Chapter Four

5 2 0
                                    

"He reminds me of Christian Grey..." Bigla na lamang sabi ni Tina.

Kunot-noo ko siyang nilingon. Napailing na lamang ako nang makita ang itsura niya. Nakapatong ang kanyang baba sa kanyang magkasalikop na palad at tila lumilipad ang isip.

"You sound dreamy, Bella. And excuse me, huwag na huwag mong ikukumpara si Christian Grey sa damuhong 'yon." Inirapan ko siya. Ganoon din naman ang ginawa niya bago naglakad palapit sa mesa ko.

"So ano nang plano mo ngayon? Kung hindi ka matutulungan ng Alpha, kanino ka hihingi ng tulong?" Untag nito nang tuluyan nang makaupo sa silyang katapat ng mesa. Pinaglaruan niya ang dulo ng kanyang kulot na buhok.

Saglit akong hindi nakakibo. Nanatili lamang ang mga mata ko sa screen ng laptop ko.

"I don't know. Maybe I'll just try my luck first thing tomorrow. Susubukan kong puntahan ang alphas ng mga bayang malapit. Baka isa sa kanila ang may pusong tumulong." Tugon ko saka hinilot ang batok.

"What?" Gulat na tanong niya. Naituon ko sa kanya ang paningin ko dahil sa lakas ng kanyang boses.

"Are you insane? The Alphas of Dumaguete and Bacolod are not that friendly to normal people. Baka nakakalimutan mong almost ninety percent ng population sa dalawang city na 'yon ay lycans? The remaining ten are their human slaves. Sa Victorias lang may pantay na karapatan ang lycans at normal na mga tao. Sana naman natatandaan mo pa ang mga bagay na 'yon." Tila inis niyang hinilot ang kanyang sintido.

I can't help but let out a deep, heavy sigh. I'm running out of options and god knows how much

I hate to end up taking the deal with that jerk.

"But maybe they already changed--"

"Girl, pareho tayong galing sa mga angkan ng hunters. We know better than anyone. Alam natin kung gaano sila kadelikado. Our clans used to hunt them down and we used to be their prey. Remember those things? The bloody history of our families? Hmm?" Nagtaas ito ng kilay.

Napahilamos ako sa aking palad. This is so frustrating. I have to admit but she has a point. Things wasn't like this before. Twenty years ago when that bloody war between lycans and hunters finally ended.

The five of the twelve major cities of Lunare are ruled by lycans. Hindi gaya ng sa mga normal na tao, ang politika ay simbolo lamang para sa kanila. It's more of a "formality sake" kind of thing for them lalo na sa Dumaguete at Bacolod.

"Cross out Victorias, Dumaguete, and Bacolod, still leaves me with two options. Isabela and Escalante." untag ko.

"Isabela's Alpha, pwede pa. But Escalante? Doubt that. Bihira nang makita ang kanilang Alpha matapos ang nangyari five years ago." tugon ni Tina.

I let out a deep sigh once more. "Then I guess Isabela City will be my destination tomorrow."

Tatayo sana ako nang makaramdam ako ng hilo.

Napasandal ako sa back rest ng swivel chair saka ko hinilot ang aking sintido. Mahigit bente-kwatro oras na akong gising. Hindi na makapag-isip ng maayos ang utak ko.

Isinara ko ang aking laptop at inayos na ang lahat ng gamit. Tahimik lang naman akong pinagmasdan ni Tina. Nang tumayo ako'y dinampot na rin niya ang kanyang shoulder bag at sumunod sa akin.

"Siguro

naman didiretso ka nang umuwi this time? Ang lalim na ng eyebags mo." Untag nito nang makasakay na kami ng elevator.

"Oo. Nandoon din ang ibang kamag-anak ni Dion. For sure wala rin akong malulugaran doon. Mas mabuti pang magpahinga na muna ako sa bahay." Tugon ko saka hindi na napigilan ang paghikab.

 Lunar Whispers #1 : Kyl HerrerWhere stories live. Discover now