saka dali daling nilagay ang liptint sa labi ko at napangiti sa nakita.

"Ganda ko," proud na wika ko at saka flinip ang mahaba at straight kong buhok.

Pagkatapos pagsawaaan sa salamin ang napakaganda kong mukha, agad na akong lumabas sa bahay namin at agad na napatibok ang puso ko sa nakita.

Ang manliligaw ko, nakatayo at may hawak na bouquet of red roses at nakasandal sa pula n'yang mamahaling sasakyan. Sobrang lakas nang tibok ng puso ko, habang s'ya naman ay malaki ang ngiti at kumikinang ang mga matang nakatitig saakin.

"Oh, eh, ano? Magtitigan nalang kayo r'yan? Ay nako! Ansakit n'yo sa mata!" Sigaw ni mama, kaya nginusuan at inirapan ko lang s'ya.

"Inggit kalang, Ma. Lambingin mo na po kasi si Tatay. Nagtatampo na iyon sa'yo, kasi inaway mo po kahapon."

Sinamaan n'ya naman ako ng tingin at saka inirapan.

"Ha! At ang kapal naman ng mukha ng tatay mo at ako pa ang susuyo sa kanya! Manigas s'ya d'yan, che!" Asar na sigaw n'ya at inirapan muna ako, bago nagpatuloy sa pagwawalis.

Napakibit balikat naman ako at saka tinignan ulit ang manliligaw ko at nabigla na naman ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

Malaki ang ngiti n'ya. Ang malalim at kulay chocolate naman n'yang mga mata ay nagniningning na nakatingin saakin.

Naglakad s'ya papalapit sa akin nang hindi tinatanggal ang titig sa 'kin. Nang isang hakbang nalang kami ay mas lumaki pa ang ngiti at ningning sa mga mata n'ya, para bang ako lang ang gusto at nakikita ng mga ito.

"Red flowers for my baby."

Kinagat ko sa loob ang mga pisngi ko, kahit alam kong namumula na ito. Nakasuot s'ya ng color red na polo at ako naman ay kulay red na dress. Favorite color ko ang red at alam n'ya iyon. Kaya ang bulaklak na palagi n'yang binibigay saakin ay red o kahit ano mang bagay ay kulay red din. Pati nga sasakyan n'ya kulay red na eh!

Kinakagat ko pa rin ang mga pisngi ko, habang medyo nahihiyang nakatingin sa kanya. Pero kalaunan ay unti unti kong kinuha ang inabot n'yang mga bulaklak. Ka agad kong inamoy ito at napapikit sa amoy nito.

Bango!

Tinignan ko ito at halos hindi na maano sa pagningning ang mga mata ko, dahil sa sobrang ganda ng kulay nito.

"You're so cute looking like that, baby..." malambing n'yang saad, na mas nagpapula sa mga pisngi ko.

Ene beh.

Isa pang baby, hahalikan ko na talaga 'to.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumingin sa mga magaganda n'yang mga mata.

"S-alamat," nauutal kong sabi. Mahina naman s'yang tumawa at tumango lang saakin.

"You're always welcome, my Felise...my one and only Felise..." malaking ngiti at buong pusong wika n'ya, habang malambot at may puno ng pagmamahal na nakatingin saakin ang mga mata n'ya.

Nanghihina ang tuhod ko at parang libong libong paruparo ang nasa tiyan ko. Hindi na rin maawat sa pagtibok ang puso ko.

"Plus 10 kana sa 'kin, Calvin," nahihiyang sambit ko.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now