Chapter 3Mahigpit ang pagkakalukot ko sa piraso ng papel na hawak ko. Tila lahat ng galit ko ay doon ko naibubunton.
"Punyeta talaga eh! Bwisit!"
Halos napapailing na lamang si Mary. Magmula kanina'y iyon na lang ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.
She let out a deep sigh saka pilit itinago ang ngiti. Paniguradong natatawa siya dahil ngayon lamang niya ako nakitang ganito kalutong magmura.
"Okay, enough with your foul words, girl. Now, tell me what happened. I want details." Nagpangalumbaba ito saka lalong itinuon ang atensyon sa akin.
I can't help but roll my eyes. Nananadya talaga siya. Kilala ko ang kaibigan kong ito.
Huminga ako ng malalim bago sinimulan ang pagku-kwento.
--
My mouth was a bit in awe because of what he just said. Pakiramdam ko'y puputok na ang mga ugat ko sa utak dahil sa mga katagang narinig.
Gusto kong sabihing hindi ako nanlambot nang makita siya. I was intimidated, yes. But tripped just because I saw an olympian God in suit? No way! I badly want to tell him, ANG KAPAL PO NG APOG MO.
But before I can even mutter a single word, he leaned forward to me with that meaningful half smile written on his god-damn gorgeous face.
Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi dahilan ng tila pagbayong muli ng aking dibdib.
"I can hear your heart, luv. You might faint...Just like everybody else." He said in a sexy, seductive way with his penetrating blue eyes staring directly into mine.
Naramdaman ko ang pagdausdos
ng kanyang mga daliri papunta sa aking baba pagkatapos ay marahan niyang isinara ang nakaawang kong bibig. Mayamaya'y nilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga.
"Don't melt me, luv." He chuckled.
Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ang kanyang mahinang tawa.
Para akong robot na hindi nakagalaw. Wala akong ibang nagawa kundi pigilin ang paghinga at manlaki ang mga mata. Now I know why this man is dangerous. He can make you kill yourself just by holding your breath.
Bago pa man ako makapagreact ay muli na siyang nakaupo ng maayos sa kanyang swivel chair. Sumandal siya roon at muli akong pinagmasdan gamit ang kanyang mga asul na mata.
The way he looked at me is really making me uncomfortable. Para bang pinag-aaralan niya ang mga galaw ko. Pilit binabasa kung ano man ang tumatakbo ko sa isip ko.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago ako muling nagsalita.
"H-hindi na ako magpapaligoy-ligoy, Mr. Herrer--"
"Please," he cut me off. "Kyl. Just call me Kyl. Herrer sounds too formal for me."
Muling lumandas ang mapanuyang ngisi sa kanyang mapupulang labi.Sandali akong natigilan. Nag-iwas ako ng tingin upang pakalmahin ang sarili.
Lumunok ako bago muling sinalubong ang nakakatunaw niyang titig. I tried to sound serious. Hoping he would take me the same way... Even if he's a total jerk.
"Look, Mr. Herre--"
"Kyl..." muli niyang pagputol sa sinasabi ko. I can't help but roll my eyes in frustration. What a bossy jerk!
"Fine! Kyl it is. I'm here for something important to discuss with you." Seryoso kong sabi habang pilit sinasabayan ang kanyang mga titig.
Amusement was written on his face. Umayos siya ng upo saka ipinatong ang dalawang braso sa mesa.