Ep18-Fear

316 21 6
                                    

-Roxy-

"Anong nangyari Roxanne?!lumabas lang ako sandali nawalan na ng malay si Aguerro!"

Nakahiga na si Archie sa kama ko.

"Te malay ko bang allergic siya sa manok!"

"Hindi mo alam!"

"Hindi!"

"O tapos anong pinainom mo?"

"Yung antihistamine na nakita ko sa drawer."

"Chineck mo man lang ba ang expiration date nun?"

"Hindi!nataranta na ako e!"

"Abay malamang kaya nagkaganyan yan dahil hindi tumalab ang gamot!5 years na ata expire yun day!"

Ngumuso ako."Malay ko ba!"

"Nako buti nalang talaga at nakabili ako sa botika,malala pala ang allergy nitong si Architect,kailangan yung injection talaga.Hay naku!sa susunod kasi mag ingat ka!"

"Oo na Te,ikaw naman kasi e!iniwan iwan mo kami dito sa bahay!"

"O bakit?matanda na kayong dalawa noh?nakagawa na nga kayonng bata di ba?!kailangan ko pa ba kayong bantayan?!"

"Te naman!"

"O bakit? Totoo naman ah!tigilan mo na kasi ang pagsusungit sa kanya!kalmahan mo na!"

Inirapan ko siya sabay iling.

"O gising na si Aguerro!ceasefire muna Roxanne ah!lalabas muna ako,umayos ka!"banta ni Ate sa akin na may kasama pang panlilisik ng mga mata.

Huminga ako ng malalim at nilapitan si Archie.

Sa wakas at unti unti ng nawawala ang mapupulang pantal sa kanyang leeg at mukha.

"Ku-kumusta ka na?"Tanong ko,nakatayo ako sa gilid niya.

"What happen?"he asked.

"Wala kang naalala?"

Umiling siya.

Pambihira!so yung halik niya sa akin dahil wala siyang maalala ay magiging guniguni ko nalang yun?!

Abay ang galing!Naka score na naman siya sa akin!Huh!bilib na ako sayo Aguerro!

"What Roxy?"

"Ha?wala!may sinasabi ba ako?"

"Sorry.."he said

Kinagat ko ang labi.

"Uuwi na ako."aniya

Bumangon siya pero agad ko siyang inawat.

"Huwag ka na munang umuwi,magpahinga ka na muna jan."sabi ko.

"No its okay..masyado na akong abala sayo."

I rolled my eyes."hay naku Archie!Matagal mo na akong inaabala,ngayon ka pa nahiya?"

He smiled."May rebut ka talaga sa lahat ng sasabihin ko ha."

"Naman,ayokong magpatalo sayo no!"

"Very childish.."he said,may ngiti na sa kanyang labi.

"Childish?baka childless!"

Nalungkot siya.

"I missed our child."

"Ako rin naman Archie,pero wala na tayong magagawa."

He sighed."If only I could turn back time."

"Kasu walang time machine Aguerro.."

Nagkatinginan kaming dalawa.

Naghari ang katahimikan.

Ako ang unang sumuko.

"Si-sige,magpahinga ka na."

Tinalikuran ko na siya.

"Rox--"

Humarap ako.

"Bakit?"

"Ah...wa-wala."

"Si-sige,maiwan na kita."

Iniwan ko si Archie,ayokong makulong na kasama siya sa isang espasyo,hindi ako makahinga ng maayos at nawawala sa tamang ritmo ang puso ko.


Archie

Paglabas ni Roxy ay siya namang tunog ng cellphone ko.

"Yes?whos this?"

"He-hello Ser?"

"Hello?sino to?"

Suminghot ang nasa kabilang linya,tila umiiyak.

"Ser,si Achilles kasi Ser--"

"Yes what about him?may nangyari ba sa kanya?"

"Ano kasi Ser---Kinu--"

Biglang naputol ang kabilang linya.

"Hello?hello?!"

Kumabog ang aking dibdib.

Tinawagan ko ulit ang number pero out of coverage na ito.

Samantala.....


Salara Sanchez Mansion

"Sinabi ko na sayong huwag kang makialam!huwag kang makialam!"

Nababaliw na paulit-ulit na sinaksak ni Sally ang kanyang katulong,hanggang sa tuluyan itong bawian ng buhay.

Nanlilisik ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang bahid ng dugo sa kamay.

"Pakialamera!"saad niya sa walang buhay na katulong.

Tumayo siya at pinahid ang kamay sa mukha sabay ngisi.

Hinila niya ang paa ng katulong kaya nagkaroon ng mantsa ng dugo sa sahig mula sa banyo na kinaroroonan ng katulong hanggang sa pababang hagdan sa basement.

"Napaka pakialamera niyong lahat!kaya bago niyo pa akong maisahan!uunahin ko na kayo!"

Lumabas siya sa pinto ng basement na naroon na konektadu sa likod bahay, kung saan may lumang balon na may lalim na labing limang talampakan. Ang balon na siyang tapunan niya ng kanyang mga kabaliwan at krimen.

Hirap na hirap siyang binuhat ang katawan ng katulong pero nakangisi pa rin nitong hinulog ang katawan ng katulong sa balon.Lumikha iyon ng ingay pero mas nangibabaw ang kanyang malademonyong tawa.

Bumalik siya sa taas ng bahay at inutusan ang mga takot na takot na katulong na linisin ang mga dugo sa sahig.

Pagkatapos ay,pumasok siya sa kanyang silid at binuksan ang pinto.

Nakita niyang takot na takot na nagtago sa gilid ng aparador si Achilles.

"Halika ka Anak,lapit ka kay Mommy..."

"No!"

She grinned,"lalapit na yan kay Mommy..lalapit na yan.."

"No! Dont touch me!"

"Sinabi kong lumapit ka!ang tigas ng ulo mo!"

Mariin niyang hinawakan sa kanang braso ang bata at sapilitan na hinatak.

Achilles cried,while Sally is fuming mad.

"Behave!!"sinigawan niya si Achilles at mahigpit na hinawakan sa pisngi.

May mga pasa na ang bata sa braso at hita.Magulo na rin ang buhok nito at may punit pa ang damit.Hindi na ito binihisan mula ng magtungo ito kina Roxy kasama si Archie.

Nalaman ni Sally ang tungkol sa pagkikita ng tatlo kaya nabaliw na naman ito.

Kinarga niya si Achilles,inakay na parang bata at inikot ikot.

"Lalalalalala!baby lalalalalala!"

She danced grinning.

Achilles closed his eyes because of fear.

Rewrite our Stars (Senior High 2_Roxchie Spinoff)Where stories live. Discover now