Chapter 6

20 1 0
                                    

Kierra's POV

It's weekend, kakauwi ko lang galing sa condo ni Nikki. Sa bahay namin ako umuwi at hindi sa penthouse ko. Nandito kasi sina Mommy at Daddy. Kakauwi lang nila galing sa kanilang business trip. Pagdating ko sa bahay ay naka-handa na ang almusal. Nasa may dining room na rin sina Mommy, mukhang ako na lang ang iniintay nila.

"Hi my baby! Goodmorning! Come here, let's have some breakfast." Masayang sabi sa akin ni Mommy.

Lumapit ako sa kanilang dalawa ni Daddy at bumeso. Umupo ako sa tabi ni Mommy at nagsimula nang kumain.

"C'mon, Mom. Malaki na ako. Hindi na ako baby." Naka-pout na sabi ko.

Natawa na lamang sila ni Daddy.

"But your still my baby." Naka-pout ding sabi ni Mommy.

Sumimangot na lamang ako a pero tinawanan lamang ako ng parents ko. Grabe sila mang-asar ha.

"Wag munang asarin yang anak mo, hon. Btw, how's your study? May nagugustuhan na ba ang unica iha namin?" Nakangiting saad ni Daddy.

Hindi nila alam na may gusto ako kay Sam. Tanging si Syra lamang at si Nikki ang nakaka-alam 'nun. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon nila kapag nalaman nilang may gusto na ako. At sa babae pa. Baka ma-dissapoint lang sila sa akin. Alam kong understanding naman ang parents ko pero nag-aalinlangan pa rin akong sabihin sa kanila na may gusto ako kay Sam.

"Okay naman ang study ko Dad. Pero wala pa po akong ngagugustuhan." Half truth half lie. Totoong ayos ang study ko pero sa lovelife hindi.

"Weh? E nagkaka-gusto sayo? I know madami yan anak. Nag-mana ka sa akin e." Proud na sabi sa akin ni Daddy.

"Hoy! Sa akin mag-mana ang anak natin noh!" Irap naman ni Mommy kay Daddy.

Natawa na lamang ako sa kanilang dalawa. If magkakaroon man ako ng karelasyon, gusto ko maging katulad ng sa parents ko. Nag-aaway man sila or nakaka-tampuhan, mabilis ulit silang nagkaka-bati at nagkaka-ayos. Sobrang bait at caring nila as a parents. Kaya sila ang role model ko pagdating sa isang relationship.

"Anak, ikaw nga ang mag-sabi sa Mommy mo na sa akin ka nag-mana." Saad naman ni Daddy.

Hayst, nag-aasaran na naman sila.

"Sa akin nga sabi e!" Sabi naman ni Mommy.

Inirapan ulit ni Mommy si Daddy at humalukipikip.

My Ghad ang childish nila parehas.

"Para walang away, parehas akong nag-mana sa inyo. Please lang, Mom and Dad. Nakain yung anak niyo oh." Nakasimangot kong saad.

Tumawa na lamang sila. Nagpa-tuloy na kami sa pagkain. Napuno nang asaran at tawanan ang buong dining room. I just missed my parents so much!

Pagka-tapos kong mag-almusal ay umakyat na ako sa room ko. Magpapahinga muna ako ngayon. Wala kasi kaming schedule ng Weekend which is good thing dahil makakapagpahinga ako ng maayos. Naggawa muna ako ng mga homeworks at activities namin sa school bago humiga sa aking kama. Just like Nikki said, hindi ko muna iisipin yun. I will wait for her to be ready. Ready na mag-open para sa mga sini-sikreto niya sa akin.

Nagising ako nang may kumatok sa pinto ng room ko.

"Ma'am Kierra, ready na po ang lunch. Pinapababa na po kayo ng parents niyo." Sabi ng kasambahay namin.

"Sige po, susunod na po ako. Salamat po!" Sabi ko sa kasambahay namin at bumangon na.

Naligo muna ako bago bumaba. Naka-ready na rin ang pagkain at gaya kanina, ako na lang ulit ang iniintay.

My Girl Bestfriend Where stories live. Discover now