Chapter 1

19 1 0
                                    

Kierra's POV

"Kierra!"

"What do you want Syra?" I asked her.

"Ay sungit yarn? Itatanong ko lang naman kung nakapaggawa ka ng homework natin e." Nagpapacute na sabi niya.

"Tapos ano? Gagaya ka na naman?" Naiinis na sabi ko.

"Please" Oh no, nag puppy eyes na siya.

"Kaya ka napapagalitan nina tita e, hindi ka naggagawa ng mga assignments. Oh eto!" Naiiyamot na binigay ko sa kaniya ang notebook ko.

"Yey the best ka talaga pinsan, kaya love kita e!" Masayang sabi niya sa akin.

"Tse! Saan ka na naman ba gumimik kagabi ha? At hindi ka nakagawa ng assignment?" Naiintriga kong tanong sa kaniya.

Pero hindi siya sumagot.

"Syra Stanford!" Inis na banggit ko ng pangalan niya.

"Grabe ha, need ba talagang buong pangalan?" Inosenteng tanong niya.

I just glare at her.

"Oo na, nasa bar ako kagabi---"

"Bar?!? Nanaman! Diba sinabihan na kita---"

"Na huwag mag bar kung hindi ako kasama at kung mag-isa lang. Oo na, oo na, naka isang daang beses mo na ata yang sinabi sa'kin e." She annoyingly said and rolled her eyes.

"Na hindi mo sinusunod and please lang kung iirap ka sana hindi ko kita, susundutin ko yang mata mo e!" Naiinis na sabi ko.

My cousin had a past. She was a rape victim. When she was just 16, pinag-interesan siya ng mga lalaking lasing sa isang bar. Halinhinan siyang ni-rape ng mga ito. Nakulong sila pero may isang lalaking nakatakas na hanggang ngayon pinag hahanap pa rin ng mga magulang ng pinsan ko. Simula noong mangyari ito sa pinsan ko, mas lalong naging mahigpit sina tita at tito. Nagkaroon ng bodyguards si Syra na lagi niya lang tinatakasan, kaya pinaki usapan ako nina tita na bantayan ang pinsan ko na hindi ko naman tinanggihan. Naging mailap sa tao si Syra, palagi siyang nagkukulong noon sa kwarto niya, hindi rin siya kumakain. Kaya I had no choice, I need to make a move para bumalik na uli sa dati ang pinsan ko. Sinamahan ko siya on her bad days, ako ang nagpapakain, nagpapainom sa kaniya ng gamot, actually ako rin minsan ang nagpapaligo sa kaniya. Pinakita ko sa kaniya na even she's a rape victim, deserve niyang mabuhay sa mundong 'to. After 3 years, unti unting bumalik ang sigla at lakas niya. Hanggang sa bumalik siya sa pag-aaral. 19 years old bumalik sa pag-aaral si Syra. She's smart kaya nakasabay ko pa rin siya ng grade level. Tamad nga lang siyang mag-aral kaya lagi siyang naka-asa sa akin sa mga homeworks at activities namin sa University. We're 22 years old as of now, taking Business Administration.

"Psst, uyy, kanina ka pa tulala insan ah. Stop daydreaming, will you? Nasa school po tayo Ms. Student Council Vice President." Ghad she's teasing me again. And yeah, she's right. I'm the Student Council Vice President.

She's teasing me because ayokong meron akong position sa school, gusto ko lang maging normal student na ang pinoproblema lang ay acads kaso ako ang ibinoto ng mga students at mapilit din ang parents ko kaya wala na akong nagawa. If you're wondering kung sino ang President, well ang girlfriend ko lang naman. Char, she's Samantha Smith, my bestfriend. Actually matagal na'kong may gusto sa kaniya, kaso ang manhid niya e. Naka ilang boyfriend na'ko hindi pa rin siya nakakahalata na may gusto ako sa kaniya. Nakakainis siya, isama mo pa yung mukhang butiki niyang manliligaw, ipakain ko siya sa palaka e.

"Hoy Kierra! Sabi nang wag kang managinip ng gising e! Tara na! Male-late na tayo e!" Naiinis na saad ng pinsan ko at umirap na naman.

"Aba't sabi ng wag kang umirap e! Gusto mo ba tusukin ko na yang mata mo ha?!" Galit na saad ko.

My Girl Bestfriend Where stories live. Discover now