Chapter 2

17 1 0
                                    

Kierra's POV

Nandito na kami sa restaurant na kakainan namin. This is our favorite restaurant. Dito kami laging tumatambay kapag nag gagawa kami ng mga group activities, assignments, thesis, at iba pa. Special 'tong restaurant na'to saming apat. Oh yeah, before I forgot, may isa pa kaming kaibigan. She's Nikki Lee, she's the Student Council Treasurer while Syra is the Student Council Secretary. Mas close ko talaga si Nikki kaysa kayna Sam at Syra. Kalog kasi siya at friendly kaya madali kong naging close. At tsaka siya rin lagi ko kasama sa pag-uuli sa school. She's a Korean half Filipino, kaya marunong siyang magsalita ng Tagalog at dito rin siya lumaki sa Pilipinas. At this time wala pa si Nikki, nasa California kasi siya. May pinapa-asikaso ang father niya about sa company nila.

"What do you want, Ara?"

Napabalik ako sa reyalidad ng tanungin ito ni Sam sa akin.

"You." Mahina kong sabi na narinig niya.

"What?" She asked na naguguluhan.

"Ah sabi ko ikaw na bahala." Natatawa kong sabi.

Matapos kaming umorder ng pagkain ay wala na ulit nag salita sa amin. Naiinis na'ko kasi kanina pa siya tahimik.

"Sam, kung ganito ka lang din aalis na'ko." Nagsimula ko ng ligpitin at ayusin ang mga gamit ko at nang aalis na'ko, she suddenly grabbed my hands.

"Please, stay." Eto na naman ang marupok era ko.

"Nakakainis ka kasi e, niyaya mo'ko sa paborito nating restaurant tapos ang tahimik mo." Naiinis kong saad.

"I'm sorry, Ara. Okay, ahmm, what do you want to talk about?" She asked

Magsasalita na sana ako ng biglang may dumating, hindi ang pagkain. Yung kamukha ni Hagorn. At nang makita niya kami, no scratch that, nang makita niya si Sam, ngiting aso siyang lumapit dito at hinalikan siya sa pisngi.

"Nawalan na'ko ng gana, kayo na lang kumain ng mga in-order natin." I coldly said to Sam at umalis na.

"Wait, Ara." She quickly followed me to the parking lot.

"Ano ba, Sam?! Wag mo na'kong sundan. Mag-date na lang kayong dalawa. Babalik na lang ako sa school. Magkita na lang tayo doon." I said at pumara ng taxi.

Ang sakit lang kasi ultimo pag halik sa pisngi, pinapayagan niya yung lalaking yun. At ang mas masakit, sa harapan ko pa mismo. Pag talaga nagkaroon ako ng pagkakataon, papakainin ko siya ng dynamite. Sabog kung sabog. Wala akong pakialam sa Hagorn na'yun.

"Oh Kie, good thing nandito ka na. May meeting tayo about sa mga booths na gagawin natin sa valentine's. Let's go."
Saad ni Syra sa akin.

"Oh yeah? Ahm sorry nga pala kanina Sy, iniwan kita kanina. Si Sam kasi e! Hinila na lang ako bigla." I apologetically said

"Ha? It's fine, tsaka di ba niya sinabi sayo na nag-chat na siya sa akin na gusto ka muna daw niya ma-solo?" Nagtataka niyang tanong.

"Wait, nag-chat siya sa'yo?" I asked her and she nods, then pinakita niya sa'kin ang message sa kaniya ni Sam.

"Wait, nasaan pala si Pres? Bakit hindi mo siya kasama?" She raised her eyebrow and asked.

"Ahm, ano kasi e." I scratched my head, and avoided my gazed at her.

"Wag mong sabihing iniwan mo si Pres doon?" She asked.

"Eh kasama niya naman yung mukhang butiki niyang manliligaw ah." Bumalik na naman ang inis ko. Parehas ko sila pag buhulin e.

"Si Henry ba? Ow kaya pala. Well tara na, baka susunod na lang si Pres sa meeting." Syra said at kinaladkad niya na'ko papunta sa conference room.

Mahigit 30 minutes pa lang ang nakakalipas ng may nag bukas ng pinto ng conference room. It was Sam, and good thing wala na yung ipis niyang manliligaw na ipinaglihi kay Hagorn. Same lang sila ng ipis, asungot sila sa buhay.

My Girl Bestfriend Where stories live. Discover now