Chapter 3

24 1 0
                                    

Kierra's POV

Kanina ko pa hinahanap si Nikki sa buong school pero hindi ko siya makita. Isang lugar na lang ang hindi ko pa napupuntahan, ang conference room. Doon sana kami pupunta kanina ni Sam, pero imbes na doon kami pumunta, sa garden ang naging bagsak namin. Until now, iniisip ko pa rin yung naging kilos ni Sam sa garden. Why did she cried? Umiyak nga ba siya? I still don't know what's going on with her. Hindi naman siya ganoon dati e. Kahit sa akin cold yun magsalita. Pero ngayon, parang nag-iba siya. Tama nga si Syra, nag-iba talaga ang ugali niya.

"Hon!"

Hindi ko namalayan na nandito na ako sa conference room. At tama nga ang hinala ko nandito nga si Nikki.

I smiled then approached her.

"Nik, I'm sorry kanina. Bigla rin kasi akong hinila ni Sam e." I apologized to her.

"It's fine, Kai. Para namang hindi pa ako sanay sa kaniya haha." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Btw, Lets have lunch, shall we? Im starving, kanina pa kaya kita inaantay dito sa conference room, but you never showed up!" She's frowning while saying that.

Alam ko madidismaya at magtatampo 'to kapag sinabi kong nakakain na'ko e, kaya i had no choice. Mukhang tataba ako nito ah.

"H'wag ka ng sumimangot diyan, tara na lang sa cafeteria at ililibre kita ng lunch." I smiled nang ngumiti siya sa akin ng matamis at siya na mismo ang humila sa akin papuntang cafeteria.

Nang makarating kami sa cafeteria, nakita ko ang pinsan kong kumakain sa usual spot namin. We approached her.

"Sy!"

Bago pa man ako nakapag salita ay naunahan na ako ng katabi ko. They hugged and kissed each other.

Grabe ang pagka-miss nila sa isa't isa ha parang isang taon silang hindi nagkita.

"Wow ha, nakalimutan niyo na agad ako?" Mataray na sabi ko.

"Oh c'mon, hon. I will never forget you." Natatawa niyang saad at hinila ang bewang ko para mapalapit ako sa kaniya.

"Ay grabe ha? Dito pa talaga kayo naglandian sa harap ko? Respeto sa single na katulad ko." Naiiyamot na saad ni Syra.

"Uy grabe, hindi naman kami naglalandian. Katulad ka rin ni Sam e." Tanggi ko at humiwalay kay Nikki.

"Haha.. Wait. What about Sam?" Takang tanong ni Syra.

"Sinaway niya kami kanina sa may hallway, naglalandian daw kami pero hindi naman. I just miss your cousin, isang linggo rin kaming hindi nagkita. Masama ba yun?" Si Nikki na ang sumagot sa tanong ng pinsan ko.

"Hmm, someone is getting jelly huh." Pabulong na sabi ng pinsan ko pero narinig ko naman.

"Sinong someone is getting jelly? Sinong nagseselos?" Nagtataka kong tanong sa pinsan kong kinulang ata sa turok noong bata siya. Kung ano-anong sinasabi niya e.

"Ah wala, wala. Sabi ko gusto ko ng jelly ace. Ayy wala pala ganoon dito, gelatine na lang. I-order mo nga ako, babe." Pacute na sabi sa akin ni Syra. Mukha siyang isda kapag nag pout. Akala mo naman ikina-cute niya.

"Teka, bakit ako mag-oorder. Si Nikki na lang." Sabi ko sa pinsan kong mukhang isda at itinuro si Nikki na tahimik na kumakain sa gilid.

"Wait, bakit ako? Ikaw na lang Kai, ikaw inutusan e." Nayayamot na saad ni Nikki.

"Ikaw na lang um-order, Sy. Ikaw may gusto e." Nayayamot din na sagot ko.

"Itong mga 'to, wag kayong hihingi ha." Sy said and stand up to order.

My Girl Bestfriend Where stories live. Discover now