CHAPTER 3

566 10 0
                                    

"Will you marry me, Felise, my love?" Naluluhang saad n'ya.

"Yes, love! Mahal na mahal kita at handang handa akong pakasalan ka!" Malakas na tili ko.

Graduation na namin ngayon, pero narito siya sa harapan ko at nakaluhod. May singsing sa isang kamay n'ya, habang naiiyak at nakangiting nakatitig sa akin.

Limang taon na kaming magkarelasyon at akalain mo nga naman, sa graduation pa namin siya nag propose!

Malaki ang ngiti ko at puno ng pagmamahal ang buong mukha kong nakatitig sa kan'ya. Habang siya naman ay tuluyan nang tumulo ang luha sa naging sagot ko at nanginginig na isinuot ang singsing sa kamay ko.

Agad na nagtilian ng malalakas ang mga ka batchmate ko.

"Putangina, sana all!"

"Edi sana binagsak ko na lang ang buong major subjects!"

"Sakit n'yo sa mata! Ninang ako, ha!"

"Invite n'yo ko! Pa handa kayo shanghai at seafood!"

"Hanep! Wala na nga akong jowa, may nagpropose pa sa harapan ko!"

"Gusto ko rin ng isang matcho at gwapong future engineer!"

"Ayoko na!"

"Tayo nalang!"

"Goodluck sa inyo! Sana ako rin!"

"Sinong rich kid d'yan na gusto ng ipakasal ng mommy at daddy nila? Willing ako!"

Natawa ako sa mga pinagtitili nila at narinig ko rin ang mahinang paghikbi ni Calvin. Agad na lumambot ang ekspresyon ko at tinignan si Calvin na malaki ang ngiti at humihikbi na nakatingin sa kamay kong may singsing.

Kalaunan ay tumingin siya sa akin. Napakagat siya sa kan'yang labi at mas lalong napaiyak.

Iyakin ang mahal ko.

"Naiiyak ka ba, dahil maganda ang future wife mo?" Mayabang kong asar sa kan'ya at malaki rin ang ngisi sa labi.

Saglit naman siyang tumigil sa paghikbi at ngumiti ng malaki

"Hindi lang maganda, sobrang ganda pa," Pabalik niyang sabi, agad na namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Mas lalong lumakas ang tilian sa paligid namin sa narinig nila.

Sa hindi inaasahan, ay napatingin ako sa harapan ko at nakita ang matalik kong kaibigan na si Faith...na may galit sa mga mata n'ya. Baka namamalik mata lang ako? Pinikit ko ang mga mata ko at tumingin muli. Bumungad na sa akin ang malaking ngiti at masayang mukha niya.

Napabuntong hininga naman ako roon ng malalim. Namamalik mata lang talaga ako kanina. Ngumiti ako pabalik at kumaway sa kanya, saka sumigaw.

"FAITH! IKAKASAL NA AKO!"

Agad naman akong nakarinig ng tawanan mula sa mga ka batchmate ko. Narinig ko ring ang pagtawa ni Calvin, na nakaluhod pa rin sa harapan ko.

Nakita ko ring napatawa si Faith, na ka agad na kinuha ang camera niya at kinuhanan kami ng litrato. Bachelor of Arts sya. Mahilig mag picture picture eh, tapos future photographer ko rin iyan sa kasal ko. Magaling siyang mag edit ng mga litrato at video. Kaya hangang hanga ako sa bestfriend ko na 'yan!

Ngumiti ako ng malaki at tinaas ang singsing ko.

"Love, tayo ka! Ipipic tayo ni Faith!" Sigaw ko.

Agad naman siyang tumayo at nanlaki ang mga mata ko. Dahil bigla nalang n'ya akong halikan sa labi. Nakataas ang kamay ko sa ere, habang hawak hawak niya ang dalawa kong pisngi at malalim na nakahalik sa akin. Rinig na rinig ko ang sobra pang malalakas na tilian ng mga ka batchmate ko at ramdam na ramdam ko rin ang paghagis nilang lahat ng mga mortar board hat nila.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now