Ep29-I Love you,Roxy

381 16 6
                                    


Roxy

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Archie at tinitigan ito sa mga mata,habang nangingilid ang mga luha.

"Alam kong,naghintay ka na ng limang taon Archie,gayunpaman sa loob ng limang taon na yun ay hinahanap ko pa rin hanggang ngayon ang lugar mo sa puso ko."

Napapikit ako ng marahang haplusin ni Archie ang aking pisngi.

Nag angat ako ng tingin.

"Patawarin mo ako Archie kung hindi ko kayang tapatan ang pagmamahal mo sakin."

He pressed his lips and shook his head.

Hinawakan niya ang aking kanang kamay.

"I understand Roxy,hindi kita minamadali,ang gusto ko lang naman ay makita mo ako,yung ako ngayon Roxy.Hindi yung Archie na basagulero,tarantadu at walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao.You changed my life Roxy,and in return gusto kitang mahalin araw-araw,mahalin  na parang wala ng bukas,because that is what you deserve.Kaya humihiling ako sayo na sana buksan mo ang mga mata mo at puso mo para makita mo ako,Roxy."

Suminghap ako at nagpahid ng luha.

"Nakita na kita Archie,nakita ko kung gaano mo kamahal ang kapatid mo,nakita ko kung paano mo ako pinagtanggol sa mga nambastos sa akin noon,nakita ko kung gaano mo pinapahalagahan ang pamilya mo sa kabila ng sakit na idinulot nila sayo,Archie nakita na kita...nakita ko kung gaano ka kabuting tao,at nakita kita kung paano mo ako handang panindigan pagkatapos ng nangyari sa atin..Archie,hindi ako bulag,sadyang natakot lang akong paasahin ka sa wala...dahil sobra sobra kang magmahal,at natakot akong hindi masuklian iyon dahil deserve mong mahalin ng buong buo."

Tumingala si Archie pero hindi pa rin nito napigilan ang pagpatak ng luha.

I gripped his hands,he looked at me.

"Archie hindi ko pa man alam kung mahal na ba kita,ang alam ko lang,nag aalala ako pag umaalis ka,nasasaktan ako pag umiiyak ka,nababaliw ako pag pinaparamdam mo sa akin kung gaano ako kahalaga."I sniffed,smiled and wiped my tears.

"Mahalaga ka sa akin Archimedes Aguerro."

Archie bit his lower lip and nod.

Then suddenly he hugged me tight and kissed my temple.Niyakap niya ako na parang wala ng bukas.

Sabay kaming lumuha at sabay na pinakinggan ang tibok ng aming mga puso.

Nang kumalas siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata na puno ng pagmamahal,na realized ko kung gaano siya kahalaga sa akin at bakit ko siya palaging hinahanap sa tuwing nawawala siya.Hindi ko lang maisatinig iyon,hindi ko magawa.

"I love you...Rox---"

Hinalikan ko siya sa labi.Kung bakit ko ginawa yun?hindi ko alam,pero yun ang sinisigaw ng aking puso.

Tumugon ang labi ni Archie sa aking halik,at hinalikan niya ako ng puno ng pagmamahal at walang pag aalinlangan.

Hanggang sa ang halik ay unti-unting nagdulot ng kakaibang init,ang halik na unti-unting naghahanap,lumalalim.

I lifted my hands and wound them around his neck para hindi ako matumba dulot ng panghihina ng aking mga tuhod.Habang kinabig niya ako papalapit sa kanya,ang kanang kamay niya ay nakayapos sa aking beywang.

Kumalas si Archie sa halik pero hindi niya ako binitiwan.

"Inside."Said Archie in a breathy tone.

Rewrite our Stars (Senior High 2_Roxchie Spinoff)Where stories live. Discover now