Chapter Five

3 1 0
                                    

Hindi gaya ng pinakasentro ng syudad, ang daan palabas ng Victorias ay isang napakahabang kakahuyan. Halos natatakpan na ng mga naglalakihang puno ang sinag ng araw.

Ilang minuto pa ay tuluyan ko nang nalampasan ang karatulang nagsasabing You are now leaving the City of Victorias

Nabaling ang atensyon ko sa phone ko nang tumunog ito at rumehistro ang picture ni Mary. Pinindot ko ito't nilagay sa speaker mode.

"I got your message. Are you sure that really happened? Baka naman panaginip lang?" untag nito. Dinig ko pa ang ingay ng kanyang blower sa background.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela nang maalala ang nangyari kagabi. How I wish everything was just a dream...Pero alam ko sa sarili kong hindi. Nag-iwan ng marka ang kanyang matulis na kuko sa dibdib ko. That's enough proof that what happened was real.

"Sigurado ako, Mary. Pero hindi ko lang talaga maisip bakit isang lycan ang mangangahas pumasok sa bahay namin. They know our family really well. Maaari siyang mamatay doon mismo sa oras na saktan niya ako."

"That's the point. Hindi siya pumunta sayo para saktan ka." tugon nito.

Sandali akong hindi nakakibo. Maging ako ay naguluhan dahil sa ikinilos ng lycan na 'yon.

Last night's a full moon. During full moon, lycans have no control of their wolves. It's taking over their bodies that's why they are so dangerous during those times.

Noon, kapag full moon ay nagpapalit sila ng anyo at nagiging mababangis na lobo pero sa paglipas ng panahon, natutunan nilang kontrolin ang pagbabago ng kanilang anyo. They can shift whenever they want

pero hindi na isang lobo. Nagagawa nilang kontrolin kung anong klaseng anyo ang gustuhin nila.

But during full moon, they tend to be more aggressive. Their lust to tear someone apart always take over that's why most of them chain themselves to prevent themselves from killing anyone.

Kaya nakakapagtaka ang ikinilos ng lycan na iyon kagabi... The claws, the sharp nails, the fierce golden-yellow eyes. They only shift when they're furious or when they cannot control their aggression.

But he didn't hurt me. Well except the trace of his nail on my chest but that's it... And that's what's weird.

Tila nag-eecho sa isip ko ang mga salitang binanggit niya.

Come home to me...

His voice was low and husky. It's almost a whisper turning my inside to jelly. Making me feel something foreign... Something I wish I'll never feel again.

--

Mahigit dalawang oras na akong nasa byahe. Sandali akong tumigil sa isang gas station para punuin muli ang tangke ng kotse ko. Matapos itong makargahan ay pumasok muna ako sa convenience store ng gas station para bumili ng inumin at pagkain.

Kumakalam ang sikmura ko sa tuwing natatapat ako sa ilang pagkaing gusto ko. Masyado akong nagmadali kaninang umaga at maging ang pag-inom ng kape ay nakalimutan ko na.

Dinampot ko ang isang pack ng chips saka dumiretso sa mga inumin. Isang bote ng mineral water ang dinampot ko bago tuluyang lumakad papunta sa counter.

"Here's your change, Sir." dinig kong sabi ng clerk sa lalaking nasa harap ng counter. Hindi ito sumagot basta kinuha na lang niya ang sukli mula sa clerk. Nakita ko pa ang pasimpleng pag-ipit ng kahera

sa ilang hibla ng kanyang buhok sa gilid ng kanyang tenga.

Nang tuluyan nang tumalikod ang lalaki sa counter at humarap patungong pintuan ay doon ko lang napansin kung sino iyon.

 Lunar Whispers #1 : Kyl HerrerWhere stories live. Discover now