Chapter Two

5 2 0
                                    

Napasandal ako sa back rest ng swivel chair ko saka ko hinilot ang aking sintido. I feel so tired and exhausted yet I can't get to sleep. All I can do is close my eyes. Hindi ako dinadalaw ng antok kahit na anong gawin ko.

Tanging ang tunog ng aircon at ang sunod-sunod kong malalalim na buntong hininga ang maririnig sa buong paligid. Mayamaya'y nagbukas-sara ang glass door. Nilingon ko ang gawing iyon.

Pumasok si Marybelle dala ang tray na may lamang dalawang tasa ng kape."Nakakatulog ka pa ba? You look awful, girl." Untag niya nang ilapag ang kape sa harap ko pagkatapos ay prente siyang naupo sa sofa malapit sa mesa ko.

Kinuha ko ang tasa ng kape saka sumipsip ng kaunti. Humagod sa lalamunan ko ang mainit na inumin.

"I stayed at the hospital all night. Umuwi lang ako kanina para maligo at makapagpalit." Tugon ko saka muling uminom ng kape.

Tina let out a deep sigh saka siya bahagyang nagkamot ng batok. "Look, Keighley. It's been three months. Hanggang ngayon walang maibigay na accurate diagnosis ang mga doktor. Apat na ospital na ang pinanggalingan niyo pero wala silang nakitang problema sa katawan ni Dion to cause him that. Why don't you just consider--"

"I can't." I cut her off. "For heaven's sake, it's freaking 2017. They 're no longer savages, Marybelle. Imposible eh." Muli akong napasandal sa aking swivel chair saka hinilot ang sintido. Nasstress talaga ako kapag ito ang napag-uusapan.

Ang tunog ng takong ni Marybelle ang sunod na narinig sa saradong silid. Lumapit siya sa harap ng mesa ko at naupo sa upuang nasa harap nito.

"We can't be sure of that. After all, they are still on top of the food chain. Wild, aggressive, born with a killer instinct." Aniya habang iminumwestra pa ang kamay sa ere.Napailing na lamang ako. Imposible talaga ang bagay na iyon.

I'm trying my best to keep the idea out of my mind. It can't be. It's been years at ngayon lamang nangyari ang ganitong insidente. Kung sakali mang ang panig nila ang may kagagawan nito, dapat ay noong araw mismo ng insidente, may pagpupulong na kaagad na naganap sa pagitan ng hunters at lycans pero wala. Parang wala namang nangyari. Hindi nakeelam ang mga head hunters sa issue. Maging sila'y hindi naniniwalang lycans ang umatake sa grupo nina Dion. Isa pa, ang tatlong kasama nila at dalawang guide, hindi magawang patunayan ang sentimyento ni Papa sa nakita niyang umatake sa kanila.

"Dalawang dekada na ang nakakaraan, Mary. Don't you think namaster na nila ang self-control?"

Ngumuso siya saka humalukipkip. "Sa'yo na nanggaling. It's been two decades. Marami nang nangyari. What if may ilan na sa kanilang nagsawa nang sumunod sa kasunduan? Hindi ko sila nilalahat pero imposibleng walang pasaway. Every family has a black sheep."

Kinuha niya ang laptop ko saka siya tumipa sa keyboard. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon. Mayamaya'y muli niyang inilapag ito sa mesa at ihinarap sa akin ang screen.

"Just in case mabagok ka at maisipang i-consider ang theory ko, here. Sigurado akong siya ang taong kakailanganin mo. He's the new Alpha."

Kumindat siya sa akin saka matamis na ngumiti bago lumabas ng opisina ko. Naiwan akong walang nagawa kun'di ang bumuntong hininga.

Bumaba ang tingin ko sa screen ng laptop. Sandali akong natigilan nang makita ang page na pinuntahan ni Mary.

Kyl Herrer- Successor of Herrer Corporation. Last heir from the original ruler family.

Isang picture ng lalaking naka three layer suit ang ipinakita. Seryoso ang kanyang mukha ngunit tila nakangiti ang kanyang mga mata. His perfect jaw line, deep-set royal blue eyes, manly and intimidating brows, narrow, pointy nose and sexy reddish lips shouts perfection. He looks like a freaking hollywood actor.

 Lunar Whispers #1 : Kyl HerrerWhere stories live. Discover now