Nang mga oras ding 'yon ay umalis ako ng ospital para puntahan si Kyl sa Herrer Empire. Parang wala na ako sa sariling basta na lang nagtatakbo sa gitna ng napakalakas na ulan at hindi na nagawa pang magpayong.
Pagpasok ko ng sasakyan ay pinalis ko ang mga luhang walang tigil sa pagpatak. Patuloy ang pagkumbinsi ko sa sariling ito ang kailangang gawin. Ito ang tama at para rin kay Dion ang desisyon kong 'to.
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan kahit pa sobrang lakas ng ulan. Walang oras na dapat sayangin. Bawat minutong lumilipas ay bumababa ang tyansang mailigtas pa si Dion.
Sandali akong sumulyap sa aking wrist watch. Alas nwebe y medya pa lang ng umaga. Paniguradong nasa opisina niya si Kyl sa mga oras na ito.
Diretso lamang ang tingin ko sa madulas na daan. Bahagyang nanlalabo ang paningin ko dala ng wala pa ring patid na pag-iyak. Pakiramdam ko ay bigla akong nagkaroon ng gripo sa mga mata. Walang tigil ang pagbaha ng luha sa magkabila kong pisngi.
Pagkapark ko ng sasakyan sa harap ng building ay dali-dali akong lumabas at sumugod sa ulan. Ang ilang mga empleyadong nakakakita sa akin ay napapakunot ang noo.
Saglit akong pinagmasdan ng security guard nang tumapat ako sa higanteng glass door. Para bang pilit kinikilala ang mukha ko. Inilabas ko ang aking ID at ipinakita sa kanya. Nang mabasa ang pangalan ko ay agad naman niya akong pinapasok.
Halos takbuhin ko ang papunta sa reception area. The sweet red-haired lady greeted me with her genuine smile.
Tila ba nagulat rin siya sa itsura ko. I am soaking wet from head to toe but hell
I care? Kailangan kong makausap ang boss niya sa lalong madaling panahon.
"I'm here to see Mr. Herrer. This is an emergency. Please inform him right away." deretsahan kong sabi.
Bahagyang nangunot ang kanyang noo pero agad din namang tumango. "O-okay, Ma'am."
Ora mismo ay nagdial siya sa kanyang telepono. "Sir, Miss Jamiro is here to see yo--"
"But, Sir. She said it's an emergency...Oh, okay Sir. Okay." untag nito saka saglit na ibinaba ang telepono at tumingin sa akin ng may lungkot sa kanyang mukha.
"I'm sorry but Mr. Herrer is busy today. He cannot see you right now." malungkot nitong balita.
Napalunok ako dahil sa narinig. Humakbang pa ako palapit sa desk saka humawak sa edge nito.
"P-pwede bang subukan mo ulit? Kailangang-kailangan ko lang talaga. Please lang." nangangatal na ang bibig ko dala ng lamig at pagpipigil ng emosyon.
Tila nagdadalawang isip siyang nagpabalik-balik ang tingin sa akin at sa hawak na telepono. Bumuntong hininga ito bago mahinang tumango.
"Sir? Ahm, Miss Jamiro is insisting to talk to you? Would there be any chance for her to--"
"I SAID I'M BUSY! TELL HER TO LEAVE!"
Biglang nailayo ng babae ang telepono sa kanyang tenga. Tila ikinabigla ang malakas na bulyaw ni Kyl mula sa kabilang linya. Sa lakas ng sigaw niya ay maging ako ay dinig ang galit niyang boses at ang marahas na pagbaba ng telepono. Nabaling ang tingin ko sa namultang receptionist. Balot ng takot ang kanyang mukha nang tuluyan niyang ibinaba ang telepono.
"S-sorry but Mr.--"
"I heard him." I cut her off. Pilit akong ngumiti sa kanya. "Sorry. Pati ikaw nadamay."
An apologetic smile made it's way to her lips. "It's okay."
Bagsak ang mga balikat at mapait ang mga mata ko nang tuluyan kong tinalikuran ang babae. Ang bawat hakbang ko ay tila nanlalambot ang mga tuhod ko.