Ep15-May the Best Man Win

371 20 4
                                    


-Roxy-

Naninikip ang dibdib ko habang pinapanood si Archie na sinusubuan si Achilles.Nasa harapan ko lang sila,at kitang kita ko kung paano alagaan at pagsilbihan ni Archie ang anak niya.

Pinapatay ako ng kunsensya ko.

"Hoy kumain ka na."Saad ni Ate.

"Hindi ko na kaya..."usal ko.

"Alin ang hindi mo kaya?yung ulam?masarap yan ah!"

Kinagat ko ang labi.

Naiiyak na ako na parang gusto kong ngumiti dahil masaya ako.

Nababaliw na ata ako.

Nilagyan ni Archie ng kanin ang pinggan ko.

"Kumain ka na."

Kumunot ang aking noo.

Bakit ang bait bait niya?hindi siya pwede maging mabait!mas mahihirapan ako!

Achilles looked at me."Why arent you eating?"

"Ha?ah,busog pa kasi ako."

Gustong gusto ko siyang subuan,yakapin,halikan at sabihing mahal na mahal kita anak!pero tang ina di ko magawa!hindi ko pwedeng gawin dahil magugulo lang lahat!

Suminghap ako at pinilit ang sariling kumain,hindi ako pwedeng mag breakdown sa harapan nila,lalo na sa harapan ni Archie.

"Kumain ka pa."

Nilagyan na naman ni Archie ng ulam ang plato ko.

"Gusto mo ng tubig o ako?"

"Talaga lang Archie ha?nasisingit mo talaga ang landi sa pagkain?"

Nagkibit balikat siya,"Just trying my luck,Bhie."

"Anong Bhie?!"dinuro ko siya ng tinidor na may nakatusok pang laman ng manok."Ikaw---"

Kinain ni Archie ang nakatusok sa tinidor.

"Sharap!parang ikaw!"aniya,sabay lapat ng daliri sa baba ko at siradu ng bibig ko.

"I know I am cute,just don't make it obvious!"Mayabang niyang saad at kinindatan na naman ako.

Naningkit na ang aking mga mata.

"Hindi ka ba talaga titigil ha,Archie?!"

Ginamitan na ako ng pamatay na ngiti ni Aguerro,at aaminin kong seconds din akong natulala.

Hahablutin ko na naman sana ang buhok niya pero madali siyang napaatras.

"Uubusin ko talaga yang buhok mo,Archie!"

"Why are you fighting?do you really hate each other?"Achilles asked.

Napatingin kaming dalawa ni Archie sa kanya.

"Ayan,alam niyo napakaganda niyong ihemplo sa bata."Sarkasmong saad ni Ate Ria."Nag aaway,nagbabangayan,nag aasaran,na para bang boyfriend girlfriend lang,ganun..."

"Ate tumigil ka!"sita ko.

"O bakit? ganyan na ganyan ang ginagawa ng magkasintahan no!"

"O tapos?"

"Wala!sinasabi ko lang naman!"

"Tss!palusot ka pa 'te. Naiinis na ako sayo!"

"If you're boyfriend and girlfriend,you should get along well with each other,"Achilles said.

"So you think we have that kind of relationship,Achilles?"Archie asked,pilyo ang tingin at ngiti niya sa akin.

Sarap dukutin ng mga mata niya!

Rewrite our Stars (Senior High 2_Roxchie Spinoff)Where stories live. Discover now